Chapter 21

57 3 0
                                    

Para syang bata na binilhan ng candy sa kanto sa sobra nyang tuwa. Natuwa talaga sya dahil pumayag akong magpaligaw? Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako ang gusto nyang ligawan, sa dami ba naman magagandng babae sa school. Kung tutuusin ay gwapo naman sya, ay hindi gwapong gwapo pala. Mas gwapo sya kay Chase. Lintek naman! Bakit ko ba pinagcocompare si Chase sa kanya? At bakit naisingit na naman si sya sa usapan?

"Anong ginagawa mo? Same way ba tayo at sumakay ka rin dito?" Pagtataka ko dahil katabi ko sya ngayon sa jeep.

"Ihahatid kita hanggang sainyo, at para na rin makilala ko ang parents mo." Naloka ako bigla sa sinabi nya.

"Teka lang. Seryoso ka ba? Huwag mo na akong ihatid sa amin. Saka wala doon ang Papa ko, si Kuya ang nandoon masungit sya at nakakatakot."

"Okay lang para makilala ko rin sya. Pumayag ka na kasi hindi rin ako bababa dito. Saka ano bang mali sa gagawin ko? Liligawan nga kita at gusto kong pormal na sabihin sa Mama at Kuya mo iyon." He said and I glared at him. Binuksan ko ang bag ko saka kumuha ng pera sa wallet

"Kuya paabot ng bayad, dalawa po." Pasuyo ko sa katabi kong lalaki. "Huwag ka ng magtanong libre ko na sayo." Baling ko sakanya.

"Hindi pa lang tayo ina-under mo na ako ha." He teased and I rolled my eyes. Ewan ko ba bat ako pumayag na magpaligaw dito.

"Nilibre lang kita iniisip mong inaunder na kita? Grabe ka magisip ha." I said and he smiled.

Umandar na rin ang jeep na sinakyan namin. Tahimik lang sya siguro nagiipon sya ng lakas ng loob. Kunwari pa kasi itong matapang kahit ang totoo nyan ay bahag naman ang buntot. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti at nagulat ako ng sikuhin nya ako.

"Masaya ka talaga kasi magkatabi tayo, ano?"

"Asa ka, Franco. Maghanda ka na malapit na tayong bumaba." Pagkababa namin ay napahinto sya habang nauna na akong naglakad. Lumingon ako sa kanya saka sya tinanong. "Ano, dyan ka na lang?"

"Hindi ah." He said and he started to walk. "May iniisip lang ako."

"Ang putla mo ah. Natatakot ka ba? Pwede ka namang dumalaw sa ibang araw. Saka ano yang pasa sa braso mo?" Tanong ko saka hinawakan ang braso nya.

"Wala to. Naitama lang ito sa matigas na bagay. Halika na para mameet ko na rin ang aking future mother in law." He smiled.

"May pagkakupal ka rin ano." I joked and he laughed. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Mama. Hindi dahil bawal akong ligawan, alam ko kasing iniisip nya ang feelings ko. Bilang isang ina ayaw nyang nasasaktang ang mga anak nya. Alam nya kung paano ako nasaktan noon kay Chase.

"Lilian..."

"Ma," bati ko sa kanya nasa garden kasi sya. Lumapit ako saka humalik sa kanyang pisngi. "Ahm, si Franco po pala."

"Hi Ma'am, ako po si Franco ang manliligaw po ng anak niyo." Pagpapakilala nya at gusto ko tuloy lamunin na lang ng lupa. Nagsama ang kilig at hiya kaya uminit ang pisngi ko.

"Hello, Franco. Pumasok ka muna para makapagmeryenda."

"Actually, hinatid ko lang po sya pauwe na rin po ako."

"Pero diba gusto mo makilala si Mama?" I whispered.

"Next time na lang. Naalala ko may gagawin pa pala ako.

"Dito ka muna, Franco. Gumawa kasi ako kanina ng bread roll bakit hindi mo tikman." Sabi ni Mama.

"Sige na. Huwag mo namang ipahiya si Mama." I whispered.

"Okay po, Ma'am."

"Tita na lang, feeling ko tuloy studyante kita. Sumunod na lang kayo sa loob, Anak."

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon