Nagkanya kanya na kaming lakad pauwe. Inihatid ako ni Chase sa sakayan ng jeep kahit anong tanggi ko wala akong nagawa. Mapilit kasi sya at hinayaan ko na lang dahil may bahagi sa puso ko na tuwang tuwang. Kumaway sya ng makasakay na ako saka sya umalis. Ganoon sya lagi noong kami pa.
Kapag nagagabihan kami hindi sya pumapayag na hindi ako ihatid sa bahay kahit ma-out of way na sya.
"Paabot po ng bayad." Sabi ko sa katabi ko.
"Lilian? Ikaw nga!" Sabi ng babaeng kakasakay lang at umupo sa tabi ko.
"Ana?" Paano ko ba makakalimutan si Ana, ang babaeng unang minahal si Chase. Ang kanyang first-ex-girlfriend. Hindi kami close pero magkakilala kami dahil batchmate ko sya at same kami ng course. Iyon nga lang tumigil ito sa pag-aaral dahil nabuntis sya noon.
"Kumusta na? Kumusta na kayo ni Chase?" Masigla nyang tanong. Hindi parin sya nagbabago. Umandar na rin ang jeep na sinakyan namin. "Siguro ang tagal nyo na. Alam mo ang bait ni Chase kaya nga hindi ko alam kung bakit pinakawalan ko sya nun. Tanga ko lang 'no." Tanga rin kaya ako. Gusto ko ring sabihin. "Pero ngayon, masaya ako kasi may baby at asawa na ako. Ilang taon na ba kayo ni Chase? Mukhang kayo na talaga,ha."
"W-wala na kami." Mahina kong sagot pero sapat na para marinig nya.
"I'm sorry..."
"Ok lang, ano ka ba." I smiled. "Ganon nga yata talaga."
"Oo nga. Move on move on na lang. At for sure makakahanap ka ng mas better pa kay Chase." May mas makakahigit pa ba sa kanya? "Paano dito na ako." Inabot nya ang bayad saka sya nagsalita uli. "See you around." Pagpaapalam nya. Ningitian ko lang sya.
Ilang minuto lang ay bumaba na rin ako. Agad kong nakita si Mama na nagdidilig ng mga tanim nyang orchids.
"Ma, kinakausap mo na naman mga alaga mo." Sabi ko habang papasok ng gate.
"Nandyan ka na pala." Kung gaano kami kamahal ni Mama ganon din nya kamahal ang mga orchids nya. "Nagmeryenda ka na?" She asked as I kissed her cheeks.
"Opo. Nagmeryenda kami kanina bago kami umuwe." I replied as I sat down on the wooden chair. "Ma, naalala mo pa si Chase?"
"Oo. Sya yung latest mong boylet." She said and I frowned. Latest boylet talaga?
"Ma naman! As if ang dami kong naging boylet." Chase was my second boyfriend and hoping to be my last. Hopia lang, teh.
"Bakit? Nagkabalikan ba kayo?"
"Sana." Bulong ko.
"Ano?"
"Wala, Ma. Kinamusta ka kasi nya kanina. Miss ka yata." Tugon ko. Close din sila ng nanay ko. Mabilis silang nagkagaanan ng loob.
"Namiss ko rin ang batang yun. Ang swerte ng magiging girlfriend nya. Kung bakit naman kasi hawak mo na nga pinakawalan mo pa." Sabi nya habang nakatingin sa akin.
"Ma! Past na yun. Wala na kami. Matagal na yun, okay?"
"Mukhang affected ka, bunso." Pangaasar nya. Cool si Mama. Nung nalaman nyang may boyfriend ako noong third year highschool. Akala ko papagalitan nya ako dahil ang aga kong lumandi. Tinago tago pa nun pero nalaman din nya pero sinuportahan nya ako. Naalala ko noon, pinilit nya akong bumili ng birthday gift para sa boyfriend ko.
Iyon nga lang, sobra din syang mapangasar. Minsan noong nahuli nya kaming magkaholding hands halos ilang bwan ang inabot ng pangaasar nya sa akin. Pero mahal ko si Mama. Mahal na mahal.