"Chase!" Sigaw ko sabay habol sa kanya palabas ng storage room. Mali ang ginawa ko. Maling mali. "Sandali.." Hinawakan ko ang kamay nya kaya napahinto sya sa paglakad. Galit ang mukha nya kaya natakot ako pero kailangan kong humingi ng pasensya.
"Ano?!" Nasindak ako sa boses nya kaya nabitawan ko ang kamay nya.
"Hindi ko sinasadya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. Kaya please...." I lied. Plinano ko ang lahat ng ito. Wala talagang text si Sir Eric at wala talagang practice. Gusto ko lang sya masolo at ilayo kay Marian kahit ilang oras lang.
"Lilian, ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Ayokong masira ang pinagsamahan natin. Alam kong hindi ka ganyang babae. Bakit mo ginawa yun? Alam kong may dahilan ka. May problema ba?" He asked at parang gusto kong umiyak sa una nyang sinabi.
"Wala. Naalala ko lang nung tayo."
"Sigurado ka? Sigurado kang okay ka lang? Napansin kong may kakaiba sayo noong birthday ko. Pwede mo namang sabihin sa akin gaya ng dati." Pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko. "May nanakit ba sayo? O may ginawa bang hindi maganda sayo? Sino?" Sunod sunod nyang tanong.
"I-ikaw." Tugon ko at nangilid ang luha sa mata ko. "Ang sakit kasi Chase...." Halos pabulong kong sabi saka ako humawak sa kamay nya. Feeling ko kasi mawawalan ako ng lakas sa sasabihin ko. "Ang sakit makitang may mahal ka ng iba. Ang sakit makitang masaya ka. Ang sakit, sakit!"
"Lilian, hi—"
"Wala kang kasalanan. Dahil ako ang nangiwan, ako ang may gusto na makipagbreak sayo. Pero hindi ko akalain na ganito kasakit." Isa isang tumulo ang luha ko. "Akala ko ba mahal mo pa rin ako? Naalala mo yung sinabi mo noon? Pinanghawakan ko iyon, Chase. Kaya tinimbang ko ang sarili ko kung mahal pa kita. At mahal parin kita."
"Sinabi kong mahal kita dahil mahal talaga kita. Totoo ang sinabi ko. Nandito ka parin sa puso ko, Lilian. Pero ayaw mo na sa akin. Hiniwalayan mo nga ako hindi ba? Dahil ano? Wala. Wala kang sinabi kung anung rason kung bakit ayaw mo na. Iniwan ko na lang ako ng ganon ganon lang. Tingin mo ganon kadali makalimot lalo pa't minahal kita ng sobra?" He replied and I frozed. Ngayon ko lang nalaman ang totoo nyang saloobin. Ang akala ko kasi dati ayos lang sa kanya ang paghihiwalay namin. Madalas pa nga syang makipagbiruan kina Ryan nun at puro sila kalokohan. Pero gaano ko ba talaga sya kilala?
"S-Sorry."
"Kung nasaktan ka dahil nalaman mong may girlfriend na ako, dobleng sakit naman ang naramdaman ko noong iniwan mo ako. Nasaktan ako at parang gusto ko ng magpakamatay noon. Nawala kasi ang taong akala ko makakaintindi, magmamahal, at tatanggap sa akin. Wala naman akong ginawang mali. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay lalo ko syang minamahal. Lagi kitang pinapasaya dahil makita lang kitang masaya ay masaya na rin ako. Pinagdudahan mo nga ako noon na mayroon akong iba. Hindi ko lubos maisip na nagiisip ka ng ganon." I heard him sighed. "Samantalang buong araw na tayong magkasama. Pero lahat pala ng effort ko parang wala lang sayo." Ngayon ko lang nakita si Chase na umiyak at hindi ko sya kayang makitang ganito.
"Hindi ko sinasadya, Chase. Hindi ko naman alam na ganon ang nangyari sayo noon. Kung alam ko lang—" He cut me off.
"Kung alam mo lang ano? Lilian, ayokong mahalin mo uli ako dahil sa naaawa ka sa akin. Mas mabuti ng nangyari ang lahat ng ito. Kasi kung hindi, hindi ko rin makikilala si Marian."
"May nabasa si Erin sa chatbox mo noon. Ang sabi mo daw i love you Yanyan. Hindi ba ako yun? Ako yun!" Sana tama ang hinala ko, sana tama.
"Si Marian yun. Nakalimutan mo na bang Yanyan din ang palayaw din nya?" Sagot nya pero hindi parin ako nawalan ng pagasa.
"Pero Chase, kaya naman kita ulit mahalin ngayon. Kaya kong higitan ang pagmamahal na pinaparamdam sayo ni Marian. Kaya ko, bigyan mo lang ako ng pagkakataon."
"Kung nagawa mo akong iwan noon magagawa mo parin akong iwanan ngayon."
"Chase, subukan mo ulit akong mahalin. Subukan mo lang. Kaya kong maging si Marian. Kaya kong maging mabait kagaya sa kanya. Kaya kong ngumiti, magpapa-brace ako ng kulay pink kung gusto mo. Kaya kong ipagupit ang buhok ko ng ganon kaikli. Kaya ko lahat gawin iyon, bumalik ka lang." Pagmamakaawa ko. Lumuhod ako sa harap nya pero inalalayan nya akong tumayo.
"Makinig ka, Lilian." He said. "Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para magustuhan ka. Hindi mo kailangang gayahin si Marian para lang magustuhan ko. At kahit gawi mo ang lahat ng iyon hindi pa rin mababago ang katotohanang may girlfriend na ako at mahal ko sya." He added and he turned to leave.
"Chase!" I shouted but he ignored me. Napaupo ako sa sahig saka ko pinulot ang bote ng mineral saka ko binato. Maya maya pa ay pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
Tumayo ako saka pumasok sa storage room. Pinulot ko ang mga ilang nagkalat dahil sa pagkakalkal naman ng lintek na microphone na yan. Naramdaman kong may dumaloy na dugo sa palad ko.
"Shit!" Hindi ko napansin na may matalas pa lang nakasali sa napulot ko. Nagpanic ako dahil medyo malalim ang sugat. Tinawagan ko si Chase dahil alam kong hindi nya ako matitiis. Alam kong pupuntahan nya ako. "Please, answer the phone!" I said while waiting him to answer my call.
"Hello." Rinig kong sagot nya sa kabilang linya at napangiti ko. Sabi ko na eh.
"Chase, pwede bang bumalik ka? Nasugat kasi ang kamay ko at—."
"Sorry, pero nakalabas na ako ng school at susunduin ko pa si Marian. Tawagan mo na lang si Mia."
"Pero ikaw ng kailangan ko."
"Sorry, pero kailangan din ako ni Marian."