Chapter 31

28 1 0
                                    

Franco

"Isang bote pa." Sabay abot ng red horse kay Chase.

Nandito kami ngayon sa condo ko. Umalis ako sa bahay noong panahong umamin ako kay Lilian na may sakit ako. Baka kasi pumunta sya sa bahay at makita nya akong nandoon e di hindi na magwork ang plano ko. Pero sa kasamaang palad ni anino daw ni Lilian ay hindi nakita ni Mama na dumalaw sa bahay.

Nakapitong bote na kami pero hindi parin maalis ang sakit ng nararamdaman ko. Kahit nga yata magpakalunod ako dito eh.

"Ano ito nagdadamayan tayong dalawa dahil kay Lilian?" Chase laughed bitterly. "Ang gago natin ano?"

I nodded. Uminom ako bago uli nagsalita. "Pasensya ka na pare kung sinabi ko sayo na may feelings pa si Lilian sayo."

"Okay lang iyon. Atleast ngayon alam ko na talaga na she's finally over me. Akala ko din kasi mahal pa nya ako gaya ng dati. Knowing Lilian, kapag may gusto sya ginagawa nya ang lahat makuha lang ito. Nasaksihan mo naman noon ang mga ginawa nya para lang mahalin sya uli. Pero gago ako eh. Binalewala ko sya."

Napayuko sya.

"Pasensya na rin pare kung may nasabi ako sayo noon. Actually, nainis ako sayo noon. Naalala mo noong nasa fishballan tayo?" He asked and I nodded. "Naiinis ako sayo kasi feeling ko may magtatanggol na kay Lilian na dapat ako yung gagawa. Noong nalaman kong kayo na kahit masakit tinanggap ko iyon dahil alam kong mas mamahalin mo sya ng higit pa sa binigay ko."

I smiled. "Gaya mo, nainis rin ako sayo. Kahit alam mong mahal na mahal ka ni Lilian noon ay nagawa mo parin syang saktan. Everytime na nakakasalubong ko sya, kahit na tumatawa sya, bakas parin sa mata nito ang kalungkutan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo makita noon iyon. Gustong gusto ko syang ligawan dati pa, hindi ko lang magawa dahil ang hirap mong palitan sa puso nya."

"Nagawa mo parin naman."

"Oo, nagawa ko nga. Ginawa ko ang lahat. Lahat ng hindi mo nagawa. Pagmamahal, atensyon, pagiintindi, efforts, at kahit ano pa yan. But still, nagawa ko rin ang nagawa mo. Ang iwanan sya."

"Kailangan nga yata tayong magpaparty dahil sa kagaguhang nagawa natin, ano?" He chuckled. "Sa lahat ng nangyari, alam kong nasasaktan ngayon si Lilian."

"I know." Sagot ko saka uli ako uminom. "O anong gagawin mo? Magseselfie tayo at ipopost mo sa facebook?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Hindi. Itetext ko si Mia na tawagan nya si Lilian dahil kailangan nya ngayon ng kaibigan."

Bago pa magtype si Chase sa cellphone nya ay kinuha ko ito saka nilapag sa mesa.

"Akin na yan. Bakit—"

"Sa tingin mo ba ganon si Lilian? Oo, kailangan nya sila Mia, pero mas kailangan nyang harapin itong magisa. Kilala ko si Lilian, matapang sya at may kahinaan din. Pero sa pagkakataong ito hayaan muna natin sya. Mas makakapagisip iyon kapag magisa, gusto nyang nakakagawa ng desisyon on her own. Para wala syang sisishin sa huli kung mali o tama man ang desisyon nya."

"Mas kilala mo nga pala siya."

Wala naman sa tagal ng panahon para makilala mo sa isang tao. Siguro nga kilala ko si Lilian sa mga ganitong bagay. Pero alam kong marami pa akong hindi alam sa kanya.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon