Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang cellphone ko. Pinulot ko rin agad saka ko nilapag sa center table namin. Hindi kaya nagkamali lang ako ng dinig? Ilang sandali lang ang nakakalipas ay tumunog uli ang cellphone ko. Text iyon galing kay Marian.
Galit ka ba?
Pagkabasa ko ay agad ko syang tinawagan. Baka kasi ma-misinterpret nya at akala nya ay binagsakan ko sya.
"Hello...." Sabi ko pagkasagot nya.
"Lilian, I don't know what to do. Si Chase kasi nakipagbreak sa akin. Paano na? Anong dapat kong gawin to make him stay? Wala naman akong alam na mali kong nagawa para humantong kami sa ganito. Hindi ko maintindihan..."
"Sandali. May sinabi ba sya kung bakit ayaw na nya?" Pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot nya.
"Hindi na daw nya ako mahal." Sagot nya habang humihikbi. "Isang buwan pa lang kami pero alam kong sya na ang gusto ko hanggang sa huli, Lilian. Alam kong alam mo ang nararamdaman ko. Ayoko syang mawala. Ayoko."
Naawa ako kay Marian. Kung hindi sakin, kung hindi ko sinabi iyon sana sila parin. Hindi sana iiyak si Marian at hindi sana ako nakokonsensya ngayon. Nakakakonsensya, dahil ako ang dahilan ng lahat ng ito at walang kaalam alam si Marian. Siguro kung malaman nya, baka isusumpa nya ako hanggang sa huling angkan ko.
"Marian.." Sambit ko. Rinig kong iyak sya ng iyak kaya hindi ko rin mapigilang hindi mapaluha.
"Hindi ko kasi kayang mawa—"
"Hello! Hello Marian?!" Sabi ko sa kabilang linya dahil may narinig akong kalabog. "Marian!" Kasabay ng pagtawag ko ay naputol ang linya namin. Sinubukan ko uli syang tawagan pero wala sumasagot sa cellphone nya. Dinayal ko ulit ng paulit ulit at nabunutan ako ng tinik ng may sumagot. "Mar—"
"Kaibigan ka ba ng anak ko? Papunta kami ngayon sa hospital dahil naglaslas sya."
"Po?" Ang tanga ko lang sumagot. "I mean, saan pong hospital?" I asked. Ang lakas ng kabog ng puso ko at ito lang ang naririnig ko. Tinandaan ko ang sinabi ng Mama ni Marian kung saang hospital sila patungo.
"Anak..." Napaigtad ako pagkarinig ko sa boses ni Mama.
"Ma, bakit gising kayo?"
"Paanong hindi sya magigising? Kanina pa ako katok ng katok pero hindi mo binubuksan." Sagot ni Kuya na nasa kusina na pala.
"Anong nangyari sayo, Anak? Bakit parang wala ka sa sarili mo?"
"Ma, pwede ba akong lumabas ngayon? Sinugod kasi sa hospital si Marian."
"Marian? Nobya ni Chase?"
"Opo. Mahaba pong kwento, Ma ikwekwento ko na lang po bukas."
"Pero gabi na—"
"Magpapasama na lang ako kay Kuya. Please, Ma kailangan ko po kasing pumunta doon."
"Kung pupunta ka ba doon ay gagaling si Marian?"
"Kuya naman! Hindi mo kasi naiintindihan eh! Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit naglaslas si Marian dahil nakipaghiwalay na si Chase sa kanya. At dahil ako mismo nagsabi sa kanya na hiwalayan nya si Marian!" Naiiyak kong tugon. Napatayo ako sa kinauupuan ko habang nanginginig. Dahil sa kagagawan ko may napahamak na isang taong wala namang kasalanan. Kahitkailanangtangamo! I said to myself.
"Ian, samahan mo na ang kapatid." Sabi ni Mama. Seryoso sya at alam kong nadisappoint sya sa sinabi ko. Kahit ako ay di ko alam na magagawa ko ang bagay na ito. Dahil lang sa isang lalaki nagkaganito ako. Tsk! Gaya ng napagkasunduan ay sinamahan ako ni Kuya. Ginamit namin ang motor nya.