Chapter 9

34 4 0
                                    

Patulog na sana ako nang may kumatok. Kinabahan ako nang makita ko si Kuya na walang ekspresyon ang mukha nya. Paniguradong papagalitan nya ako. Simula pa noong nagabroad si Papa sya na ang tumayong Tatay sa bahay namin. Mas strikto sya kaysa kay Papa.

"Pasok, Kuya." Sabi ko saka sya umupo sa gilid ng kama ko. Nakatayo lang ako malapit sa bintana ng kwarto ko. Ayoko kasing lumapit sa kanya. "Kuya,sorry kung sinuway kita." Panimula ko. Hindi kasi sya nagsasalita. At kapag ganon hinihintay nyang ako mismo ang unang makikipagusap.

Tumayo sya saka sya lumapit sa akin. Yumuko ako saka ako pumikit ayoko kasing makita sya na nagagalit. Inihanda ko rin ang tenga ko dahil for sure makakarinig ako ng sermon.

"Nasabi na sa akin ni Mama ang lahat." Tugon nya kaya iniangat ko ang ulo ko para tignan sya. "Naiintindihan kita, Lilian. Pero sana sa susunod huwag na huwag kang iinom dahil ang babaw ng rason."

"Kuya, masakit eh. Akala ko kasi may second chance kami ni Chase." I said. Naramdaman ko na naman ang sakit.

"Malilintikan talaga si Chase sa akin kapag makita ko ang gagong iyon. Pinapaiyak ka nya hindi ba nya alam na prinsesa namin ang sinasaktan nya." He said and I can't help myself to smile. Bolero yan eh. "Huwag kang iiyak ha, Lilian dahil lang sa kanya. Kailangan mong ipakita sa kanya na hindi sya kawalan. Kaya simula bukas simulan mo na magmove on."

Hindi ako umimik dahil sa totoo lang ayokong magmove on. Patawarin ako ni Kuya pero hindi ko talaga gagawin. At may plano ako bukas.

"Ma, pasok na ako ha." Pagpapaalam ko.

"Ingat, anak. Kung bakit naman kasi hindi ka sumabay sa Kuya mo kanina."

"Ayoko pong magulo ang buhok ko. Wala naman pong extrang helmet si Kuya."

"O, sya sige." Aalis na sana ako ng masalita sya uli. "Anak, ang bilin ko sayo. Ihanda mo ang sarili mo sa makikita mo mamaya sa School." She reminded me.

"Okay, Ma." I replied smiling. Pagkalabas ko tumingin ako sa taas. Maaliwalas ang panahon. Ibig sabihin lang nito na umaayon ang panahon sa plano ko. Napangiti ako sa naisip kong idea. Nakangiti ako habang palabas ng gate. Lilian, kaya mo yan. Never give up.

Agad kong hinanap si Chase pagkapasok ko ng School. Nadatnan ko lang sila Mia, Ryan at Erin sa shed. Super ngiti ako sa kanila habang papalapit

"Nakadrugs ka ba, Lilian?" Bungad na tanong ni Ryan sa akin nang makaupo ako.

"Hindi. Pero tignan mo naman ang panahon diba ang ganda? Kailangan lang nating maging positive." I replied smiling. Teka, nahawa na yata ako kay Marian na ngiti ng ngiti.

"Sure ka ba? Kasi last Sunday mukha kang nalugi eh. Nasukaan mo pa ako nang binubuhat ka namin papasok sa van nila Chase."

"Sorry. Hindi bale bibilhan na lang kita ng shirt."

"Talaga?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Ryan.

"Oo naman. Para good vibes." Sagot ko saka ako kumindat. "Hoy, Mia! Hindi mo ako pinapansin." Sabay tapik sa braso nya.

"Oo nga. Kanina pa yan nagtetext. Parang wala nga si Mia dito eh." Sagot naman ni Erin.

"Sino ba yang katext mo ha?" Tanong ko saka ako lumapit sakanya pero tinaas nya agad ang phone nya.

"Walang signal, ano ba yan!" Irita nyang sagot.

"Huwag ka nga, Mia. Old style mo yan eh. Kapag ganyang style may textmate ka. Sino?"

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon