Chapter 33

8 1 0
                                    

                              Mathew

"Lilian!" Pagtatawag ko sa kanya. Kumuway ako pagkalingon nya sa gawi ko.

Nandito ako ngayon sa labas ng office nila. As usual, dakilang taga sundo nya ako. Masyado yatang nawili sa pagsakay sa kotse ko kaya nagrequest syang susunduin ko sya after work nya. Bilang isang mabuting kaibigan at may mga pagkukulang din naman ako sa kanya ay pumayag ako sa set up na ito.

Nakita kong nagpaalaam sya sa lalaking kanina pa nya kausap.

"Mat! Kanina pa kita hinihintay." Sabi nya agad pagkalapit nya sa akin. "Tara na, nagugutom na ako eh."

At dirediretso syang lumapit sa kotse ko. Bago sya makapasok ay agad kong hinila ang shoulder bar nya papalapit sa akin.

"Excited umuwe?" Pagtatanong ko.

"Nagugutom na kasi ako eh."

"E di kumain ka kaysa sa makipagkwentuhan ka sa lalaki na iyon. Sino ba iyon?"

"Ahhh yung kausap ko kanina?" She asked and I nodded. "Bagong account officer namin. May mga tinatanong lang about sa policies."

"O e bakit hindi sya magtanong sa HR bakit sayo pa?"

Imbes na sagutin nya ang tanong ko ay naningkit ang mga mata nya saka ako dinuro duro.

"Tsk! Don't tell me nagseselos ka?"

"Kilabutan ka nga. Pumasok ka na nga lang ng mailibre mo na ako." Sagot ko saka ako nagtungo sa kabilang side ng kotse saka ako pumasok.

On the way na kami sa isang sikat na kainan. At ilang beses kong nahuhuling tumitingin sa akin si Lilian.

"Bakit?"

"Ha?"

"Anong problema mo bakit tingin ka ng tingin?" Tanong ko.

"Wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit ka nagseselos."

"Ako? Magseselos? Aba, Lilian kabahan ka nga sa mga sinasabi mo."

"Bakit? Hindi ba totoo? Yung mga titig mo kanina sa amin parang iba eh."

"Ayoko lang na maattached ka sa mga lalaki. Ang bilis mo pa naman ma-fall, ang bilis mo kasing utuin. Aray—"

"Grabe ka, Mat. Anong mabilis utuin?!" Magkasalubong na ang mga kilay nya, ibig sabihin lang nun ay inis na naman ang babaeng ito.

Ang galing mangasar pero kung sya naman ang aasarin mo ang bilis mapikon. Hays.

"Biro lang. Ang sakit mo mangurot ha. Ang totoo nyan, ayaw ko lang naman na masaktan ka ulit. Concerned lang ako sayo, friend."

"Makafriend ka naman."

"O bakit? Magkaibigan naman talaga tayo eh. Ayaw mo noon may kaibigan kang pogi?"

"Self proclaim?"

"Aminin mo na kasi na pogi ako."

"Oo na lang." Pailing iling pa sya. "Saka dont worry, hindi na ako papadala sa mga mabulaklak na salita ng mga lalaki para sa ikakapanatag mo."

"Mabuti naman. Dahil ayokong makita kang umiiyak ka dahil lang sa mga lalaki na iyan."

"Okay lang ba sayo na sinusundo ako?" Pagiiba nya ng usapan.

I nodded.

"Baka kasi dahil sa akin hindi ka makahanap ng new girlfriend. Baka kapag nakikita ka nilang may kasamang iba, aakalain nilang may girlfriend ka na. Okay lang naman—"

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon