Chapter 7

66 4 1
                                    

Si Chase may girlfriend na. Joke ba ito? Kung joke man ito hindi nakakatawa. Swear! Nakakaiyak kasi. Gusto kong magwala, gusto kong manapak, at gusto kong magbigti. Pero nakakahiya namang gumawa ng eksena dito na alam kong ikakahiya ko. Pinakalma ko ang sarili ko bago ako nagsalita. Ngumiti ako kahit ang totoo nasasaktan ako,ng sobra.

"Hi." Simpleng bati ko pero agad nya akong nilapitan saka niyakap. Nagkatinginan kami nila Mia at Leah. I hugged her back. "Nice to meet you, Marian." I said at kumalas sya sa akin.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" She asked. "Ako ang may-ari ng notebook na napulot mo nung isang araw? Kumain pa tayo ng isaw nun."

"Ahhh..oo" Tangi kong naisagot. Sya nga yung girl. Small world! "Si Chase ang hinihintay mo nun?" She nodded. "Malihim talaga itong si Chase. Wala syang binabanggit na may girlfriend sya." Baling ko kay Chase na nasa tabi lang ni Marian.

"Para surprise!" He replied.

Nasurprise nga kami, lalo na ako! Lintek na notebook na yan. Paasa!!

"I heard a lot about you guys and finally na-meet ko na ang mga kaibigan ni Chase. Wala kasi akong masyadong friends na matatawag. Kaya sana maging friends din tayo lalo ka na Lilian." Marian said and they smiled at her. Pilit naman akong ngumiti kahit na magmukha akong bitter.

"Maiwan ko muna kayo dito, ha ipapakilala ko lang sya kay Mama." Pagpapaalam ni Chase. Sumunod kaming pumasok lahat sa sala nila.

Katabi ko si Mia, Leah at Erin sa sofa at halata sa kanila na nagaalala sila para sa akin.

"Lilian, ok ka lang ba?" Tanong ni Leah at Erin.

"Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwe at sasamahan kita." Mia said.

"Okay lang ako." I replied smiling. Yun nga yata ang pinaka-gamit ang ok lang ako kapag ayaw mong sabihin ang totoo mong nararamdaman. But deep inside of me, wasak na wasak ako. Emo ang peg!

"Magsabi ka lang, ha." Ginanap ni Mia ang kamay ko. Napansin naming bumalik na sila Chase at nakaakbay ito sa girlfriend nya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko keri! Harap harapan pa talaga akong sinasaktan.

"Yanyan...." Tawag ni Tita.

"Po?" Sabay naming sagot ni Marian. Nagkatinginan kaming lahat.

"Yanyan din pala ang nickname ni Marian." Si Chase ang bumasag sa katanungang hindi namin maitanong. "Ma, sino ba tinatawag mo?"

"Si Lilian,Anak. Magpapatulong sana ako dito para ilabas ang mga hinanda ko."

"Sige, Tita." Akmang tatayo na sana ako ng magsalita si Marian.

"Pwede rin po bang tumulong ako? Hindi po ako sanay pero alam ko po gagawin ko." She asked smiling. Ngiti ng ngiti naman ang isang to.

"Tita, si Marian na lang po tutulong sainyo kasi kakanta pa pala ako dito." I said while browsing the songbook. Nakita kong pumasok si Marian at naiwan si Chase kasama namin.

"Ano bang kakantahin mo?" Chase asked. Ayoko sana syang sagutin pero kinalabit nya ako. "Hoy." Tawag nya uli. So, hoy na pala ngayon ang pangalan ko? Gusto kong itanong buti nakapagpigil ako.

"Ano... Pusong bato." Sagot ko habang hindi sya tinitignan.

"Seryoso?" He laughed.

"Teka, anong nakakatawa?" Kunot noo kung baling sa kanya. Saka ko sya tinaasan ng kilay. Nakakainis!

"Wala lang." He replied. "Bakit nilapag mo na?" Tanong nya ng nilapag ko ang songbook. Nawalan kasi ako ng gana.

"Ayoko na. Nagbago na ang isip ko." Sagot ko saka ako sumandal sa sofa nila.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon