Chapter 2

71 4 0
                                    

Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog dahil sa pasabog ni Chase. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. But, a greater part of me naniniwalang totoo yun.

Ano ka ba Lilian, magmove on ka na lang.

"Mia..." I said. Nasa canteen kami dahil vacant namin napagpasyahan naming magmerynda muna.

"Bakit?" She asked. Tama bang tanungin ko sya tungkol sa mga ganitong bagay?

"Wala pala.." I smiled.

"Kung ako sayo tanungin mo na yan kaysa naman mawindang ka sa kakaisip. Sige na, try me"

"Ano kasi...."

"Oh my! Don't tell me buntis ka? Kanina pa kita napapansin. Kung hindi ka tulala naghahanap ka ng cheese sticks." Lumaki ang mata nya habang nagsasalita at bigla akong tumawa sa reaction nya.

"Alam mo ang o.a mo. Ano ka ba, virgin na virgin to."

"Eh ano pala ang sasabihin mo? Ok, let me guess. In love ka pa kay Chase?" She asked and I nodded. "Seryoso?" Tanong nya uli na para bang hindi makapaniwala.

"Oo nga! Ano ba yan, nakakahiya tuloy" Naramdamdamn kong uminit ang pisngi ko. "Huwag kang maingay, please. At huwag na huwag mk sasabihi kahit kanino."

"Sure. Pero totoo talaga? Eh anong ibig sabihin ng break up nyo? Joke joke lang yun?"

"Hindi. Talagang break na kami. Kaso noong nalaman kong mahal pa nya ako parang bumalik sa dati. I mean, yung love ko sa kanya datu bumalik."

"Teka. Sure ka bang mahal ka nya?"

"Oo? Diba narinig mo naman ang sabi nya last week nung nasa shed tayo?"

"Oo. Pero paano kung mahal ka nya as a friend?" Oh no. Oo nga noh? I asked myself. "Pero possible namang mahal ka pa nya talaga na pwede kayong magkabalikan" She added and I frowned.

"Mas ginulo mo ang utak ko eh" I said as I rolled my eyes. "But, you have a point"

"See? Possibleng kasing ganon. Mukhang nakamove on na kasi sya at cool na cool pa syang nakikipagusap sayo. Pero malay natin deep inside eh mahal ka pa pala nya. Knowing Chase madaling magtago ng feelings."

"Paano ko malalaman na mahal nya talaga ako na hindi bilang kaibigan lang?"

"Magiisip ako. Sa ngayon tumahimik muna tayo kasi parating si Chase" Pagkasabi ni Mia, agad akong nagayos. Hindi sa nagpapaganda kundi ayokong isipin nya na may mali sa aura ko. Yun pa halos kabisadong kabisado ako.

"Hi Mia, Yanyan" Bati nya sa amin ng makalapit sya. Biglang bumilos ang tibok ng puso ko. Kalma ka lang naman hearty, mamaya tumalbog ka palabas sa dibdib ko.

"Ui, Chase. Libre mo naman kami ni Lilian"

"Ok sige, anong gusto nyo?"

"Wow. Mukhang madaming datong."

"Nakipustahan kami ni Adam sa mga education students sa dota kanina. Sinuwerte naman kami."

"Naglalaro ka na uli ng dota?" I asked. Nakilala ko si Chase na adik sa dota. Halos magcutting sya ng klase makalaro lang. Pero simula noong naging kami iniwan nya ang dota. Hindi ko na sya kailangang tanungin pa ng dota o ako dahil alam kong ako na ang pinili nya.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon