Chapter 11

42 3 0
                                    

Wala na akong pwedeng tawagan kundi si Mia. Bukod kay Chase, sya lang naman ang pinagkakatiwalaan ko. Alam kong wala akon pwedeng takbuhan kundi sya lang. Dinayal ko ang number nya mabuti at sinagot naman nya agad.

"Hello, Mia." Sabi ko habang sinisinok pa ako. Huminga ako ng malalim saka nagsalita uli. "Puntahan mo naman ako dito sa storage room."

"Nandyan na ako." She replied. Hindi na sya nagtanong kung bakit. Alam nyang may problema siguro ako. Maasahan talaga sya.

Umupo ako sa isang upuan saka tinignan ang aking sugat. Malalim ito gaya ng sugat na iniwan ni Chase sa aking puso. Yun nga lang mas madaling maghilom ang sugat ko sa kamay kaysa sa puso ko. Ang tanga tanga mo kasi eh! Pagpapagalit nya sa kanyang sarili.

"Lilian....." Rinig kong tawag ni Mia mula sa labas kaya lumabas na ako. Hawak ko ang sarili kong kamay at nakita nya ito. May dugo din sa pantalon. "Naglaslas ka?" Pagtatanong nya. Patakbo ako yumakap sa kanya. Saka ako umiyak.  "Si Chase na naman?"

"Oo." Kumalas sya sa akin saka ako inalalayan para makaupo.

"Sandali, gamutin muna natin ang sugat mo. Baka maimpeksyon yan." Pagaalala nyang suhestyon. Pumayag ako. Sinamahan nya ako sa clinic para malinisan ang sugat at pata magamot.

Takot ako sa kahit anong sugat. Kapag nakakakita kasi ko ng nasugatan o ako ang nasugatan nahihimatay ako. Pero iba ngayon, ni hindi ko iniinda ang sakit dahil mas masakit ang pagiwan sa akin ni Chase. Pagkatapos ginamot ang sugat ko, pumunta kami sa shed.

"Ano ba kasi ang nangyari? Si Chase ba ang dahilan kung bakit ka nasugat?" She asked.

"Hindi. May pinulot ako kanina hindi ko alam na may nakausling sirang gunting pala." Ireplied. Tinignan ko ang sugat ko at napaisip na lang ako na sana ganito kadali gamutin ang puso. Lagyan lang ng alcohol o gasa at ilang araw lang ang lilipas maayus na.

"Dapat kasi nagiingat ka para hindi ka nasasaktan ng ganyan." Pahayag nya kaya napatingin ako sa kanya. Para sakin kasi parang double meaning ang sinabi nya.

"Sana nga manhid na lang ako. Para hindi ko nararamdaman ang sakit."

"At sana bulag ka para hindi mo nakikita na na masaya sya sa piling ng iba." Dugtong nya.

"All this time, Mia akala ko mahal ako ni Chase. Pinaniwalaan ko ang sinabi nyang iyon, narinig nyo naman diba? Pero hindi pala enough iyon para bumalik sya."

"Puro ka kasi akala, friend. Uso kaya magtanong. Sana tinanong mo sya. Sana inalam mo kung talagang mahal ka pa nya. Puro ka kasi sign sign dyan eh." She said and I arched my brow. "At ito namang si Erin paasa. Akala ko talaga ikaw yung tinutukoy ni Chase. Yanyan din pala nickname nung Marian na yun." She added.

"Teka nga, pinapunta kita dito para hindi ipamukha sa akin ang mga yan." Inis kong sagot.

"Okay. Sorry kung ganon. Ang akin lang kaya ko sinasabi sayo to dahil gusto kong magising at matauhan ka sa katotohanan. Kung wala ka lang sugat ngayon iuuntog na kita." She answered. "So, anong plano mo ngayon? Ipupursue mo pa ba sya?" Pagbabagi nya ng usapan.

"Pasensya ka na." I lowered my gaze. "Hindi ko alam. Mia, anong gagawin ko? Mahal ko parin sya." I whispered.  Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Akala ko wala na akong iiyak, akala ko ubos na ang luha ko. Mayroon pa pala.

"Ikaw ang mismong makakasagot nyan. Tulungan mo ang sarili mo, Lilian. Hindi lahat sinasabi kung anong dapat. Dahil at the end of the day ikaw din ang magdedesisyon para sa sarili mo."

"Ayokong magmove on. Ayoko." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Siguro nga iyon ang tinutumbok ni Mia. Ang magmove on na ako. Pero kaya ko kaya?

"Magmove on ka kapag handa ka na. Handa ka ng ilet go si Chase, yang feelings mo sa kanya, mga memories nyo at mga bagay na makakapagpaalala sainyong dalawa. Hindi naman minamadali ang pagmomove on, Lilian. Mahabang proseso yan, hanggang sa wala ka na talagang nararamdaman para sa taong iyon."

"Pero paano? Kapag nakikita ko sila patuloy akong nasasaktan." I said as I wiped my tears with the back of my hand.

"Lilian, wala tayong magagawa dyan. Nasa iisang school tayo kaya magkikita at magkikita kayo. Tapos barkada pa natin si Chase at possibleng isasama nya palagi si Marian. Umiwas ka nalang kapag nandyan sya."

"Sana ganoon lang kadali. Kakalimutan ko ang taong pinakamahalaga sa akin? Ang hirap!" Pinatong ni Mia ang kamay nya sa kamay ng kaibigan. "Kung bakit kasi hindi na lang sila ang umiwas."

"Pero kailangan mong mamili, i-let go mo o patuloy kang masasaktan? Hindi mo a kailangang iparamdam na mahal mo sya. Kailangan mong tanggapin na hindi ka na mahal ni Chase, na may mahal na syang iba." She said and I frowned.

"Mia, dahan dahan naman. Ang sakit ng mga sinasabi mo e. Tagos!" Paingos kong sagot.

"Masakit ang katotohanan and you have to accept it." She replied. May point sya. Mas okay nang marinig ang katotohanan kaysa sa kasinungalingan. "Hindi na muna kita tatanungin sa ngayon. Alam kong naguguluhan ka pa."

"Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay kung bakit sinabi nyang mahal nya ako pero nagawa parin nyang magmahal ng iba."

"Siguro dahil mas pinili nyang maging masaya? Hindi ko rin alam. Bakit di mo tinanong kanina."

"Maging masaya? Kaya ko naman ibigay sa kanya iyon."

"Sigurado ka bang mas sasaya sya ngayon kung ikaw ang pinili nya? Sorry ha, pero Lilian sa nakikita ko mas masaya ngayon si Chase. Alam kong napansin mo rin yun noong birthday nya at kapag kasama nya si Marian. Lilian, maging masaya ka na lang para sakanya. Para sa kanilang dalawa."

Ganon nga yata talaga. Isa sa inyo ang dapat maging masaya. Si Chase, pinili nyang maging masaya. At ako? Pinili kong mahalin sya ulit nagbabakasaling pwede pang ibalik. Pero hindi pala lahat ng pagkakataon hawak mo. Pwedeng binigay na saiyo ang pagkakataon na iyon pero sinayang mo. At sinayang ko ang pagmamahal ni Chase.

"Mia, salamat ha. Medyo naliwanagan na ako ngayon." I said. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tatawagan ko sana si Chase pero pinigilan ako ni Mia.

"Ano na naman binabalak mo?" Kunot noong tanong ni Mia. "Nako! Katatapos lang natin magusap dito at naghukay pa ako ng ipapayo sayo tapos babalewalain mo?"

"Gagawin ko ang tama." Sabi ko saka sya napangiti. "Siguro ito ang una kong gagawin. Tanggapin na wala na kami. Na may mahal na syang iba. Masakit man pero ano pa nga ba, choice ko rin naman ito. Choice ko kung bakit ako nasasaktan ngayon." I added.

"At last, Lilian! Sana talaga magtuloy tuloy na yan."

"Makakaya ko naman siguro, diba? Paunti unti nga lang."

"Makakaya mo yan. Ikaw pa ba? Alam mo namang sa ating dalawa ikaw itong mas matapang. Kasi kung yung iba baka naglaslas na. Pero ikaw muntik lang mabaliw." She joked.

"Ewan ko sayo." I laughed softly. "Parang mas okay kausap yung pa-deep na Mia. Magaling ka palang magpayo."

"Naman! Ako pa ba? Ikaw lang itong walang bilib sa akin eh."

"Pero, thank you ha. Atleast ngayon mas magaan na ang pakiramdam ko."

"Para saan pa ako kung di mo ako naging bestfriend." She smiled and I hugged her again.

I'll let him go. I said to myself.

"Gaano ba katangkad ang regrets at laging nasa huli?" -TheUstFiles

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon