Chapter 22

27 2 0
                                    

"Lilian, gumising ka na." Sabay yugyog sa balikat ko.

"Ma, ang aga pa lang."

"Anong maaga? Unang araw mo ngayon sa trabaho. Gusto mo bang malate ka at pagalitan ng boss mo?"

Pagkasabi iyon ni Mama ay agad akong bumangon. Kinuha ko ang tuwalya ko saka ako mabilis na pumasok sa banyo para makaligo

"Ano ba yan. Bilisan mo Lilian kung ayaw mong malate. Kung bakit naman kasi nanuod pa ako ng Thai movie kagabi, e di sana di ako napuyat at maaga akong nagising." Pagpapagalit ko saking sarili habang nagsasabon ng aking katawan.

Isang taon na ang nakalipas mula ng makapagtapos ako ng kolehiyo.

Si Mia at Adam, ayun happy couple at ikakasal na next month. Si Erin at Leah nasa Singapore, doon sila nagtrabaho. Kung di nga lang kj si Mama kasama sana ako sakanila. Unang una, ayaw daw nya akong mapalayo sa kanila. Pwede naman daw akong dito na lang sa Pinas maghanap ng trabaho kaysa sa ibang bansa kahit mas malaki ang sahod doon. Mas importante daw na nakakasama nila ako. Si Ryan, may stable work na rin sya. Akalain mong manager na pala sya! Si Chase? Wala akong balita simula noong araw na pinutol na nya ang ugnayan namin.

At ako? Bukod sa may work ako, lumalovelife din ang lola nyo! Isang taon na rin kami ni Franco. Wala akong masabi sa kanya kundi ang swerte ko lang. Ewan ko nga kung healthy pa ba ang relasyon namin dahil wala pa kaming masasabi na matagal na away. Pero di ko naman sinasabi na gusto kong bangayan kami ng bayangan. Pero choosy pa ba ako? Ganon lang talaga siguro. Kaya naman sobrang thank you Lord kasi binigay nya ang kailangan ko kaysa sa gusto ko.

"Anak, ito ang baon mo. Kumain ka sa tamang oras ha. Huwag kang magpapagutom." Sabay abot sa akin ng bag.

"Mama talaga." I replied. "Sige na po at papasok na ako Ma. Bye." I added as I kissed her cheeks.

Usapan namin ni Kuya na sasabay ako sa kanya. Kaso iniwan na nya ako, no choice magcocomute ako. Tiis ganda ang peg.

Palabas na ako ng gate namin ng may humintong sasakyan sa tapat ko. As usual, si Franco. Lahat yata ng masasayang pangyayari sa buhay ko mula noong naging kami ay nandoon sya palagi.

"Hi Mahal..." Bungad nyang bati saka nya ako hinalikan sa pisngi. Ewan ko ba kung anung meron sa tawagan naming mahal at kulang na lang ay maihi ako sa kilig. "Ready for work?"

"Oo naman." I smiled at him. Pinagbuksan nya ako ng pinto saka ako pumasok. "Susuduin mo ba ako mamaya?" I asked.

"Hindi eh."

"Ganon?"

"Tampo ka na nyan?" Nakangisi nyang tanong habang nasa byahe kami. Nakakairita ha! "Mahal...."

"Ano?" Tanong ko pero di ko sya tinignan.

Paano ba naman kasi yung excitement ko ang taas, tapos biglang bumaba nang sumagot sya ng hindi. Kabadtrip!

"Di ka mabiro. Ito naman. Syempre susunduin kita, mahal. Ngingiti na yan, ngingiti na sya."

"Heh! Tumigil ka nga para kang ewan dyan."

"Mahal naman. Sige ka hahalikan kita. Isa....dala—"

"Oo na. Nakakainis ka naman kasi eh."

"Mahal na mahal mo talaga ako noh." He smirked again. Di naman talaga ako naiinis kapag ngumingisi sya e. Mas nagwagwapuha  pa ako lalo sa kanya. Matindi na to.

"Di kaya ginayuma mo ako?"

"Ako pa talaga? Baka ikaw. Tignan mo ang tindi ng tama ko sayo. Kung bakit ba kasi ang ganda ganda mo, at sobra kitang mahal? Tinamaan ako ni kupido, sagad hanggang buto."

"Sige pa. Mambola ka pa."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Mahal, sana huwag mo akong ipalit ha sa mga officemates mo. Itong panyo, magblind fold ka na lang para wala kang makita na mas makakahigit sa akin at baka iwanan mo ako. Naiisip ko pa lang ang sakit sakit na."

"Alam mo ang korni mo." Sabay tapik sa balikat nya. "Pero seryoso na, hindi kita ipagpapalit. Saka mayroon pa bang makakahigit sayo? Kung mayroon man paki ko. Para sa akin kasi sapat ka na sa akin."

Totoo ako sa kanya, lalo na sa nararamdaman ko. Feeling ko nga sya na ang lalaking huli kong mamahalin. Ang korni mang pakinggan pero ano magagawa ko nagmamahal ako eh.

"Alam ko naman iyon. Pinapaalala ko lang sayo. I love you."

"I love you more." I replied. And landi lang naming dalawa. "Nga pala mahal, samahan mo ako mamaya sa restau nila Adam at Mia. Reunion daw kasi eh."

"Ayos lang ba na sumama ako sainyo?"

"Oo naman. Ano ka ba parang hindi mo naman sila kaibigan."

"Okay sige. Paano  nandito na tayo." Sabi nya saka nya hininto ang sasakyan. "Be at your best, mahal." He added before he kissed me. Lumabas na ako saka ako dumungaw sa bintana ng kotse nya.

"Thanks, mahal. Paano, ingat din sa pagdadrive. Text mo ako kapag nasa hospital ka na ha. Bawal din tumingin sa kasamaha mong nurse dun."

"Yess boss." He said before he leave.

Pagkapasok ko sa work ay agad akong pinakilala sa mga new officemates ko. Mababait silang lahat except sa isang tao na iba yata ang nilalanghap na hangin. Ang yabang kasi. Nakakainis lang. Paano ba naman tinanong ako kung anu ang concern ko sa kanila. Tinawanan ba naman ang sinabi kong cooperation? Di ko tuloy mapigilang di itaas ang kilay ko. 

Gusto ko tuloy itanong kong anong nakakatawa sa sinabi ko at sya lang talaga ang tumawa ng bongga. Buti na lang at gets ako ng manager namin at inexpain ang gusto kong mangyari. Buong araw tuloy akong badtrip. Buti na lang magkikita kami nila Mia mamaya. Kaya for sure matatanggal ang kabadtripan ko.

Pagkalabas ko ng office nadismaya ako ng hindi ko makita ang kotse ni Franco. Tatawagan ko sana ako ng una syang tumawag.

"Sorry, mahal." Sabi na eh. "Hindi kasi makakapasok si Ate Elaine may sakit daw ang anak nya kaya walan papalit sa akin. Sorry talaga."

"Ano ka ba. Okay lang saka kaya ko naman umuwe magisa. Okay lan talaga. Saka huwag ka ngang sorry ng sorry parang ang dating kasi sakin e inaapi kita."

"Pero promise babawe ako sayo bukas."

"Ano ka ba, wag mo ako masyadong iniispoil mamaya hahanap hanapin ko yan. Sige na, baka kailangan ka na nila dyan. Itetext kita kapag nasa amigo restau na ako ha. I love you."

"Mas mahal kita." He said before I ended the call. Nagtaxi na ako papunta kina Mia. Malapit lang sa office ang restau nila kaya wala pang 15 mins ay nakarating na ako.

Sinalubong nila ako pareho. Halatang inlovena inlove sila sa isa't isa. At masaya ko para sa kanila.

"Grabe, parang ang tagal nating di nagkita sa higpit ng yakap mo ha. Miss din kita." Pambibiro ko sa kanya.

"Ikaw kasi, porket lumalovelife ka na wala ka ng time para sa amin ng mga kaibigan mo."

"Ako lang ba? Bakit sila Erin at Leah?"

"Ibang usapan iyon kasi nasa abroad sila. Tara na pasok na tayo." Adam said.

"Nasaan pala si Franco?" Mia asked.

"May duty daw kaya hindi makakapunta."

"Kaya pala nalungkot ka bigla." She teased as I rolled my eyes. "Natamaan ka talaga doon ano?"

"Oo. Grabe. Totoo pala na kapag may umalis may bagong dadating." I repied as we sat down. Wala pa kasi si Ryan kaya kwentuhan muna kaming tatlo.

"True."

"Hey guys. Kumusta?" Napalingon si Adam at Mia. Pero ako para akong nagkastiff neck bigla. Boses pa lang alam kong sya yun.

Chase....

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon