Chapter 5

41 5 0
                                    

Kahit ako ang nakipagbreak sa kanya, nasaktan din ako nun. Umiyak at nagmukmok din ako. Pero hindi halata dahil kaya kong dalhin ang sakit. Kaya kong itago iyon. Kaya kong ngumiti kahit nasasaktan na. Kaya ang akala ng iba ok lang ako. Pero hindi.

Pero mas masakit pala pakinggan kung sakanya mismo nanggaling na wala na kami. Gaya ngayon. Ang sakit sakit. Tila ba may ilang libong semento na nakadagan sa dibdib ko.

"True? Baka niloloko nyo lang ako ha?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Sir.

"Totoo po." Ako ang sumagot.

"Oh my! I'm sorry guys.... Pero hindi ko na babaguhin ang kakantahin nyo. Siguro naman may love pang natitira sainyo. Pwede kayong magpakasweet sa mga audience."

"Ayos lang sa akin." Sagot ni Chase. "Ikaw, Yanyan?

"O-oo naman. Keri ko rin." Sagot ko kahit ang totoo hindi ko alam kung kaya ko nga.

"That's great. Wednesday tayo magsstart ng paractice dahil nakaleave ako sa Monday and Tuesday. Pag-aralan nyong mabuti ang kanta. Okay?"

"Yes, sir."

"Sige, baka may klase na kayo. Ibinigay ko lang sainyo yan." Umalis na rin kami. Gusto ko syang tanungin kong ok lang ba talaga sa kanya na kantahin namin yun.

"Ok lang ba sayo na kantahin natin ito?" Tanong nya. Mapapaisip ka na lang minsan kung may angking galing sya sa pagbasa ng isip.

"Kakantahin lang naman eh." I smiled. Sabay kaming naglakad papunta sa kinaroroonan ng barkada namin. Agad kong hinila palayo si Mia.

"Wait lang, guys." Excuse ko sa kanila. Lumayo lang kami konti kung saan sila nakaupo.

"Anong problema?" Nagaalala nyang tanong. "Inaway ka ba ni Chase? Nagkasagutan ba kayo?"

"Hindi. Yung kakantahin kasi namin. Power of Two daw."

"Akala ko pa naman kung ano na. Bakit gusto mo ba power of one?" She joked but I frowned. "Joke. Okay,gets ko na. Themesong nyo yan kaya medyo awkward. So what's the plan?"

"What if kinanta namin 'to tapos mahahalata nya na may feelings pa pala ako sa kanya. Kilala mo ako, kaya kong itago yun pero mahahalata yun ni Chase."

"May feelings ka pa naman talaga sa kanya, diba? At seryoso sya nung sinabi nyang mahal ka parin nya? Saka napapansin ko nitong huli masyado syang touchy sayo. Kagaya kanina inakbayan ka pa tapos sabay pa kayong pumasok. Hindi kaya hinintay ka nya talaga kanina para sabay kayo?"

"Ganon nga kaya?"

"Dyosko! Para kang si Ryan minsan, Lilian. Tanong din isinasagot sa tanong. Ba't hindi na lang kayo? Aray!" Sinabunutan ko kasi sya dahil kung anu ano ang sinasabi nya.

"Lokaret ka talaga. Patulan mo muna si Adam." Ganting biro ko sa kanya.

"Don't say bad words." She arched her brow. "Para hindi ka nahihirapan dyan sabihin mo na lang sa kanya yang feelings mo."

"Seryoso?"

"Ay! Hindi. Joke lang." Sabi nya sabay irap sa akin. "Seryoso nga ako. Kaya mo ba?"

"Ewan."

"Suggestion lang naman yun. Nasa sayo parin yan." She said. Tinawag na kami nila Erin dahil start na daw ang klase.

Thirty minutes lang nagdiscuss si Ms.Fontanilla dahil inaatake sya ng asthma. Naghintay uli kami ng susunod naming klase. Lumabas sila Mia kasama sila Erin at Leah. Pinilit nila akong sumama pero humindi ako.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon