Chapter 1

126 6 0
                                    

"Mia, mayroon ka na nung assignment natin?" I asked. Nadatnan ko sila sa shed kasama ang iba naming barkada.

"Hindi mo pa nagawa?" Pagtatanong nya. "Lilian, ikaw ba yan?"

"Baliw! Nakalimutan ko kasi kaya pakopya ha."

"Nakay Adam ang papel ko eh. Hintayin mo na lang patapos na rin yata sya"

"Heto na lang, tapos na rin ako." Kahit hindi ko tignan alam kong sya yun. Alam kong ang amoy ng pabango at boses nya. Tinignan ko lang sya habang sya naman ay nakangiti. "Sige na"

"Salamat" Tugon ko.

Nagkakilala kami ni Chase noong panahon na sobrang problemado ako. Nagyaya silang maginuman noon at ako naman sumama. First time ko syang maging classmate, friends din nya ang mga friends ko. Nahuli ko syang nakatingin sa akin habang nagiingay ako dahil lasing na lasing na ako nun. Akala ko namalikta lang ako pero kinagabihan noon nagtext sya. Kung anu ano ang tinatanong nya sa akin, paborito kong pagkain, kulay, movie, kulang na lang sabihin kong Love is like a rosary full of mystery. Doon nagsimula ang pagiging close namin.

Hindi na ako nagtaka kung isang araw tatanungin nya ako kung pwede syang manligaw. At tama nga ang kutob ko, dinaan pa nya sa spin the bottle. Pumaparaan. Saktong natapat ang bote ng mineral water sa akin ng hapon na iyon.

"Pwede ka bang ligawan?" Naalala kong tanong nya noon. Ako naman, halos hindi mabingi dahil sa mga sigaw at pang-aasar na inabot ko sa mga classmates namin. Napa-oo na lang ako.

"Hoy! Lilian?" sabay tapik sa shoulder ko saka lang ako bumalik sa katinuan. Hindi ko man lang namalayan na katabi ko na pala sya.

"May iniisip lang ako" Pilit akong ngumiti.

"Kayo ba uli?" Usisa sa amin ni Erin. Nagkatinginan lang kami ni Chase at una akong umiwas ng tingin.

Siya nga pla ang dakila kong ex-boyfriend. Sobra nyang bait, matalino rin sya at gwapo. Noong naging kami sobra nyang pinaramdam sa akin kung gaano nya ako kamahal, madalas din nya akong intindihin dahil may saltik ako, at sobra nyang maalaga. Pero dahil nga may saltik ako, nagawa ko paring makipagbreak sa kanya.

"Si Erin tsismosa. Sige na bumalik ka na doon" He said. "Huwag mo ng pansinin yun" sabi nya at ngumiti na naman sya.

Hindi ko alam kung bakit parang ang cool nya parin makipagusap sa akin, parang walang nangyaring iyakan noong tinapos ko ang aming relasyon.

"Tapos ko na. Salamat ulit" I smiled. Tumayo na ako dahil kailangan kong lumipat ng upuan kasi hindi ko keri ang hangin.

"Nga pala Yanyan" pigil nya sa akin. Yan ang tawag nya sakin. "Bumili kasi ako ng siomai kanina,alam ko namang favorite mo 'to kaya bumili na rin ako para sayo" Sabay abot sa akin ng siomai. Bago pa ako tumanggi kinuha nya ang bag ko saka nya nilagay. "Kilala kasi kita eh" He added.

"Kilalang kilala mo talaga ako ha. Salamat, Chase" He smiled.

Ganyan siya, alam nya kung kailan ako malungkot o masaya. Alam nya kung anong gusto ko o kailan ako tatanggi, alam nya kung ano ang nagpapasaya sa akin.

"Ay! Ang daya ni Chase, bakit si Lilian lang ang bigyan mo?" Sabi ni Mia.

"Hayaan nyo na ang dalawang yan, malay nyo sila ulit" Pang-aasar ni Adam.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal...." Sabay kanta nila.

"Gago! Magsitigil nga kayo" Natatawang pag-aawat ni Chase sa kanila.

Bakit kaya parang ok lang sa kanya ang makipaglapit sa akin? Mahal pa ba nya ako? I thought. Asa ka naman Lilian, nakapagmove on na yan.

"Oh, para hindi na kayo kumanta kainin na lang natin 'to" sabay lapag sa siomai.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon