Chapter 16

39 3 0
                                    

"What? Si Chase may gawa nyan sayo? Seryoso ka ba?"

Mula ng makilala ko si Chase never ko pa syang nakita na nakipagaway. Suntukan man yan o mapasalita, never. Sya kasi yung klase ng tao na chill chill lang at hindi agad umiinit ang ulo nya. Unlike kay Ryan na konting asar lang napipikon na. Pero si Chase, hindi sya ganon.

"Oo nga. Akala nya kasi I'm cheating on you. Nakita nya kasi kami ni Bea kanina palabas ng School. Bigla na lang nya ako sinuntok."

"Sorry ha. Hindi sana nangyari ito kung—"

"Kung hindi sana kita pinagpanggap na girlfriend ko." He continued. "Kaya huwag ka ng ma-guilty dyan, okay?"

"Pero syempre may kasalanan din ako."

"Huwag na tayong magsisihan, Lilian. Tapos na, hindi na maibabalik itong pasa sa mukha ko. Langya, ang lakas sumuntok ng ex mo." He laughed.

"Gamutin muna natin iyan."

"Hindi na. Hindi ko naman siguro ikakamatay ito." He joked. "Ako na lang bahala gumamot nito at huwag kang magaalala kung magtanong man si Mommy." He added.

"Kausapin ko na lang si Chase bukas at sasabihin ko ang totoo."

"Para saan? Baka mas lalo nyang isipin na ginamit mo lang ako para pagselosin sya pero hindi naman totoo iyon dahil ako ang may pakana nito."

"Tingin mo nagseselos sya?" I asked.

"Oo at sigurado ako dun. Alangan namang trip lang nya ako kaya nya ako sinuntok? Sa ating dalawa ikaw ang mas nakakaalam kay Chase."

"Pero may girlfriend na sya."

"Hindi porket may girlfriend na sya hindi na sya pwedeng magselos lalo pa't ex ka nya."

"So sinasabi mong mahal pa nya ako?"

"Mahal agad? Pwedeng may feelings lang sya sayo?" He laughed and I frowned. Nakakabanas kasi sya. "Huwag mong masyadong isipin ang sinabi ko. Nasa moving on ka na. Kung gusto mo talagang makamove on, don't look back."

"Oo na lolo." I said as I rolled my eyes. "Isa pa, wala akong balak mang-agaw ng jowa ng iba. Para naman akong mauubusan ng lalaki pag ganon. At huwag kang tatawa tawa dyan kung ayaw mong dagdagan kita ng pasa."

"Natawa lang ako sa sinabi mong mauubusan ng lalaki. Sayang kasi taken na ako. Pwede sana tayo, diba?" He smirked.

"Ewww! Pwede ba Mat! Wala akong balak magpaligaw sayo. Kilala na kita since diaper days. Wala ng thrill yung getting to know each other."

"Ayaw mo nun kabisado mo na ako. Wala ka ng proproblemahin kasi nga alam mo na lahat sa akin." Inakbayan nya ako at dali akong lumayo sa kanya saka sya tinignan mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Gusto ko may thrill."

"Oo na. Umuusok na naman ilong at tenga mo nyan. O, sige na aalis na ako. Huwag mo na kausapin si Chase kasi okay lang ako."

"Magmeryenda ka na muna." Pagaalok ko pero tumanggi sya. Bumalik na ulit ako sa bahay pagkaalis nya.

Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Mat. Possible nga kayang pinagselosan sya ni Chase?

"Lilian, huwag mo ng isipin iyon. Mas maguguluhan ka lang. Ano naman ngayon kung may feelings pa sya sayo? Ang gawin mo kalimutan na lang sya. Ipagpatuloy mo na lang ang pagiwas sa kanya." I said to myself.

"Hoy! Kinakausap mo na naman ang sarili mo. Mamaya matuluyan ka na. Aba, ayaw kong magkaroon ng baliw na kapatid." Pagsita sa akin ni Kuya. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon