Chapter 32

19 2 0
                                    

Mahal ko pa kaya sya?

Yan ang tanong na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi tuloy ako makapagconcentrate dito sa report na ginagawa ko. Kakabalik ko lang sa trabaho at feeling ko ay tambak tambak ang gagawin ko ngayong araw dahil sa mga ilang folders na nakatambak sa mesa ko.

"Hi Ma'am, mukhang hindi ka po yata nagenjoy sa bakasyon mo." Nakangiting bati sa akin ng isang teller, si Suzette.

"Hindi naman. Medyo nanibago lang ako." I smiled at her. "O ikaw, okay na ba kayo?" Napawi ang ngiti sa labi nya. "Gets ko na, kung gusto mong pagusapan free ako mamaya."

Si Suzette, isa sya sa malapit sa akin dito kaya ganyan na lang kami magusap. Nakikita ko kasi sa kanya ang sarili ko noong kami pa ni Chase. Oo tama, pareho kami ng pinagdanan.

Pagkaalis niya ay ituon ko ang atensyon ko sa mga paper works. Ang dami ko pa palang hindi naapproved at mga request letter galing sa iba't ibang branch.

Hindi na ako lumabas ng office para maglunch kahit niyaya ako ng mga kasamahan ko. Gusto ko kasing tapusin ang lahat ng ito ngayong araw.

"Ms. Lilian, 6pm na po. Hindi pa po ba kayo uuwe?" Tanong sakin ni Mae, Credit Evaluator namin.

"I'll just finish this." I replied.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos ko na ang mga report ko. May ilan na rin akong sinumulan na mga report at itutuloy ko na lang ito bukas.

Ramdam ko ang pananakit ng likod ko. Inunat unat ko rin ang braso ko dahil nangalay kakatype sa computer.

Kailangan ko nga yata ng magpamassage mamaya.

Pagkalabas ko ng office dinadayal ko ang number ni Kuya para sunduin ako. Dahil sa totoo lang pagod na pagod ako ngayong araw.

"Lilian!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Kung makasigaw naman nito akala mo ang layo namin sa isa't isa. Napatingin ang ilang tao na dumadaan sa akin. Pagkalapit nya ay agad ko syang sinuntok ng mahina sa braso nya.

"Grabe ka, alam na tuloy ng ibang tao ang pangalan ko."

"Eh malay mo naman nasa kanila ang ka-forever mo?" He smirked.

Kapag talaga ngumingisi ang isang to ay kinikilabutan ako. Mukha kasi syang may pinaplanong.....masama. Tsss.

"Mathew ha. Hindi ko kailangan yan ngayon. Kakasabi mo lang— Teka saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko. Hinila nya kasi ako bigla papunta sa kotse nya. "RK"

"RK?"

"Rich Kid. Ano ba yan? Saan ka ba lupalop nanggaling at hindi mo alam iyon?"

"Sa planetang lahat ng tao ay gwapo at magaganda."

"Ang hangin..."

"Pumasok ka na nga lang."

Ang gentledog talaga nitong kaibigan ko. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse nya. Huwag daw akong pachix. Sarap pektusan eh.

Tinext ko si Kuya na huwag na akong sunduin. Mabuti na lang at hindi pa sya nakakaalis ng bahay.

"Saan ba tayo? Ililibre mo ako?" I asked and I nodded. "Wow naman. RK na RK ha. Tutal gutom na ako."

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon