Halos mamula ang mukha ko sa sobrang hiya. Kung bakit naman kasi nagpahuli ako na nakatitig sa kanya. Samantalang nung kami pa hindi naman ako ganito. Never ko syang tinitigan. Kaya nga siguro naninibago ako sa itsura nya dahil ngayon ko lang napansin. Gwapo na sya noon, mas gumwapo pa sya ngayon.
"Nagblu-blush ka ba?" He asked.
"Hindi ah." Sige, Lilian. Ideny mo pa,ha. Denial queen. Sabi ko sa isip ko. "Gawin na lang natin yang exercise natin para maaga tayong matapos." Sabay naming hinawakan ang mouse. Nakapatong ang kamay nya sa kamay ko. Agad ko itong tinanggal. "S-sige, ikaw na lang gumawa." Sabi ko.
"Sure ka?"
"Ako na lang magtatype sa last part. Yung System.out.println chu chu." I said and he laughed softly. Oh, I love this man. Too bad I let him go. Katangahan 101.
"Kumusta na pala? Kilala pa ba ako ng Mama mo?" He asked while typing.
"Okay lang ako." I smiled. "Kilala ka pani Mama, hindi pa naman sya ulyanin eh."
"Ang tagal na noh." Nagbilang sya sa kanyang daliri. " Three months na ang nakakalipas." I heard him sighed.
"Oo nga." Three months na pero heto ako akala ko nakamove on na. Hindi pa pala. Gusto kong idugtong.
"Ikaw na pala magtype." Pagiiba nya ng usapan. Nagpalit kami ng upuan.
"Chase..." Tawag ko. Pero hindi sya sumagot. Lumingon ako at nakita syang busy sa kakatext. "Hoy!"
"Ano yun?" Litong tanong nya.
"Tignan mo kung tama na ito." Tumayo ako at pinakita sa kanya ang dinagdag kong codes. "Mukhang may textmate ka, ha." I teased.
"Ok na yan. Galing mo talaga. Apir naman dyan!" Sabi nya saka tinaas nya ang kamay saka ako nakipag-apir.
"So, may textmate ka nga?"
"Wala 'to. Tawagin ko lang si Sir para mapacheck na natin." Umalis na sya. Pumunta naman ako kina Mia na abala parin sa paggwa ng program.
"I know, tapos niyo na." Bungadna sabi ni Mia.
"Loka. Ang bitter nito."
"Tulungan mo nga kami, Lilian." Sabi ni Adam.
"Sige." Sabi ko saka ko tinuro ang mga codes na ginamit namin.
"Galing naman!" Puri ni Mia.
"Ikaw ba naman maging ex-girlfriend ng programmer of the year." Ani ni Adam na agad kong sinuntok. "Ang bigat talaga ng kamay mo." Sabi nya saka nya hinimas himas ang braso nya."
"Heh." Bulyaw ko sa kanya. "Tawagin nyo na rin si Sir para mapacheck nyo na." I suggested.
"Ikaw na tumawag kay Sir, Mia." Sabi ni Adam.
"Magpakagentleman ka naman, Adam. Mahiya ka naman sa ganda ko!"
"Wow. Asa ka namang mayroon kang ganda."
"Sige na! Dami pa kasing arte eh." Sabi ni Mia. Walang nagawa si Adam kundi tumayo at tinawag si Sir na nasa pc unit namin at chinicheck ang ginawa naming program.
"Ano na? Lumevel up na ba?" Tanong ni Mia. Nagkibit balikat lang ako. "Anong di mo alam? Pwede ba yun?"
"Tinanong nya kung kumusta ako, kumusta si Mama at nasabi nyang three months na pala kaming break."