Kung may tao man na tumutupad sa sinabi o pangako nila, iilan lang ang mga yun. At kasama si Chase doon. Madalas syang mangako, at palagi naman nya itong tinutupad. May isa syang salita. Pero ngayon, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya, sa sinabi nya. Para saan? Para paasahin uli ang sarili kong possible kaming magkabalikan?
Naman! Paikot ikot na lang kami. Nung umamin ako na mahal ko sya ayaw nya, tapos ngayon aamin syang mahal nya ako. Ano ba talaga? Nakakaloka!
Iniwan ko na sya para makapagpractice na sya. Hindi na ako uli nagtanong sa sinabi nya. Baka kasi isipin nya na gustong gusto ko ang ideya nya. Well, may parte sa puso ko na natuwa dahil mahal parin nya ako, but a greater part of me ay iniisip ang pansarili kong kapakanan.
"Hoy, girl. Anyare bakit tulaley ka dyan?" Tanong ni Erin sabay tapik sa balikat ko. Nasa harap kami ng grandstand habang nakaupo sa damuhan. Wala na kasi kaming pwesto sa taas. Ang dami kasing drama ni Chase, nawalan tuloy kami ng pwesto.
"May iniisip lang ako. Saka saan nyo ba nabili itong butong pakwan, beans, at dilis na ito? Feeling niyo talaga mabubusog tayo nito?"
"Huwag tayong magpakabusog baka mamaya magyaya si Chase. Sayang din iyon."
"Ikaw talaga Erin, basta pagkain nangunguna ka." Paingos na sabi ni Ryan.
"Sige na. Okay na sa akin ito basta huwag na kayong magaway dyan." Sabi ko sa kanila at hindi na na sila umimik. "Sandali, punta lang ako sa cr." Pagpapaalam ko saka ako tumayo. Mabuti na lang at may cr sa baba ng grandstand kasi kung hindi baka naihian ko na ang jeans ko. Lakad takbo ako dahil lalabas na talaga kaya hindi ko sinasadyang may mabangga akong taga ibang college department. "Ops. Sorry po." Sabi ko. Hindi ko na sya pinansin dahil pumasok na ako sa cr.
Ang sarap nga naman sa pakiramdam kapag nakaihi ka. Bago ako lumabas ay inaayos ko muna ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Pagkalabas ko ay laking gulat ko ng may nakasandal na lalaki sa pader.
"Nakakagulat naman to." I whispered bago ako lumabas saka ko sya nilampasan.
"Miss Lilian?" Rinig kong sabi nya pero hindi ako lumingon. Paano kung hindi pala ako yung kausap nya e di napahiya ako. Napahinto ako ng harangin nya ako. Umiba ako ng dadaanan pero humarang uli sya.
"Teka ha. Ano to, laro at ikaw ang taya?"
"Pwede." Sagot nya saka sya ngumisi. Wait, hmmm. Gwapo sya ha. At talagang pinuri mo pa sya, Lilian.
"Pwes, the game is over. Tumabi ka nga kasi at dadaan ako."
"Sagutin mo muna tanong ko. Ikaw ba si Lilian?" He asked and I arched my brow. "Sige na, papadaanin kita pagkatapos." He smiled.
"Fine. Oo. Bakit?" Pagkatanong ko ay inabot nya sa akin ang ID ko at agad ko namang kinuha. "Nagtanong ka pa eh halata namang ako ito. Pwera na lang kung bulag ka para hindi mo kung sino ang nasa picture." Pagtataray ko pero ningitian lang nya ako. Baliw yata to eh. Pero ang gwapo naman nyang baliw.
"Ang cute mo naman at ang bilis mo pang magsalita."
"Rapper ako eh."
"Di nga? Seryoso?" Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa sa sinabi nya. Paniwalang paniwala naman to.
"Ano ka ba, biro lang. Ang bilis mo namang maniwala." Natatawa kong sagot.
"Alam ko." He smiled. "Next time dahan dahan sa pagtakbo. Mabuti nga napulot ko yang ID mo eh."