Magusap tayo. Paulit ulit na nag-e-echo sa utak ko ang sinabi ni Chase. Hindi ko alam kung anong balak nya. Balak ba nya akong kausapin para ipamukha na naman sa akin na wala kaming second chance? Grabe! Tanggap ko naman na wala na. Wala na! Nakakabanas.
On the way na kami ni Mathew sa bahay nila at mukhang masayang masaya ang unggoy. Parang nabigyan ng maraming maraming maraming saging.
"Wala ka bang balak magkwento?" I asked. Paano ba naman pangiti ngiti lang sya. Kung hindi ko sya kilala aakalain kong baliw sya. "Alam ko na. Kayo ulit."
"Oo!" Agad nyang sagot. "Hindi pala nya boyfriend yung Jeff. Pakana lang nya iyon para pagselosin ako. Ako parin daw mahal nya. Syempre, ako naman inamin ko rin na kaibigan lang kita at mahal ko rin sya. Kaya, kami uli." Mapapansin mo talagang masaya sya dahil mahahalata mo sa mata nya. "Salamat nga pala sayo, Lilian ha." He added.
"Wala yun." Sabi ko saka ako ngumiti. Tinuon ko uli ang tingin ko sa labas saka bumuntong hininga.
Hindi magwowork out ang isang relasyon kung hindi nyo ipaglalabang dalawa. Hindi pwedeng ikaw lang o sya lang, dapat pareho kayong lalaban. At iyon nga ang nangyari kina Mathew at Bea.
"Nagenjoy ka naman ba, Lilian? Ano nga pala ang pinagusapan nyo ni...ano na nga pala pangalan ng ex mo?"
"Alam mo?" Gulat kong tanong. "Sinundan mo ba ako?" I asked again.
"Gusto ka raw makilala ni Bea kanina kaya sinundan kita. Kaso nakita kitang kasama si Chase kaya di na ako tumuloy. Kayo na rin ba uli?" Umiling ako. "Bakit kayo magkahawak kamay kanina?"
"Gusto daw nya akong kausapin. Ang sabi ko ayoko." I said and sighed. "Shit! Ano bang gusto nya at gusto pa nyang makipagusap?" Inis kong turan.
"Bakit hindi ka pumayag? Paano kung iyon pala ang dahilan para magkaayos kayo?" Sabi nya saka nya ako tinignan.
Paano nga kung ganon? Paano kung....
"Alam mo ginugulo mo lang ang utak ko. Nagmomove on na ako eh. Tapos ganyan pa maririnig ko sayo?" I said as I rolled my eyes. "Lilian, huwag mong pakinggan ang demonyo. Bad influence sya. Magmove on ka na." I said to myself and he laughed.
"Baliw ka talaga e noh." Natatawa parin nyang sabi.
"Tumahimik ka na lang, Mat. Please....." Sagot ko saka nya kunwaring zinip ang bibig nya.
Alas dos ng madaling araw na kaming nakarating ng bahay dahil ginising pa namin si Mama. Hinatid kami ng driver nila Mathew kaya naman madali kaming nakauwe. Dumiretso kami sa kanya kanya naming kwarto. Sinet ko ang alarm ko dahil kailangan kong maagang magising bukas.
Hikab ako ng hikab habang nagdidiscuss ang professor namin. Kulang kasi ang tulog ko at ayoko namang mag-absent. Tiis tiss muna at itutulog ko na lang mamaya pag vacant namin.
"Saan ka ba nakiparty kagabi at parang antok na antok ka?" Bulong ni Mia sa aki ng palabas na kami. Tapos na kasi ang klase namin.
"Sinamahan ko lang si Mathew sa Big Night ek ek nila." Natatamad kong sagot.
"Sino si Mathew?"
"Friend ko. Punta nga muna tayo sa shed, Mia. Iidlip ko lang ito. Di ko na kasi kaya."
"Dapat kasi sinama mo ako dyan para dalawa tayong puyat. Kaysa sinasarili mo yan." Biro nya at hindi ko mapigilang matawa. Pero sandali lang iyon dahil nakita ko si Chase at makakasalubong namin sya. "Ohhhhhh...."
"Lilian..." Tawag nya at pero hindi ko sya tinignan. Tuloy lang kami sa paglakad hanggang sa lampasan namin sya. "Sandali."
"Ui. Sandali daw." Sabi ni Mia at gusto ko syang sabunutan. Huminto tuloy ako na wala sa oras.