Chapter 8

44 4 0
                                    

"Ma, gising na si Lilian." Rinig kong sigaw ni Kuya at nakita ko syang palabas ng kwarto ko. Alam kong nasa kwarto na ako dahil napansin ko ang wall clock na hello kitty na regalo sa akin ni Kuya.

Pinilit kong bumangon at napangiwi ako dahil sa sakit ng ulo ko. Nasusuka ako pero feeling ko wala akong maisuka dahil kumakalam ang tyan ko. Nakita ko si Mama na may dalang tray papasok sa kwarto at nasa likuran nya si Kuya.

"Inumin mo muna ito, anak para mabawasan ang sakit ng ulo mo. Pinagluto rin kita ng sopas." Sabi ni Mama sabay abot sa akin ng baso. Nilapag nya ang tray sa kama.

"Ma, papasok na po ako." Pagpapaalam ni Kuya sabay halik sa pisngi. "Lilian, magusap tayo pagkauwe ko." Baling nya sa akin. Cool sya, pero mas strikto si Kuya kaysa kay Papa. Tumango ako sa kanya saka sya lumabas.

"Sinong naghatid sa akin pauwe, Ma?" Tanong ko pagkatapos kong humigop ng kape.

"Si Chase. Anak, bakit ka naman naglasing? Kung gusto mong magpakalasing sana binilhan ka na lang namin ng isang dosenang case ng alak." Alam kong nagbibiro lang sya at pinapagaan nya ang paguusap namin.

"Si mama talaga." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Nagtagal po ba dito si Chase kagabi?"

"Hindi dahil may mga naiwan pa daw syang bisita sa bahay nila."

"Ganoon po ba?" Tangi kong naisagot. As if naman magtatagal sya dito. Naghihintay kaya ang girlfriend nya.

"Tumawag nga pala si Mia kanina, tinanong nya kung gising ka na. Sinabi kong hindi ka papasok dahil tulog ka pa. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit ka uminom kagabi?"

"Gusto ko lang pong tikman, Ma."

"Tikim lang pala, pero bakit lasing na lasing ka? Dyosko! Ang Papa at Kuya mo hindi umiinom. Samantalang ikaw na kababaeng tao ay lumalaklak. Paano kung sa ibang lugar ka nakipaginuman? Paano kung may magtake advantage sayo dahil lasing ka? Anak naman." Mahinahon pero mariin ang pagkakasabi nya. Napayuko ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"Soryy, Ma..."

"Nangyari na. Hindi na natin pwedeng ibalik ang mga naisuka mo. Huwag ka na uli maglalasing ha." Medyo napatawa ako sa hirit nyang iyon ni Mama at napansin kong napangiti rin sya. "Kung may problema ka huwag mong idaan sa paginom. Nandito naman kami ng Kuya mo para makinig sayo. O di kaya tumawag ka sa Papa mo. Alam kong kahit gaano sya kabusy ay magkakaroon pa rin sya ng oras para makausap ka."

Tatlo lang kami nila Mama dito sa bahay dahil si Papa ay nasa Dubai na nagtratrabaho bilang guro. Paminsan minsan may pumupunta dito si Aleng Seling para maglaba. Wala kaming katulong na nagluluto, o naglilinis ng bahay. Gusto kasi ni Mama na sya na lang gumawa lahat ng iyon. At may pagkakuripot si Mama, kaya imbes na ipasahod sa iba ay iniipon na lang nya para sa future namin ni Kuya.

"Nakakahiya na po kasing pagusapan ang katangahan ko, Ma." I laughed softly. Wala akong ibang maalala tungkol sa nangyari kagabi pagkatapos kong yakapin si Chase ng mahigpit.

"Kung makapagsalita ka parang hindi mo ako Ina. Lilian, nanay mo ako at alam kong may problema ka. Hindi ka naman basta basta umiinom na walang dahilan." Hindi ako umimik. Hindi ko pa kayang magopen up sa kanya. Sariwa pa ang sugat. "Magsabi ka lang kung handa ka na ha." Sabi nya saka nya inayos ang buhok ko. Bumaba na sya dahil maghahanda sya ng iluluto para sa aming pananghalian.

Kinuha ko ang sopas sa tray dahil ramdam ko na gutom na gutom ako. Feeling ko naisuka ko lahat ng kinain ko kasama pa ang laman loob ko kagabi. Ilang minuto lang ang nagtagal ay naubos ko na ang sopas. Naligo ako pagkatapos kong kumain dahil naiinitan ako. Saka ako bumaba dala dala ang tray.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Pagtatanong ni Mama. Dumiretso ako sa kusina para hugasan ang pinagkainan ko.

"Mas mabuti po kaysa kanina."

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon