Chapter 18

49 3 0
                                    

"Pare, wala naman akong balak na masama. Tinatanong lang ni Lilian kung ano ang pangalan ko. Bawal ba iyon?" The guy said.

"Oo." Chase replied. Pumagitna ako sa kanila saka nilayo si Chase konti."Pinapaalala ko na sayo, Pare." He added. Tuluyan ko na syang nilayo at sumunod naman ang mga kaibigan namin.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ni Adam na katabi ni Chase.

"Ewan ko dyan kay Chase. Nakikipagkaibigan lang yung tao pinagiisipan pa ng masama." I answered. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya. Ang babaw nya. Sa sobra nyang babaw gusto ko syang ihawin!

"Nakikipagkaibigan ba ang tawag mo dyan?" Pagtatanong na naman ni Chase at mas lalo akong nainis.

"Eh ano pala?" I asked as I arched my brow.

"Nakikipagligawan ka."

"Ano namang masama? Single naman si Lilian." Pagsisingit ni Mia. Halatang inis din sya. "Pwede nyang gawin ang lahat ng gusto nya. Huwag kang umastang boyfriend nya para pagbawalan sya."

"May usapan na kami ni Lilian." Sagot nya at tinignan ko sya ng masama. Iyon ba ang dahilan kaya sya nagkakaganito?

"Ano naman?" Sabay na tanong ni Erin at Leah.

"Naku, Adam. Pagsabihan mo yang kaibigan natin." Pagbabanta ni Mia kay Adam.

"Usapan? Bakit Chase, may sinabi ka bang bawal ako makipagkaibigan at ang mas matindi bawal ba akong ligawan ngayon?" Medyo napataas ang boses ko dahil sa bwisit na bwisit ako. Nausukan nga yata ang utak niya at kung anu ano ang pinagsasabi.

"Wala."

"Iyon naman pala eh. Kaya huwag kang nagagalit dyan. Huwag kang umastang single ka dahil mayroon kang Marian."

"Pero—"

"Hindi ko lubos maisip kung bakit ganyan ka. Ayaw mo ba akong maging masaya? Nakikipagkaibigan lang iyong tao tapos binastos mo pa. Nagiisip ka ba?"

"Sinabi ko sayo kanina na mahal kita. At ayokong makita kang nakikipagkaibigan sa di mo kilala o may lumalapit sayong lalaki." Pagkasabi iyon ni Chase ay nagulat ang mga kasama namin.

"Wow. Ang unfair mo. Ang unfair unfair mo. Dapat na ba akong matuwa sa sinabi mo? Dapat na ba akong magpasalamat kasi mahal mo ako?" I smiled bitterly. "Sayo pa talaga nanggaling yan. Samantalang ikaw itong masaya ang lovelife. Tapos ako pagbabawalan mo? Utang na loob naman! Anong gusto mong gawin ko? Maghintay kung kailan kayo maghihiwalay saka ako papasok uli sa buhay mo? Ganon ba, ha?!"

"Tama na yan."

"Sandali, Adam." Baling ko sa kanya. "Ang gago ng kaibigan mo eh. Ang gusto nya, sya lang ang dapat maging masaya. Bakit wala na ba akong karapatan? Lagi mong sinasabing mahal mo ako. Tingin mo papaniwalaan ko iyon? Sige, ganito na lang. Tutal mahal mo ako lubos lubusin mo na. Hiwalayan mo si Marian. Bibigyan kita hanggang twelve midnight. Seryoso ako sa sinabi ko at sapilitan ito."

"Seryoso ka ba talaga?" Tanong ni Mia.

"Oo." Sagot ko habang nakatingin kay Chase. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat pero hindi ko iyon pinansin. "Yan ang gusto nya eh. Ang sabi nya kung dumating man daw ang panahon na pwede nang maging kami igagrab daw nya. Bakit pa natin papatagalin kung pwede namang ngayon na diba?"

"Mahirap yang pinapagawa mo." He finally said.

"Hindi mo pa nga ginagawa nahihirapan ka na?" I asked but he didn't aswer. "Uuwe na ako. Narealize kong busog pa pala ako."

"Sabay na tayo." Sabi ni Mia.

"Hindi na. Samahan mo na lang si Adam. Bye, guys." Pagpapaalam ko.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon