"Ang galing mo parin, Lilian." Sabi ni Kuya Elmer isa sa mga kaibigan ng Kuya ko.
"Oo nga. Bakit hindi ka sumali sa amin?" Shone suggested.
"Naku, busy itong kapatid ko sa trabaho nya." Si Kuya ang sumagot.
"Kung may time ako, sige ba." I answered.
Katatapos lang naming kumanta sa debut party ng kapatid ng barkada ng Kuya ko. Hindi sya typical na debut party na may 18 roses and candles at hindi nakagown ang debutante. Kundi naka-tattered pants ito at crop top, ang iba naman ay nakahi-waist shorts. Pati kaming mga bisita nya ganun din ang get up. Ang cool lang tignan ng ganitong set up. Hindi sya elegante, pero ang astig.
"Wow! Sinabi mo yan ha. Kunsabagay, every Saturday lang naman kami tumutugtog sa isang resto bar. May time ka parin para makapagpahinga."
"O sige Kuya, saka kailangan ko rin ng bagong paglilibangan."
"Kuya!" Napalingon kami at nakita namin si Star Kirstein. "Kuya, kumain muna kayo ng mga kabanda mo." Sabi nya kay Cloud, ang kapatid nya.
"Happiest Birthday, Star. Ang ganda ganda mo." Bati ko sa kanya.
"Thank you, Ate Lilian! Naku, maliit na bagay." Sagot nya saka kami nagtawanan. "Ang galing galing mo rin pong kumanta. Nainggit tuloy ako."
"Naku huwag kang mainggit. May mga bagay ka ding meron ka na wala sa akin. Gaya nun."
Sabay turo ko sa isa sa mga bisita nyang lalaki. Kanina ko pa kasi sila nakikitang nagaasaran. Sa mga tingin nung lalaki masasabi ko talagang natamaan ito kay Star. Pero parang walang kaalam alam si Star sa nagaganap na panahan ng kupido sa kanilang dalawa.
"Ah, si Winter po? Naku bwisit yan sa buhay ko. No choice lang po ako kaya nandito yan ngayon. Pero mabait naman yan minsan, lagi nga akong inaasar nyan na tabachoy eh kahit hindi naman na ako mataba."
"Baka naman kasi may crush sya sayo?"
"Naku naman, kinalibutan ako sa totoo lang. Never in my wildest dreams. Saka he's not my type." She whispered.
"Hoy, Star!" Rinig naming tawag sakanya nung lalaki. Kumuway kaway pa ito habang papalapit sa amin.
Inakbayan nya ito saka bumati sa amin. "Hello po.""Bakit ka ba sumunod dito?" Kita ko sa mukha ni Star ang pagkainis. "Ate, sunod na lang kayo ha. May bwisit naman kasi dito eh."
"Winter, yung kamay mo." Paninita ni Kuya Cloud dito. Agad naman nya itong inalis.
Ewan ko pero natutuwa ako sa kanila. Hindi ba aware si Star na nakaakbay si Winter sa kanya kanina? Bakit hindi man lang nya ito sinita?
Umalis na ang dalawa at nakaakbay parin ito sa kanya. Sumunod kami para makakain narin.
Alas dose na ng hating gabi ng magyaya akong umuwe dahil inaantok na ako. Habang ang iba ay sige parin sa pagpaparty. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga kabataan ngayon. At isa pa, pagod ako sa paglinis ng buong bahay kanina. Parang kailangan ko ng masahe sa likod.
Pagkauwe namin ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Naglinis ako ng katawan saka ako nagpalit ng damit. Sa sobrang antok ko ay nakatulog ako agad.