Chase's POV
Kanina pa akong nakahiga at hindi parin ako dinadalaw ng antok. Alas dos na ng madaling araw pero heto ako dilat na dilat Kung ano ano na ang ginagawa ko para dalawin lang ng antok.
Pwede bang bumalik sa buhay mo?
Ilang beses nagpa-play sa utak ko ang tanong ko kanina kay Lilian. Kung bakit naman kasi nagtanong ako agad ng ganoon sa kanya. Baka kung anong isipin nya at biglang maging awkward na naman kami sa isat isa. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil natatangahan ako sa ginawa ko kanina.
Ang mas malala, walang sagot si Lilian.
Ano bang dapat kong iexpect na isasagot nya? E ako tong halos pagtabuyan sya noon, pinaiyak, at sinaktan. Halos pagtulakan ko nga sya noon sa buhay ko.
Ang tanga mo Chase! Napapikit ako ng maalala ko lahat ng iyon. Ang mga kagagohan kong ginawa sa kanya.
Alam kong nasaktan ko sya lalo ng malaman nyang kami ni Marian. Mismong birthday ko pa pinaalam sa buong barkada na may girlfriend na ako. Alam kong pinipigilan nya lang noon ang hindi umiyak, na kahit nasasaktan sya ay nagagawa parin nyan ngumiti at magpatawa. Nasaktan ko sya, pero mas masakit para sa akin makita syang nasasaktan.
Gusto kong iparamdam sa kanya na kaya kong maging masaya kahit wala na kami. Pero noong araw na iyon, hindi ko inaasahan na makita syang ganoon.
Nagkamali ba ako ng desisyon? Nagkamali ba ako sa pagpili? Nagkamali ba ako sa pagiwan sa kanya? Nagkamali ba ako?
Minahal ko si Marian, aminado ako doon, pero hindi ko maibigay ang buong pagmamahal na dapat ay ilalaan ko para sa kanya. Kahit oras ko ay hirap akong ibigay sa kanya samantalang kaya ko namang gawin iyon.
Bumangon ako saka ako umupo sa kama. Kinuha ko ang dating wallet ko sa drawer ng side table ko. Pagkabuklat ko dito ay bumungad sa akin ang picture namin ni Lilian. Kuha iyon noong sinagot nya ako.
Nakaakbay ako sa kanya habang ang isa nyang kamay ay nakapulupot sa baywang ko at ang isa naman ay may hawak syang isang tangkay ng rose. Masayang masaya kami noon at punong puno ng pagmamahal.
I smilled bitterly. Sa picture na lang talaga maiiwan ang mga ala-ala.
Ang old school ng dating, dahil naglalagay ako ng picture sa wallet ko noon at hanggang ngayon. Madalas naming pagawayan ni Marian dati ang picture ni Lilian na nakatago sa wallet ko. Ilang beses ko na itong tinanggal pero lagi ko itong binabalik tuwing uuwe ako dito sa bahay. Lagi ko itong nilalagay sa likod ng picture ni Marian.
Walang araw na hindi ko ito tinitignan. Ang unfair ko diba? May girlfriend ako that time pero nagagawa ko pa ring tumingin sa picture niya.
"Chase, mas mabuti siguro para sa atin na maging friends na lang? I know, kahit hindi mo sabihin nararamdaman ko. You love me, but you love her more so I'll set you free."
Naalala kong sinabi sa akin yan ni Marian noon pagkatapos ng graduation. Oo matagal na kaming wala at nilihim ko iyon sa kanila. Nagpakalayo layo ako noon. Gusto kong lumayo para hanapin ang sarili ko. Para makapagisip isip kung ano bang dapat. Kung anong mas makakabuti. Gusto kong balikan noon si Lilian. Kaso, nalaman ko na masaya siya kay Franco.
Nasaktan ako.
Ano bang dapat kong asahan doon? Siguro kasi mas understanding itong si Franco kaya hanggang ngayon sila parin ni Lilian. At napatunayan ko ito ng minsang makita sila habang nasa restaurant. Ang saya saya nila noon habang nagdadate.
Ang mga ngiti nya na sobrang miss na miss ko.
Huli na ba ang dating ko?
Sinubukan kong kalimutan sya. Pero alam mo yung pilit syang pumapasok sa isip ko at lagi ko syang napapanginipan.
Kahit papaano na makita ko syang masaya ay masaya na rin ako para sa kanila.
Kahit masakit.
Alam kong mapupunan nya ang mga pagkukulang ko noon na akala ko ay sapat na para sa aming dalawa.
Until nakausap ko si Franco. Ayokong pumayag sa gusto nya. Sa totoo lang nagalit ako dahil ang alam ko mamahalin nya si Lilian pero sasaktan din pala nya ito sa huli gaya ng ginawa ko.
Oo, Mahal ko si Lilian pero hindi naman ako mang-aagaw ng girlfriend. But a greater part of me is that, I want to love her again.
Lalo na nung nalaman ko kay Franco na mahal pa ako ni Lilian.
Ganoon nga ba kadali ibalik ang dati? Matatanggap nya ba uli ako?
"Bunso gising ka pa?"
Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Cassy, ang bunso kong kapatid. Kailangan ko ng makakausap. Binuksan nya ang pinto saka sya naghihikab.
"Pasensya na bunso. Sige matulog ka na uli." Akmang tatalikod na sana ako ng magsalita sya.
"Tungkol ba yan kay Ate Lilian?" She asked. "Pasok ka." Pagaalok nya.
Pagkapasok namin ay umupo kami sa kama nya. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam paano sisimulan.
"Ahhh...."
"Mahal mo pa?" Hindi ako nakasagot agad ay bigla syang nagsalita uli. "Ahhh. Mahal mo pa nga." Patango tango pa sya na para bang sigurado sya sa sinabi nya.
"Wala pa nga akong sinasabi."
"Kilaa kita Kuya at alam kong mahal mo pa sya. Nandyan pa sya sa puso mo." Sabay turo sa tapat ng puso ko. "At kahit kailan, kahit nagkaroon ka ng Marian sa buhay mo ay hindi sya nawala dyan."
Napakamot na lang ako ng ulo dahil para bang mas may alam pa sya sa nararamdaman ko. Ganoon ba ako ka-transparent para malaman ng iba ang nararamdaman ko? Si Lilian kaya nahahalata rin nya?
"Matulog ka na nga lang." Sabi ko sa kanya ng hawakan nya ang braso ko.
"Kuya, pursue her. Nagkamali ka na noon, itama mo na ngayon. Sige na inaantok na ako. Istorbo ka eh."
Hindi na ako nakapagreact dahil tinulak tulak pa nya ako palabas sa kwarto nya.
Pagkabalik ko sa kwarto ko agad akong humiga. Siguro nga tama si Cassy, dapat kong ipursue si Lilian. Kailangan kong gumawa ng paraan para mahalin nya uli ako.
Kailangan kong planuhin ang lahat. Ayoko ng magkamali pa, ayoko ng maulit ang nangyari noon. Gagawin ko ang lahat bumalik lang sya.