"Lilian, bagay ba ito sa akin?" Pagtatanong sakin ni Mia habang nasa Mall kami.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa suot ang cocktail dress na gagamitin nya para sa opening ng kanilang branch sa Baguio. Talagang umasenso ang kanilang negosyo ni Adam. Sa katunayan nga ay may plano na silang magpakasal next year.
"Bakit hindi mo itry yung black dress na isa." Suhestyon ko sa kanya.
"Sige." Pagpapayag nya.
Kumusta na kaya si Franco? Okay lang kaya sya?
Tatlong buwan na mula ng umalis si Franco papuntang Canada. Gusto kong ihatid sya noon kaso ayaw nya. Mas mahirap daw kasing umalis kapag nakikita nya ako.
Tanging ang sabi nya lang sakin ay may sakit sya pero hindi ko alam kung anong klaseng sakit iyon. Kung malalala na ba o mild lang. Nagalit sya sakin dahil sa dami kong tanong sa kanya. Inisip ko na lang na kaya siguro sya nagalit dahil imbes na iincourage ko sya ay tanong pa ako ng tanong.
Ni isa wala syang sinagot.
Akala ko wala ng makakapantay kay Chase noon pero hindi pala. Mayroon pa palang makakahigit kay Chase. At si Franco iyon. Masaya ang aming relasyon, puno ng pagmamahal, may mga misunderstanding, pero si Franco hindi nya ako matiis na hindi kami magkabati sa isang araw.
Akala ko perfect na.
Puro lang pala ako akala dahil natapos rin ang aming relasyon.
Naalala ko ang sinabi nya sakin bago sya umalis.
Alagaan mo ang sarili mo. Huwag mo akong masyadong isipin. Malayo man ako sa piling mo pero nandito ka sa puso ko. Mahal na mahal kita. Huwag mo na akong hintayin ha. Maari ka ng magmahal ng iba.
Noong araw na iyon walang pumatak na luha sa mata ko. Kinaumagahan lang nagsink in sa utak ko na wala na kami ni Franco. Wala na sya at wala na kami.
Sobrang sakit.
Masakit dahil wala man lang akong nagawa. Na para bang kahit anong pigil ko sa kanya ay hindi nya ako papakinggan.
Gusto kong magalit sa kanya pero mas mahihirapan lang ako kung magkikimkim ako ng galit.
"Kanina pa kita kinakausap." Paninita sakin ni Mia na nasa harap ko na pala.
"Ayan, mas bongga iyan, Friend." Pilit kong pinasaya ang boses ko.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" She asked and I nodded. "Makakaya mo rin yan. Ikaw si Lilian, isa ka sa taong masasabi kong pinakamatatag." Ningitian nya ako.
Matatag ba talaga ako? O sadyang nagtatago lang ako sa isang maskara na akala ng iba kapag nakikita nila ako ay masiyahin na kaya kong dalhin lahat ng problema?
Tao lang din ako, napapagod din at nasasaktan. Umiiyak pag kinakailangan at susuko kapag hindi hindi ko nakayanan.
Nagbalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang cellphone ko. Si Chase tumatawag.
Simula noong araw na umalis si Franco iyon din ang simula na naging magkalapit uli kami ni Chase.
"Pupunta daw dito si Chase." Pagbibigay alam ko kay Mia habang nasa counter kami.
"Sabihin mo ilibre nya tayo"
"Loko ka. Ang yaman yaman mo na nga ngpapalibre ka pa."
"Nagsalita ang isa ring mayaman." Ganti nyang biro sa akin.
"Mas malaki parin ang income mo kaysa sa akin."
"Mas malaki ang perang pumapasok sa opisina nyo no."