Chapter 12

39 3 0
                                    

Sasabay sana na uuwe sa akin si Mia kaso nagtext ang Kuya nya na nasa grocery store ito at pinapapunta sya kaya magisa ko ngayong naghihintay ng jeep. Ang saklap pa, kasi naman may katabi akong couple na naghaharutan. E di sila nila ang lumalablayp! At ako, pinagkaitan

Lumipat ako ng pwesto nang biglang may lalaking nakabangga sa akin at naisaboy sa akin ang hawak nyang juice.

"Shit!" Inis kong sambit saka ko sya tinitigan ng masama. Bakit ang malas ko ngayon araw? Nasugat na nga ako, nabuhos pa sakin ang juice. Ano kaya ang susunod?

"Sorry, Miss." Sabi nya saka nya pinunasan ang braso ko gamit ang panyong kinuha nya sa kanyang bulsa. "Itong panyo ko gamitin mo." Pagkasabi nya ay kinuha ko agad saka ko sya inirapan.

"Next time kasi tignan mo dinadaanan mo para hindi ka-" He cut me off.

"Yanyan?" Bigla nyang sabi kaya kumunot ang noo ko saka ko sya tinignan. "Ikaw nga!"

"O, tapos?" Pagsusungit ko.

"Hindi mo ba ako kilala? Si Mathew, yung kababata mo!" He smiled. Naningkit ang kanyang mata at saka ko lang sya namukhaan.

"Grabe, ikaw na ba yan? Nagparetoke ka?" I joked and he laughed. Pumogi kasi sya. I mean sobra nyang pogi. Hindi ko nga akalain na sya na iyon.

Paano ko ba naman makakalimutan si Mathew. Bukod kay Kuya, isa rin syang nagpapaiyak sa akin noong bata kami. Lagi nya akong tinutukso na bungi at lampa. At ito namang si Kuya ginagatungan feeling ko noon wala akong kakampi. Dahil lagi nila ako pinagkakaisahan. Gusto kong maging prinsesa noon at sila ang mga kawal ko. Kaso tinawanan nila ako dahil ang mga prinsesa daw magaganda, hindi uhugin at hindi bungi. Kaya lagi akong umiiyak nun.

Pinipilit ko pa sila Mama at Papa na gumawa ng kapatid ko para may kalaro. Pero wala talaga eh. Malabo dahil nasa abroad na si Papa grade 1 pa lang akom Bata pa lang ako iyakin na, hanggang ba naman sa paglaki ko?

Kaya simula noon hindi na ako kumain ng candy o mga matatamis, nagbabrush ako lagi hindi lang three times a day at pinahaba ko ang buhok ko.

"Patingin nga yang mga ipin mo, baka mamaya pustiso pala yan." He teased and I frowned.

"Si Mathew ka nga, alaskador ka parin hanggang ngayon. Huwag kang matulala sa ganda ko." Sabi ko dahil napahinto sya habang tinitignan ako. "Oh ayan, labhan mo ang panyo mo!" Saka ko binato ang panyo at nasalo naman nya ito. "Catcher ha."

"Napano yang kamay mo bakit may bandage?"

"Kinagat ko. Malamang nasugat." I replied and he laughed again. "Tuwang tuwa ka talaga e noh. O, sige na nandyan na yung jeep na sasakyan ko."

"Sandali, kunin ko number mo." Binigay ko naman saka ako nagpaalam sa kanya dahil baka mapuno na ng jeep. Pero bago pa naman ako umakyat may humila sa akin. "Huwag ka munang umuwe magchill chill muna tayo. Sige na."

Ako naman pumayag dahil kailangan ko rin magchill chill, tutal maaga pa naman. At para makalimutan ko rin pansamantala ang mga nangyari ngayong araw.

"San mo ba ako ililibre, ha, Mathew? Siguraduhin mong mabubusog ako kundi hindi ka na sisikatan ng araw." Sumunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami.

"Napakasiga mo parin hanggang ngayon, ano?"

"At napakaalaskador mo parin naman. Saka di kaya ako siga, demure ako. Asal dalagang pilipina." Paingos kong sagot. Napatigil ako nang pumasok kami sa Jollibee. Akala ko pa naman kung saan na nya ako ililibre. Baka coke float lang oorderin nya. Sya na ang nagpresintang magorder habang ako ay naghanap ng bakanteng table.

Nagulat ako sa inorder nya pagkadating nya. Tig isa kaming Chicken joy, spaghetti, burger, fried at nestea.

"Ang dami naman nyan."

"Iuwe mo na lang yung spaghetti at burger. Para sa Mama at Kuya Ian mo yan. Sabihin mong galing sa akin ha."

"Sure." Sabi ko saka ako uminom sa nestea. Halos maubos ko na ito buti na lang sinita nya ako.

"Hindi ka rin uhaw ano? Gusto mo pa?" Pagaalok nya sa nestea nya.

"Kailangan kong liquid sa katawan kasi nagsayang ako ng luha kanina." I whispered.

"Ano? Ang weird mo talaga kahit kailan. Kumain na muna tayo." Sabi nya. Hirap akong sumubo dahil right hand ko ang may sugat. "Napano yan? Dahil ba sa pagibig?" He smirked.

"Baliw. Pagibig ka dyan. Dahil ito sa katangahan." I said and he laughed hard.

"Teka, may lovelife ka ba? Kasi ang awkward naman kung sasabihin kong dahil sa pagibig yan tapos wala ka naman pa lang lovelife. Sor- Aray!"

"Alam mo nagsisisi na ako na sumama pa sayo!"

"Sorry, sorry na kaya umupo ka na uli. Iba na lang tatanungin ko. May boyfriend ka na ba? Baka kasi makita nya tayo dito at pag-"

"Wala." Agad kong sagot saka ako umupo. Gutom kasi ako kaya sayang din ang inorder nya. "Don't worry safe ka." I added saka ako sumubo. "Ikaw, baka may girlfriend ka at baka bigla na lang may sumabunot sa akin dito."

"Wala na." Sagot nya at biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Mukhang sineryoso mo sya ano?" I asked and he nodded. "Naks naman! Pustahan tayo di ka pa totally nakamove on?"

"Oo eh. Alam mo yun, nong nalaman ko na may boyfriend na sya, ang sakit."

"I know the feeling. Been there done that. Kaya gayahin mo na ako, magmove on ka na rin." Lakas talaga ng loob kong magpayo sa kanya, samantalang sarili ko nga nahihirapang magmove on.

"Kumain ka na lang dyan." Sabi nya kaya tumahimik na rin ako. Hindi na rin sya nangulit at mukhang nalungkot sya. Kaya nagisip ako ng mga nakakatuwang nangyari sa kanya noon.

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi mong sekreto sa akin noon? Sabi mo nakatae ka sa shorts mo noong grade 4 tayo kaya maaga kang pinauwe. Yucky! Ang tanda mo na noon ah, di mo pa alam sabihin?" Tumawa ako pero sya ngumiti lang. "Uy, huwag naman ganyan. Ang awkward lang, baka isipin nilang baliw ako." Baliw kay Chase pwede pa. Opsss erase! Erase! Erase!

"Lilian, kung hihingi ba ako ng favor papayag ka?" Nabigla ako sa tanong nya pero agad naman akong nakarecover.

"Depende."

"Magkaibigan naman tayo diba? Naglalaro tayo nun ng bahay bahayan tapos tayo lagi ang mag-asawa, sabay din tayong maligo noon. Sanggang dikit tayo non diba? Tapos hindi na tayo nagkita simula nung grade 6 tayo kasi lumipat kami ng bahay. Hindi na rin tayo nagkita non."

"Mathew! Ano ba yan, parang ang laswa!" I said and he laughed. "Saka ikaw kaya ang nakalimot. Uso ang social networking sites, Mathew. May account naman ako sa friendster non pero ngayon Twitter, Instagram, Tumblr, Wattpad at Facebook na lang ang mayroon ako. Add kita o di kaya i-follow kita." I suggested pero binalewala lang nya ito.

"Bata pa tayo noon kaya walang malisya. Ito talaga, unless may malisya sayo?"

"Suntok gusto mo?" I asked and he laughed again. "Ano ba kasi yang favor favor na yan at kailangan mo pang banggitin ang nakaraan? Pwede mo namang sabihin na lang-."

"Magpanggap kang maging girlfriend ko."

"WHAT?!" Sa gulat ko ay napatayo pa ako sa aking kinauupuan.


Hi, salamat sa patuloy na nagbabasa ha. Kindly vote or comment kung anong saloobin nyo? Thanks in advance!!

Msjee

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon