*Dark POV*
"Daddy!!!!!"
Sigaw ng dalawa kong mga anak at masaya itong tumakbo palapit sakin."Daddy I have a ten star!!"
Masayang sabi ng bunso namin."Me too Dad,I have a good star!!"
Sabi din ni Dryell sakin.
Ngumiti ako sa dalawang anak ko.Limang taon na din ang nakalipas ng mangyari ang hindi inaasahan.
Mahirap man kalimutan pero kinaya namin.Marami ang nagluksa,marami ang nalungkot at umiyak at kasama na ako dun.
Pero sa kabila ng lahat ng yun kinaya namin,nagpakatatag kami.Napatingin ako sa dalawa kong anak na masayang nagkukulitan sa isa't isa.
"Daddy I want to go home now!.."
Sabi sakin ni Drakell ang bunsong anak namin na lalaki ni Yell."Me too Dad,so let's go na!!"
Pumasok na ang dalawa sa kotse.
Napailing na lang ako sa mga anak ko at may bahid ng ngiti ang labi ko na pumasok sa driver seat."May family is happy!my family is happy!!"
Kanta ni Drakell."Saan mo narinig yang kanta na yan baby?"
Tanong ko dito habang nag mamaneho."Sakin lang po daddy,Kasi po teacher told me na gumawa po ako ng song para po sa family ko,and I think my creative song is so good!!"
Napangiti ako sa tinuran ng anak ko.
Sa limang taon nitong edad napaka galing na nitong magsalita katulad ng ate nya.Iniliko kona ang kotse papasok sa subdivision.
At ipinarada ito sa tapat ng bagong bahay namin.
Napag isip-isip ko na magpatayo ng bagong bahay dito,para makapag simula ng bago at maging maayos at ligtas ang buong pamilya ko.
Ang mansyon ko ay pinatirhan ko muna kanila Light at sinabihan na sila na muna bahala dun."Daddy let's go!"
Aya sakin ng anak ko.
Tumango lang ako dito,nauna ng bumaba ang mga ito.
Bumuntong-hininga ako at kinuha ang isang bouquet ng flower.
Inamoy-amoy ko ito at napangiti na lang.I'm sure na magugustuhan nya ito.
Lumabas na ako ng kotse at naglakad papasok sa malaking bahay namin.Napahinto ako sa tapat ng pintuan ng makita ko ang Reyna ko na masayang nakangiti sakin,Kita ang bakas ng kasiyahan sa maamong mukha nito.Maging ang magaganda nyang mga mata ay nagniningning sa tuwa.
"Y-yell...."
Tawag ko sa asawa ko na buhay na buhay sa harap ko."Yes hubbyyyy?!!,para sakin ba Yan?"
Nakangiting lumapit ito sakin at hinalikan ako sa labi.
Diko mapigilan ang sarili na hapitin pa ito palapit sakin at mas siniil kopa ito ng halik.Hingal na hingal naman ito ng maghiwalay ang mga labi namin.
At pabiro akong hinampas sa braso."Ikaw ha!.."
Sabay naman kaming napatawa.
Tiningnan ko ang flowers na dala ko para sa maganda kong asawa at iniabot ito sa kanya.
Kinuha nya naman ito at tumingin sakin na namumula ang dalawang pisnge.
Hindi ko maiwasang matawa ng mahina.
Kinikilig ba ito?..Kung oo.Mas Lalo syang gumaganda."Ano kaba naman Dark,ang tanda na natin at saka hindi ka naman na nanliligaw sakin,at saka hindi kopa naman birthday ngayon at isa pa hindi pa naman natin anniversary ngayon."
Sabi nito sakin.Ngumiti ako sa asawa ko at hinaplos ito sa pisnge."Kahit na anong mangyari,kahit na bumagyo man o lumindol.Kahit na hindi man natin anniversary ngayon o kung ano pa man,mananatili akong manliligaw mo at magiging mabuting asawa sayo.Because I love you so much,at importante sakin ang kasiyahan mo."
Sagot ko dito.
Nakita ko naman na tumulo ang mga luha nito kaya agad ko itong pinunasan."I don't know Dark kung bakit ikaw ang inilaan para sakin ng diyos,but I just want to thank to him.Because he give you to me.
You are my King,you are my handsome husband,you are my shining armor,you are my everything Dark.And I love you more than I love my self."
Hinawakan ni Yell Ang kamay ko na nakahaplos sa pisnge nya at idinala ito sa labi nya.