Chapter 30

13 1 0
                                    

Nakakagago lang si Chase. After lahat ng nangyari may gana pa talaga syang bumalik? Ano akala nya sa akin isang bagay lang na pwedeng iwan sa bagage counter at babalikan kapag gusto na nya?

Kung tingin nya ay ako parin ang dating Lilian na naghahabol sa kanya at mahal na mahal sya, ay nagkakamali sya!

Hinubog na ako ng panahon. Natuto na ako sa lahat ng napagdaanan ko sa buhay. Sa tindi ba naman ng pinaranas nya sa akin noon na halos ipagtabuyan nya ako. Ang sakit na pinaramdam nya.

Tingin nya ganun lang kadali ang lahat?

Shit!

Ang hindi lang yata nagbago sa akin ay iyong pagiging iyakin ko. Kanina pa tulo ng tulo ang mga luha ko. Lecheng Chase kasi yan!

"Anak, okay ka lang ba?"

Rinig kong sabi ni Mama na nasa labas ng pinto. Halata ko sa boses nya ang pagaalala.

"Ayos lang Ma." I lied.

Pilit kong pinasaya ang boses ko kahit na pinipigilan ko ang sarili kong maglikha ng ingay dahil sa pagiyak ko.

Ayokong magisip si Mama dahil na naman sa akin. Okay na muna ako sa ganito kahit na ba mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakausap ko si Mama.

Pero sa ngayon, hindi na muna hahayaan ko munang mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nabaling ang tingin ko sa cellphone na nasa tabi ko lang. Si Mia, tumatawag.

"Mia, huwag muna ngayon." Bungad kong sabi pagkasagot ko.

"Lilian, sorry pero gusto ko lang malaman kong anong nangyari? Nandito si Chase sa bahay at lasing na lasing."

"Hayaan mo sya. Please, Mia huwag muna ngayon. I want to be alone, please."

"Naintindihan ko."

"Salamat."

"Ahhh..Lilian, kung ano man ang naging problema nyo asahan mong nandito kami ni Adam para sayo. You can always count on me." She said as I ended the call.

Siguro ganito na ang kapalaran ko. Ang laging mapagiiwanan. Mamahalin, iiyak at iiwanan.

Ang saklap no?

Pero may mga bagay din akong pinagpapasalamat. Kahit na laging ganito ang sitwasyon ko lagi ko na lang iniisip na may mangyayari maganda. Looking at the bright side. Alam ko may magandang darating para sa akin.

Sa ngayon, gusto kong ilabas ang sakit ng nararamdaman ko.



                                ~*~
"Chase is a great guy. Hindi natin maikakaila iyon. Pero itong nangyari kahit kaibigan pa natin sya ay gusto ko syang sakalin." Mia said. "Nakakairita ha."

Nandito kami sa restau nila ni Adam. Nagdecide akong makipagkita sa kanya. Baka kasi nagopen up si Chase sa kanya. Gusto ko rin magopen up kay Mia para malaman nya ang side ko.

"Pe—"

"Wait!" Pagpuputol ni Mia sa sasabihin sana ni Adam. She raised her hand and rolled her eyes at him. "Ipagtatanggol mo ba itong si Chase?"

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon