Naalala ko ang sinabi ko kanina. Kapag may aalis may babalik. At bumalik nga si Chase.
Hindi ko nagawang lumingon kahit na na tumayo sila Adam at Mia para salubungin sya. Ako naman ay inom ng inom ng tubig. Feeling ko nanuyo ang lalamunan ko noong narinig ko ang boses nya. Hindi ako prepared sa pagdating nya. Ni hindi man lang ako ininform ni Mia na ininvite nila si Chase. Pero ano naman ngayon kung nandito sya?
"Akala ko hindi ka na makakasama dahil hindi ka nagreply sa message ko sa facebook." Rinig kong sabi ni Adam. Papalapit na sila. Tatayo ba ako o mananatili akong uupo? Kung tatayo ako baka magisip naman si Chase na umiiwas ako na hindi naman totoo. Bakit naman ako iiwas sa kanya? Kaya pinili ko na lang na umupo bago sila makaupo ay bumuntong hininga muna ako.
"Hi, Lilian." He said.
"Oy." Tangi kong naisagot. Natangahan tuloy ako sa sarili ko. "Kumusta na? Halatang bos na boss ka na ha." I tried to joke. Paano ba naman kasi parang iba ang kaharap kong Chase. Malayong malayo sya sa taong huli kong nakausap noon. May nagiba sa kanya.
"Hindi naman. Ikaw nga yata ang boss dyan eh." He replied.
"Kakasimula ko pa nga lang sa work."
"Guys, excuse us. May ipapakita lang ako kay Lilian sa kitchen. Tatanungin ko lang sya kung anung magandang design ang ilalagay."
"Sige, babe. Balik kayo agad kasi namimiss na kita." Sabi ni Adam. Ngumiti lang si Mia saka kami nagtungo sa kitchen ng restau nila.
"Ginayuma mo ba si Adam bakit ang tindi ng tama nya sayo?" Pangaasar ko.
"Gayuma agad? Hindi ba pwedeng mahal na mahal lang namin ang isa't isa? Girl...."
"Bakit?" I asked. Nakarating na kami sa kitchen nila at wala naman akong nakikitang mali. Kung tutuusin ang ganda ng pagkakadesign nila dito. "Wala ng aayusin dito ah."
"Wala naman talaga. Gusto lang kita makausap about kay Chase. Promise, Friend wala akong alam na pupunta sya dito. Napagalaman ko lang kanina na kinontak pala sya ni Adam last week."
"Ano ka ba? Its been a year, friend. Kung inaalala mo about sa feelings ko sa kanya. Wala na iyon, tapos na sa amin. May kanya kanyana kaming buhay, masaya ako at alam kong masaya na rin sya ngayon. Kaya don't worry." I smiled at her.
"Mabuti na iyong alam ko ang side mo. Baka kasi mamaya mahal mo pa tapos magbalik ang nakaraan, diba?"
"Halika na nga. Bumalik na tayo doon baka kung ano isipin nila." I said as we go back to our table. Masaya silang nagkwekwentuhan.
"Pasali naman kami. Anong meron?" Tanong ko habang hinihila ko ang upuan.
"Ito kasing si Chase, chef na pala. Akalai mong marunong palang magluto ang damuhong ito."
"Di na ako nagtaka. Kanino ba naman magmamana si Chase kundi kay Mama nya." I said.
"Oo nga. Naku baka maging kakumpetensya ka namin kapag magpapatayo ka ng restau mo. Huwag naman ganon, magkakaibigan tayo diba?" Pambibiro ni Mia. "O di kaya pwede kang maging chef namin. What do you think, bheb?" Baling nya kay Adam.
"Pwede. Pero syempre nakay Chase parin ang desisyon."
"Pwedeng pwede. Pero siguro by next month na lang, pare. Magiging busy kasi ako nitong huli."
"Bakit?" Usisa ko.
"Basta." He smiled.
"Pasuspense ka naman. Anyway, hindi pa ba kayo nagugutom? Ipapahanda ko na ang pagkain natin para matikman nyo naman lahat ng nasa menu namin." Pagiiba ni Mia. Pumayag naman kami kaya naiwan kaming dalawa ni Chase. Gusto daw kasi nila na sila mismo ang magserve sa amin.