Chapter 14

46 3 0
                                    

Mabuti na lang hindi nagalit sa akin si Marian sa mga sinabi ko sa kanya at naintindihan nya ako. Paano kaya kung ibang babae ang naging girlfriend ni Chase? Paano kong war freak pala sya o selosa? E di kawawa naman ako kung sakali.

Nagback out na rin ako sa gagawin naming pagkanta ni Chase sa Intrams. Wala na akong pakialam kahit magalit pa sa akin si Sir Erik. Ang mas mahalaga ngayon ay kung paano ko maiiwasan ang ex ko. Ako na ang magaadjust kasi ako lang naman itong nasasaktan.

Nakatulong din si Mathew kasi nakakatext ko sya kapag vacant namin. Kahit papaano hindi ko na naiisip si Chase gaya ng dati. Gaya ngayon, nasa Mall kami dahil bibilhan daw ako ng sapatos. Balak ko nga sanang isama si Mia, kaso may iba syang lakad.

"Hoy Mathew! Hindi mo naman kailangan buhatin ang shoulder bag ko. Parang alalay tuloy kita." Sabi ko sa kanya habang naghahanap kami ng sapatos.

"Malay mo makasalubong natin ang mga barkada ni Bea o di kaya baka si Bea mismo makita natin. Saka para maniwala silang may relasyon tayo."

"Talino mo talaga e noh? Pero sige na nga. Nga pala bakit ba kasi bibili pa tayo? May shoes naman kasi ako sa bahay."

"Isipin mo na lang regalo ko na sayo yun. Kaya huwag ka ng choosy, okay?" Tugon nya at hindi na lang ako nagsalita.

May nakita syang sapatos na babagay daw sa akin. Sinukat ko naman at tama sya bagay nga sa paa ko. Pero nang tignan ko ang price, tumanggi akong bilhin nya. Pero mapilit talaga sya kaya no choice na naman ako.

"Sure ka ba? Baka mamaya pagalitan ka ni Tita Letty kasi ang laki ng nabawas sa credit card mo." Sabi ko sa kanya habang nasa counter kami.

"Nasabi ko na at syempre pumayag sya. Madami na daw kasi syang utang sayo. Diba nga tinuring ka na rin nyang anak nya noon?"  He said. Wala kasing anak na babae si Tita Letty kaya siguro ganon na lang kung ituring nya ako.

"Kahit na. Nakakahiya pa rin kaya." Pambabara nya nang makalabas na kami sa store.

"Huwag ka ng mahiya kasi wala ka naman nun." Pagkasabi nya ay agad ko syang binatukan saka pinagsusuntok.

"Pasalamat ka matangkad ka dahil kung hindi, hindi lang yan ang mapapala mo sakin!" Sabi ko at tawang tawa sya. Basag trip din kasi ito minsan.

"Pikon ka parin talaga ano? Kaya nakakatuwa kang asarin eh."

"Tawa pa more!" Inis kong sagot.

"Lilian!" Tawag ng isang babae kaya napalingon kaming dalawa ni Mathew habang nakaakbay sya sa akin.

Si Marian, kasama si Chase!

"Uy! Kayo pala." Bati ko sa kanila. Ngumiti sa amin si Marian ngunit si Chase, malayo ang tingin.  "Nga pala, sila si Marian at Chase." Pagpapakilala ko. "At si Ma—" He cut me off.

"I'm Mathew. Boyfriend ni Lilian." Sagot ng unggoy na kasama ko kaya ko sya siniko.

"Hindi ko sya boy—"

"Huwag mo ng ideny Lilian." Si Chase ang sumagot kaya napataas tuloy ang kilay ko.

"Hi, Mathew. Friend namin si Lilian." Sagot ni Marian.

"Pero hindi ko talaga— Ano ba!" Irita kong sabi dahil tinakpan ni Mathew ang bunganga ko.

"O, sige na. Baka may lakad pa kayo. Nice meeting you." Marian said and we both smiled. Nang makaalis sila ay agad kong tinanggal ang pagkakaakbay nya sa akin saka sya hinarap.

"Ang baho ng kamay mo! Nakakainis ka!" Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka ko pinunasan ang bibig ko.

"Ex mo yun ano?" Hindi nya pinansin ang sinabi ko at inasar pa nya talaga ako.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon