"Good Morning." Agad na bati sa akin ni Chase na nasa loob ng kwarto ko.
Nakangiti sya habang nakaupo sa tabi ng kama ko. May dala syang tray na may lamang sopas at tubig.
"Hindi ka ba umuwe?" Pagtatanong ko dahil napansin kong iyon parin ang suot nyang damit kahapon.
"Hinihintay kitang magising bago ako uuwe. Kumain ka na pala." Sabay alok sa akin. Dinampi nya ang palad nya sa noo ko. "Mukhang okay ka na. Nagalala ako sayo kagabi."
"Pasensya ka na naabala pa kita."
"Wala iyon. Kumain ka na at ng bumalik na ang lakas mo. Hindi ka nakapagdinner kagabi eh."
Maaring hindi maganda ang hiwalayan namin ni Chase. Itong nakikita ko ngayon na pagaalala nya sa akin ay ni minsan hindi sumagi sa isip ko. Pero ano itong pinapakita nya sa akin ngayon?
"Chase ako na. Kaya kong kumain." Pagpigil ko sa kanya dahil mukhang gusto nya akong subuan.
"Oo nga naman." Ngumiti sya konti saka sya napakamot sa ulo nya.
Halos ipagtulakan nya ako dati at gusto nyang ipamukha sa akin na hindi na magiging kami. Kahit na nagmukha akong tanga noon ay hindi ko pinansin bumalik lang sya sa buhay ko. Nagkaroon sya ng girlfriend na si Marian. Sobra akong nasaktan noon. Tapos bigla syang nawala ng walang paalam sa amin na mga kaibigan nya.
Ngayon, heto sya sa harap ko na parang umaastang boyfriend ko. Alam kong nalaman nya na wala na kami ni Franco.
"Pagaling ka ha. Kailangan ko na pa lang umuwe dahil hindi ako nakapagpaalam kay Mama."
Pagkasara nya ng pinto ay agad kong tinikman ang niluto nyang sopas na nasa side table ko.
"Kayo ba uli?" Bungad na tanong ni Mama pagkapasok sa kwarto ko.
"Hindi po." Sagot ko saka ako uminom ng tubig.
"Iyang bata na iyan gaya parin ng dati kung magalala sayo. Pinapauwe ko kagabi pero ang sabi nya gusto ka nyang alagaan."
"Bakit kayo pumayag na nandito sya sa kwarto ko? Mamaya malaman ni Franco...."
Natigilan ako. Wala na nga pala si Franco. Wala na nga pala kami. Bakit ko ba palaging iniisip na magagalit sya kapag may nalaman sya.
Gaya noong isang araw, kakain sana kami nila Mia ng betamax pero lagi akong sinusuway noon ni Franco na huwag kakain dahil masama daw sa katawan iyon.
"Pero nasaan ba yang Franco na yan?"
Hindi ako nagsalita. Umiwas ako ng tingin kay Mama.
"Anak, nagaalala na ako sayo. Kahit hindi ka magsabi nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo. At bilang ina mo ay ayokong makita kang ganito. Ayokong masaktan ka dahil sa lalaki. Una kita nakitang ganyan ay noong nagkahiwalay kayo ni Chase, at ngayon naman ay kay Franco."
"Ma, kaya ko to." Nagsimulang mangilid nag luha sa mga mata ko.
Lumapit si Mama saka nya ako niyakap ng mahigpit. Napapikit na lang ako. Iba talaga ang yakap ng isang ina. Pansamantala natanggal ang bigat na nakadagan sa dibdib ko.
"Dapat lang. Dahil ayokong magkaroon ng isang anak na nabaliw dahil lang iniwan sya ng jowa nya." She joked and we both laughed.
"Salamat, Ma."
She smiled. "Huwag mong sayangin ang ganda mo. Rumampa ka 'day."
"Mama talaga."
"Pinapatawa lang kita. Papaalalahanan kita Lilian, alagaan mo ang puso mo. Ilang beses na bang nasaktan iyan. Sa ngayon mahalin mo muna ang sarili mo ha. Ang pagibig, kusang darating, huwag kang magmadali. Dahil kung minamadali , sa bandang huli ika'y masasawi."
Ito ang namiss ko kay Mama. Ang mga payo nyang mga ganyan. Matagal na rin kaming hindi nakapagbonding ni Mama dahil sa busy sa work.
"Ma, gusto mo bang magmall tayo? Tutal maayos naman na ang pakiramdam ko. Tara bilhan kita ng bagong damit." Pagyaya ko sa kanya.
"Sigurado ka bang wala ka ng lagnat?"
"Oo naman Ma. Strong kaya ako gaya mo." Tumayo ako sa kama ko pinakita ang muscle ko.
Naiwan ako sa Mall dahil may bibilhin pa akong damit para kay Kuya. Matagal na kasi nyang nirerequest. Kahit na palagi nya akong inaasar eh hindi ko sya kayang tanggihan. Kahit pa nakakapikon na sya minsan.
Nakailang lipat na ako ng store pero wala akong mahanap na alam kong magugustuhan ni kuya. Lumingon ako sa kaliwa ko at may nakita akong pamilyar na tao. Likod pa lang alam kong sya na.
"Ui Chase..."
"Lilian." Bati nya sa akin na nakangiti. "Ginagawa mo dito?"
"Siguro namamalengke?" Pabiro kong sagot. "Bibilhan ko ng polo si kuya para naman magmukhang tao sya."
He chuckled. "Gusto mo samahan kita?" Napansin nya sigurong tumingin ako sa likod nya. "Wala akong kasama." He added.
"Ahhh... K-kung ayos lang sayo, why not."
Mas lalong lumapad ang ngiti nya. Mabuti na lang nandito sya para tulungan akong pumili ng damit na babagay sa kapatid ko. Hindi kasi ako masyadong magaling pumili sa mga damit na pang lalaki.
May kinuha si Chase polo iyon na light pink. Natawa ako kasi for sure magagalit si kuya kapag pink ang ipapasuot kong damit sa kanya. Ang arte kaya nya. Pero dahil trip ko syang asarin iyon na ang bibilhin ko.
"Magugustuhan yan ng kuya mo." Parang proud na proud pa si Chase porket sya itong pumili. Hindi nya alam eh aasarin ko lang si kuya kaya binili ko ang pinili nya.
"Oo naman." Pigil akong natatawa. "Nga pala, may naalala ako. Sabi mo noon kapag magkasalubong man tayo eh ililibre mo ako ng siomai. Eh nakasalubong na kita ngayon ibig sabihin ba ililibre mo na ako?"
"Naalala mo pa yon?"
"Akala mo sa akin ulyanin?"
Tumawa sya. "Okay, maghahanap tayo dito ng nagbebenta ng pinakamasarap na siomai."
Sumunod ako sa kanya habang palinga linga sya ay tinitigan ko lang sya. Naalala ko dati, madalas din kaming pumunta ng Mall noon para lang kumain ng siomai. Oo, kami ang magjowang adik sa siomai. Inuulam pa namin ito. Hindi sa nagtitipid kami kundi favorite lang namin itong kainin.
Naalala ko pa dati kapag nagaaway kami siomai ang madalas na peace offering nya. Alam nya kasing di ko kayang tanggihan iyon. Ang korni lang kasi nadadaan ako sa kacheapan na bagay.
"Bat ka natatawa?" Paninita nya habang magharap kaming kumakain.
"May naalala lang ako." I smiled at him. "Si Marian nga pala?" Pagiiba ko ng usapan. Nagiba ang ekspresyon ng mukha ni Chase.
"Wala na kami." Seryoso nyang sagot at agad naman akong napatitig sa kanya.
"Naku, sorry ha."
"Okay lang. Nakakatuwa lang kasi magkasama tayo ngayon at iniwan tayo ng taong mahal natin."
"Ganoon nga yata talaga. May dumadating, may bumabalik at may aalis.
"Lilian.."
"Hmmm.." Tangi kong sambit dahil ngumunguya ako.
"What if bumalik ako?"
I laughed. "Baliw ka. Eh di ba nga bumalik ka nga. Kaharap nga kita ngayon eh."
"What I mean is pwede bang bumalik sa buhay mo?"
At bigla akong nabilaukan.
A/N: Hi guys salamat sa patuloy na nagbabasa ng What If. Isa ito sa pinakapaborito ko. Bakit? Kasi nainlove ako sa mga eksena nila. Hahhaha. Feel na feel ko ung Mama ni Lilian eh.
Godbless po.
Jen