"Patawarin mo ako, Ate..." Lumuluhang lumuhod ako sa harap ng puntod niya.
I'm sorry dahil nagiguilty ako na wala akong nagawa para maisalba siya nang gabing iyon.
Kung sana ay pinigilan ko siya at pinilit na umalis na agad. Siguro magkasama pa rin kami ngayon. Magkaiba mang mundo pero may pag-asang magkita at magkausap kami. Hindi iyong nasasaktan ako.
Nagiguilty ako kasi iniwan ko siya doon. Pinabayaan ko siya. Kasalanan ko ang lahat.
At nahihiya ako sa kanya. Inaamin ko sa sariling may nararamdaman ako para sa nobyo niya. Mali iyon. Maling mali.
Hindi ko kayang agawin ang taong mahal niya. Mas nanaisin kong pigilin ang sariling magmahal kaysa mang-agaw ng hindi naman sa akin.
Masakit man pero iyon ang tanging pumipigil sa akin. Hindi ko kayang magpakasaya lalo na dahil may nasasaktan akong iba.
Ginawa ko ang lahat para mapakalma ang sarili. Bago ako umalis sa puntod niya ay nangako akong gagawin ko ang lahat para makuha ng mahal niya sa buhay ang hustisyang matagal ng hinagkan.
Inayos ko ang cap ko at mask. Naisipan kong dalawin si Tito Arnold sa kabilang cemeteries. Alam kong doon inilibing ang Tito ko dahil naroon rin ako nung araw na iyon. Takot na nagtatago.
Nakakailang hakbang palang ako, nang maramdaman kong parang may nakamasid sa akin. Umihip rin ang hangin kaya binilisan ko ang lakad ko. Nawala na sa isip ko ang pagdalaw sa Tiyuhin dahil ang tanging naisip ko nalang ay makalabas at makalayo roon.
Kaba man ay dumaan ako sa mga may tao at CCTVs at nang may dumaan na jeep ay mabilis na pumara at sumakay. Nakahinga ako ng umalis rin agad ang sinasakyan papalayo sa sementaryo.
Thanks God, nakababa ang mga trapal ng jeep kaya natatakpan ang mga bintana. Humahamog na rin sa labas.
"Okay kalang, Miss?" Tanong noong isang babae sa harap ko.
Hindi ko iyon pinansin at ang mga titig ng mga tao sa loob ng jeep. Hinubad ko ang jacket at mask ko kasama ang cap. Nilagay ko iyon sa nakita kong paper bag na walang laman sa jeep.
Nilugay ko rin ang aking buhok at sinuklay iyon gamit ang kamay. Ang bawat kilos ko ay mabilis. Nang mapadaan sa isang Mall ay bumaba agad ako at pumasok doon kahit umuulan na.
Nilalamig man ay pumasok ako sa elevator papunta sa third floor ng Mall. Nang makitang sinehan iyon ay dumiretso ako sa comfort room at nagkulong isang cubicle.
Pinunasan ko gamit ang tissue ang braso kong nabasa ng ulan. At nang lumabas ako ay hindi ko na dala ang paper bag. Itinapon ko na iyon sa basurahan.
Hindi ko naman talaga balak pumunta sa Mall pero naisipan ko na ring maggrocery. Bibilhin ko nalang siguro ang ibang kailangan sa kusina.
Tulak tulak ang cart ay pumunta ako sa meat section. Naalala kong papalitan ko ang ibang ginamit ko sa kusina. Bumili na rin ako ng ibang gulay.
Nang maalalang naubusan na ako ng lotion at sabon ay pumunta ako sa Hygiene section. Busy ako sa pagsuri ng isang product nang may tumawag sa akin.
"Lilibeth." Lumapit sa akin si Sir Kian. May tulak rin siyang cart. "Nandito ka rin pala."
Binaba ko ang sabon na hawak. "Opo. Naisipan kong maggrocery dahil maaga akong umuwi galing trabaho."
Niyuko niya ang matangkad niyang katawan para umabot ng mouth wash sa hilera ng mga ito.
"Ganun ba. Uuwi kana ba pagkatapos mo?"
"Opo."
Ngumiti siya. Kinamot ang likod ng batok. "Pwede bang tanggalin mo na iyong 'po' at 'opo' mo kapag tayong dalawa lang?"
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...