Chapter 29

9 1 0
                                    

Pagkabangon ko ay agad akong naghilamos saka bumaba dahil amoy na amoy ko ang niluluto ni Mama. Sinangag at tuyo. Nirequest ko kay Mama kagabi na kung pwede iyon ang ulam namin.

Ang lakas ko talaga kay Mama. I thought.

"Good Morning, Ma." Sabay yakap sa kanya mula sa likod. Ang bango bango naman ng ulam natin."

"Good morning din. Tawagin mo na ang Kuya Ian mo ng makakain na tayo."

Nasa labas ito habang nagigitara. Siguro nagprapractice na naman sya para haranain ang nililigawan nya. Paano laging basted. Mukhang iyon ang tadhana naming magkapatid.

"Kuya, kain na daw tayo." Tumayo naman sya. Lumapit ako sakanya saka ko hinawakan ang braso nya. "Nga pala may ibibigay ako sayo mamaya. Isuot mo yun kapag makikipagdate ka ha." Natatawa kong sabi sa kanya. Naiimagine ko tuloy reaction nya kapag nakita nya ang damit na ibibigay ko.

"Salamat bunso." Tugon nito sabay gulo sa buhok ko.

"Kuya naman. Hindi na ako bata." Pagyayamot ko habang inaayos ko ang buhok ko.

"Oo nga pala, hindi ka na nga pala bata dahil yang puso mo na ang nasusugatan." Pang aasar nya. "Joke lang." Pambabawe nya dahil tinignan ko sya ng masama. Saka nya ako inakbayan habang papasok kami sa bahay.

"Ikaw nga lagi kang basted sa mga nililigawan mo eh."

"Hindi nga yata tayo swerte sa lovelife." Turan nya at natawa kaming pareho. "Hindi bale, swerte naman tayo sa ibang bagay."

Tama. Lalo na sa pamilyang meron kami. Ang pamilya lang talaga ang makakapagbigay ng unconditional love. Na kahit konting pagmamahal ang ilaan mo ay hinihigitan parin nila ito. Mamahalin ka nila ng walang anu mang hinihinging kapalit.

Si Mama, sa dami ko ng pinagdaanan nandyan parin sya. Laging sumusuporta. Lagi nyang sinasabi sa akin na okay lang magkamali. Dahil bawat pagkakamali may mga bagay kang matututunan. Nandyan si Kuya, na kahit na madalas nya akong asarin eh laging nandyan para protektahan ako. Hindi man namin kasama si Papa ngayon ay hindi parin sya nagkulang sa pagpapaalala sakin ng mga bagay bagay.

"Huwag kang magisip ng ganon kuya. Alam kong may babaeng para sayo sadyang pihikan ka lang. Paano ba naman nililigawan mo eh ung hindi ka naman gusto." I joked.

Pagkatapos naming kumain ay nagdilig ako ng halaman ni Mama. Naggrocery kasi ito. Si kuya naman ay pumasok sa kanyang trabaho. Nextweek pa ako papasok dahil nakaleave pa ako.

"Hi Lilian."

Napalingon ako. Pero kahit hindi ako lumingon alam kong si Chase iyon.

"Ui, Chase." I smiled at him. "Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko habang binubuksan ang gate. Itinaas nya ang kamay nya at may dala itong nakapaper bag. "Hulaan ko, siomai?"

"Paano mo nalaman?"

"Paanong hindi ko malalaman eh yan lang naman alam mong ibigay sa akin." Natatawa kong sagot. Napakamot naman ito ng ulo. "Pasok ka."

"Salamat. Nasaan sila Tita at Kuya mo?"

"Naggrocery si Mama, si Kuya nasa trabaho. Pumasok ka na muna tapusin ko lang pagdidilig sa halaman."

"Gusto mo tulungan kita?"

"Sure ka? Nakakahiya naman sa porma mo. Parang aakyat ka ng ligaw eh."

"Pwede ba?"

"Ha?"

"Wala." He smiled. Kinuha nya sakin ang hose at sya na ang nagdilig sa mga halaman. Ako naman ay inaayos ko ang  paso dahil tabi-tabingi ito.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon