Franco's POV
Noong nakilala ko si Lilian may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. Sa tuwing dadaan ako sa room nila ay nagiging buo ang araw ko.
Hindi sya prim and proper na babae. Malakas syang tumawa, walang kyeme sa katawan at malakas ang personalidad. Pero hindi ako naturn-off sa kanya. Sa katunayan mas lalo akong nainlove.
Bakit? Mas gusto ko ang mga ganoong personalidad at kay Lilian ko nakita ang mga iyon.
Kaso may boyfriend sya. Kaya kahit anong kagustuhan kong lumapit sa kanya ay hindi ko magawa dahil laging may nakaharang sa kanya.
Pero dahil siguro madasalin ako ay binigyan ako ng pagkakataon na makilala sya. Iyon ang araw na nakita ko sya sa bench na nakaupo habang nayuko. Kahit sinong makakakita sa kanya ay iisipin na umiiyak sya.
Pasimple kong inabot sa kanya ang panyo ko. Tinignan lang nya ako pero hindi nya kinuha ang panyo. Instead, kinuha nya ang sarili nyang panyo at ito ang ginamit nyang pamunas sa mukha nya. Tumayo sya saka sya umalis ng hindi nagsasalita. Hindi ako nawalan ng pagasa noon para kilalanin sya. Iyon ang mas gusto ko, ang nachachalenge.
Kaya naman pinursigihan ko na makalapit sa kanya kahit na madalas nya akong supladahan at iwasan. Alam mo yung makakasalubong mo sya tapos iyong kilay nya nakakunot? Ganoon sya kapag nakikita ko. Hayaan mo ibabalik ko ang dati mong ngiti na nawala. I thought. Hanggang sa nahuli ko rin ang kiliti nya at siguro nakulitan sa akin pumayag syang magpaligaw.
Masaya naman ang unang buwan naming dalawa. Talagang pinaramdam ko sa kanya na tunay ko syang mahal. Alam kong korni pakinggan pero plinano ko talaga kung ano ang mga gagawin namin every monthsary. Gustong gusto ko syang isurprise.
Effort kung effort kumbaga.
"Bakit mo ba ginagawa sakin lahat ng ito?" Naalala kong pagtatanong nya noon.
"Dahil mahal kita."
Iyon lang ang sinagot ko dahil iyon naman talaga ang tamang sagot sa tanong nya.
At dahil mahal ko sya gagawin ko ang lahat mapasaya lamang sya.
Ganoon nga yata talaga ang pagmamahal. Lalo kong natamaan ka ng pana ng kupido, tipong salong salo mo ang pana sagad hanggang bone marrow. Ganoon ang naramdaman ko sa kanya since day one. At hanggang ngayon hindi iyon nagbago.
Habang tumatagal kami mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Gustong gusto ko syang bilhan ng singsing. Kaya noong monthsary namin, bumili ako ng couple ring. Gusto ko na kasing tanggalin ang suot nyang singsing na bigay sa kanya ni Chase. Hindi dahil sa nagseselos ako sa kanya pero mas gusto ko lang makita na suot nya ang bigay ko. Na parang akin lang sya.
Ayokong magdemand sa kanya ng oras. Hindi ko sya hinihigpitan sa mga lakad nila ng barkada nya. May tiwala ako sa kanya at alam kong hindi nya ito sisirain.
"Masyado ka yatang panatag sa relasyon natin. Hindi mo man lang ako hinihigpitan." She said.
"Kilala ko kayong mga babae na kapag mas hinihigpitan mas lalo kayong masasakal at ayokong mangyari sa atin iyon." I replied and he hugged me.
Gustong gusto kong niyayakap nya ako. Hindi sya clingy pero sa tuwing magpapakasweet sya sakin ay gustong gusto ko.
"Sa tuwing sasapit ang monthsary natin lagi kang may pasabog. Baka mamaya nyan bigla kang magpropose." Pagbibiro nya noon.
"Gusto mo na ba? Kasi ako anytime gustong gusto ko ng makasal sayo." I grinned.
Sa iba siguro korni pero alam ko sa sarili ko na ito ang nararamdaman ko. Na sya na ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa huli.