"Umupo ka na nga muna." He said and I obeyed him. Pero hindi parin matanggal ang pagkakakunot ng noo ko. Katatapos ko lang magpakatanga kay Chase, ngayon gagamitin lang nya ako?
"Ipaintindi mo nga sa akin kung ano ang masama mong balak?"
"Ganito nga iyon." Ibinaba nya ang kutsara saka tumingin sa akin."Magpanggap ka bilang girlfriend ko. Kahit isang gabi lang. Ikaw ang magiging date ko sa Big night ng school namin. Ako na bahala sa isusuot mo. Kung gusto mo ipaalam kita kay Kuya Ian o kay Tita? Para maliwanag sayo schoolmate ko kasi sya. Kapag makita nya tayo together gusto kong ipamukha sa kanya kung ano ang sinayang nya."
"Wow ha! Sinayang talaga?" Paingos kong sabi. "Saka ikaw na bahala sa gown ko? Sa shoes ko? Naahhh. Plinano mo ito ano?"
"Nagbago na ako, Lilian. Hindi na ako yun batang nakilala mo noon. Siguro ganoon ka rin. Lahat ng tao nagbabago. Ako nagbago para sa kanya." Sabi nya at para bang tama nga sya. Seryoso na kasi sya ngayon hindi gaya dati. Well, ilang taon nga lang ba kami noon?
"Dapat bang baguhin ang sarili mo dahil lang sa isang tao?"
"Kung iyon lang ang paraan para mapatunayang mahal ko sya? Bakit hindi. Hindi mo maiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko. Pero sana sa pagkakataong ito maintindihan mo ako, Lilian."
"Ano naman mapapala ko kung magpapanggap akong girlfriend mo? Mas ikakaganda ko ba yan kung saksakan na ako ng ganda?" I laughed and he frowned. "Fine. Serious na. Bakit ba kung anu ano ang iniisip mo at plinano ang lahat ng ito? Pwede namang maging masaya ka na para sa kanya." Sige pa Lilian galingan mo magpayo. Sabi ng bahagi ng isip ko.
"Mahirap sabihing masaya ka para sa taong dahilan kung bakit ka nasasaktan. Nasubukan mo na bang magmahal? Yung seryoso? Na halos ibigay mo ang lahat para mapasaya sya? Kung ikaw ang nasa posisyon ko anong gagawin ko?"
"Mat.." Ginanap ko ang kamay nya. "Hindi lang ikaw. Inn fact, alam ko ang nararamdaman mo at alam ko kung gaano kasakit. Ginawa ko na rin ang lahat pero walang nangyari. Pero kung gusto mo talagang subukan gawin mo."
"Ibig sabihin pumapayag ka na?" Umiwalas ang mukha nya pagkasabi ko nun.
"Let me think first...."
"Sige na. Please..."
"Okay."
"Okay sige." Mas lumapad ang ngiti nya kaya mapangiti na rin ako. "Nextweek na ang Big Night namin. After class natin tomorrow magkita tayo para sa isusuot mong dress at makamili rin tayo ng shoes mo."
"Ang gastos naman yan."
"Don't worry. Saka mas malaking pabor naman ang hinihingi ko sayo. Para na rin makabawe ako sa mga ginawa ko noon. So, okay lang sayo?" He asked and I nodded.
"Okay. Sa ngayon pwedeng ibalik mo ang dating Mathew? Hindi kasi ako sanay ngayon. Ang seryoso mo kasi, nakakatakot."
He laughed. "Bakit naman nakakatakot?"
"Para mo kasi akong binusog tapos bibitayin mamaya." I joked and he laughed again.
"Kumain ka na nga lang."
Namiss ko rin itong unggoy na ito. Si Mathew o madalas kong tawaging Mat-ew. Kasi, wala lang. Feeling ko kasi makakarevenge ako sa kanya. Dati iyon.
Bago kami nagpaalam sa isa't isa binigay nya ang address nila. Iyon nga lang nakalimutan kong tanungin kung saan sya nagaaral.
Patawid sana ako nang makita ko si Marian palabas ng Mall. Wala syang kasama ito na siguro ang tamang pagkakataon para makausap ko sya. Papalapit pa lang ako ay nakita na nya ako saka sya ngumiti. As expected...