A/N: Please read again. Kakaedit ko lang. salamat.
Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Mama na nagtitimpla ng kape nya. Lumapit ako saka sya niyakap mula sa likod.
"Ikukwento mo ba o magyayakapan na lang tayo?" Pagtatanong nya. Ang lakas talaga ng radar ng nanay ko na ultimong pagyakap ko lang ay ramdam na nya kung may gusto ba akong sabihin o kung may iba ba akong nararamdaman.
"Bumalik na si Chase, Ma." I replied. Kumalas na ako sa pagkakayakap saka ako tumabi sakanya. "At mukhang mas ok na sya ngayon. Iba na ang aura nya hindi gaya nung huli naming paguusap."
"Baka naman may nagpapasaya na sa kanya?" She asked and I nodded.
"Sila parin daw ni Marian." Hindi ko alam kung bakit may halong pait yung pagkakasabi ko ng sila parin kung tutuusin naman ay mayroon din naman akong iba.
"At may Franco ka na." Pagdudugtong nya.
"Ma, alam ko naman yun. Hindi naman ako nagseselos.
"Pero dismayado ka, anak. Halata sa boses mo."
"Ewan ko kung ano bang dapat kong maramdaman, Ma. Natutuwa ako kasi kahit na ang saklap ng nangyari ay nakaya parin nyang tumayo uli at mabuhay parin."
Dati kasi, madalas sabihin ni Chase sa akin na kapag iniwan ko daw sya ay hindi nya kakayanin. Pero nagbabago talaga ang pananaw ng isang tao lalo na kung may rason naman sya para ipagpatuloy ang buhay nya. Sa aming dalawa ni Chase, akala ko ako ang mas matatag. Ngunit hindi pala, mas matatag pala sya kaysa sa akin.
"Tatanungin kita, anak. Hanggang ngayon ba ay mahal mo parin siya?"
"Ma, may franco na sa buhay ko na mahal na mahal ako."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Oo at hindi lang."
"Hindi. Ma naman, alam mo namang hindi ko ugaling magmahal ng iba kapag may mahal na ako. Loyal at faithful ako kay Franco."
"Pinapaalalahan kita, Lilian. Ang pagmamahal ay hindi basta basta nawawala lalo pa kung may bahagi parin sa puso mo na umaasang magiging kayo sa huli. Mahirap kalabanin ang puso. Kahit pa sabihin mong may mahal ka ng iba kung iba naman ang tinitibok ng puso mo."
"Ma, masaya ako kay Franco. Sya yung taong nagparamdam sa akin ng kakaibang pagmamahal. Nirerespeto nya ako, napapansin mo naman po siguro iyon."
"Alam ko naman at nagpapasalamat ako dahil matinong bata itong si Franco na kahit hainan mo yata ay tatanggi parin. Anak, kahit nasa tamang edad ka na ay hindi mo parin alam kung ano ang tama sa mali dahil minsan ang akala mong tama ay mali pala."
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Minsan, nabubulag tayo sa isang bagay dahil sa kagustuhan nating iyon ang mangyari. Pinipilit natin ito kahit ang totoo nyan ay hindi pwede. Kapag pinilit mo ay mas lalo ka lang masasaktan. Hindi mo pa maiintindihan ito sa ngayon dahil naguguluhan ka pa."
"Mas naguluhan ako sa sinabi mo Ma." Sabay kamot sa ulo.
"Kumain ka na. Umupo ka na dyan at ipaghahain kita." Pagiiba nya ng usapan.
Nasobrahan yata ako sa pagkain kaya kung ano ano na ang naiisip ko. Possible kayang may tinatago si Franco sakin? Hindi ko maiwasang magtanong, paano ba naman bigla na lang syang hindi nagparamdam. Hindi kaya nakita nya kami noong hinatid ako ni Chase? Pero hindi naman sya seloso?
"Grabe ha, nakakatuyo naman ng utak. Kapag talaga nagpakita sakin yang Franco na yan makakatikim sa akin yan." Sambit ko sa sarili ko habang hawak ko ang cellphone ko.