"Lilian, huwag namang ganito." Rinig kong sabi ni Chase mula sa labas ng bahay. "Hahayaan mo na lang ako? Ganon ba gusto mong gawin ko?"
"Umalis ka na! Pwede ba?" Sabi ko sakanya pagkabukas ko ng pinto. "Bakit ang hirap mong makaintindi?! Kailangan talaga paulit ulit? Umalis ka na! Umalis ka na!" Saka ko sinara uli ang pinto saka uli pumatak ang mga luha ko.
Ganon pala, kailangan mong sabihin ang mga masasakit na salita para lumayo ang isang tao. Kailangan mong maging matapang. Kailangan mong ipagtabuyan. Kailangan mong magsinungaling. Magsinungaling sa tunay mong nararamdaman. Akala ko okay na ako. Akala ko wala na akong nararamdaman. Akala ko wala na akong pakialam sa kanilang dalawa. Akala ko nakamove on na ako. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?
Ang hirap ipagtabuyan ang taong mahal mo sa taong mahal nya. Ang hirap magsinungaling lalo na sa sarili mo. Nasasaktan ako dahil mahal ko pa sya. Mahal ko parin si Chase. Pero kailangan kong tiisin itong nararamdaman ko. Kailangan kong magpanggap. Kailangan.
"Tahan na, Anak." Sabi ni Mama habang hinahagod ang likuran ko.
"Tumigil ka na sa kakaiyak, Lilian." Pagaawat naman ni Kuya. "Kung hindi, lalabasin ko ang gago na iyon—"
"Kuya naman eh." Pagmamaktol ko habang pinapahid ang pisngi at mata ko.
"Umalis na yata sya." Pagsisingit ni Mama. Narinig namin na tunog ng isang motor. Sumilip si Kuya sa bintana para tignan kung si Chase iyon.
"Aalis din pala." He said. "Ma akyat na ako dahil inaantok na ako." Baling nya kay Mama at tumango naman ito.
"Matulog ka na rin, Anak at may pasok ka pa bukas. Hindi na muna ako magtatanong kung ano talaga ang nangyari." Hinalikan nya ako sa noo saka sya umakyat. Sumunod na rin ako sa kanya dahil dama ko ang pagod. Pisikal at emosyonal. Kawawa naman ang katawan at puso ko.
.
.
.
.
Pagkapasok ko kinabukasan sunod sunod ang tanong sa akin ni Mia. Ngunit wala akong sinagot isa sa mga tanong nya. Nakakapagod din magpaliwanag. Magpaliwanag sa nararamdaman mo, sa mga nangyayari ngayon at sa mga kapalpakan sa buhay ko. Kung pwede lang laktawan na lang, ginawa ko na. Sana matapos na lahat ng ito. Pwede ko sanang hilahin ang buwan para graduation na namin. Ang hirap! Stress ka na nga sa school, stress ka pa sa lovelife. Ang tindi. Sinalo ko na lahat ng problema ng mundo.
"Mukhang kailangan mo ng pala." Sabi ng isang boses. Nang tignan ko kung sino ay si Nursing student pala. Nakalimutan ko na kasi ang pangalan nya. "Franco, remember?" He added.
"Ha?"
"Ang lalim kasi ng iniisip mo, kailangan nating hukayin." He said smiling.
"Tatawa na ba ako?" Sarkastiko kong tugon saka ko sya inirapan.
"Huwag kang magsusungit. Ayon sa nakikita ko sayo kailangan mong ngumiti para gumaan ang pagpasok ng swerte sayo."
"O, tapos? May klase ka pa yata. Pumasok ka na kaysa sa sinasayang mo ang oras mo sa akin."
"Vacant ko. Saka ano naman ngayon kung makipagusap ako sayo? Magagalit na naman ba yung ex mo? Okay fine. Hindi ko na uli babanggitin ang ex—I mean yung tao na yun. Kaya ibaba mo na ang kilay mo. O, saan ka pupunta?"
"Doon sa hindi mo ako masusundan." Sagot ko saka ako tumayo. Sa unang hakbang ko pa lang ay pinigilan na nya ako kaya tinignan ko sya ng masama.
"Kunin ko number mo."