Kabanata 30

14 5 0
                                    

Sa muling pagdilat ko, ang puting kisame ang bumungad sa akin. Ilang minuto akong nakatulala. Walang laman ang isipan. Kung hindi ko lang nakita ang nakakabit na IV sa akin ay iisipin kong nasa langit na ako.

Dahan dahan akonh umupo at nilibot ang tingin sa loob ng hospital room. May nakita pa akong TV at sofa sa di kalayuan. At ang ginang na nakaupo. Hindi ito pamilyar sa akin kaya kataka taka talaga. Bantay ko ba ito? Saang hospital ba ako naroon?

"E-excuse me?" Napahawak ako sa leeg nang makaramdam ng malat at uhaw.

Nilingon ako ng ginang at agad lumapit sa akin. Sa hula ko ay nasa fifties na ang edad. Maputi at maganda pa rin. May katangkaran ito at sakto lang ang katawan.

"Are you okay? What the problem?" May pag-aalala sa kanyang boses. Umiling ako.

"Wala po. Nauuhaw lang po." Sabay hawak muli sa aking leeg. Tuyo ang lalamunan ko.

Mabilis na kumuha ng tubig ang ginang at inabot sa akin. Agad ko naman ininom iyon.

"May gusto kapa bang hingin? Ayos kalang ba? Gusto mo tumawag ako ng nurse o doctor?" Sunod sunod niyang tanong. Mukha siyang hindi mapalagay.

Binaba ko  ang baso sa malapit na table at umiling. Okay naman na ako. Nagtataka lang kung nasaan at paano ako napunga sa hospital? Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid sa factory.

"Hindi na po. Okay na po ako. Ano pong nangyari? Bakit nandito ako?" Naguguluhang tanong ko.

Huminga ang ginang at ngumiti sa akin ng malamyos. Minasdan muna niya ako at tila kinakabisa ang mukha ko.

"Ako nga pala si Santrana Gimeno. Ang mother ni Sandra." Pakilala niya at inabot ang kanang kamay.

Nagulat ako roon. Doon ko lang nakita ang pagkakahawig nila ni Ate Sandra. Bakit nakalimutan ko iyon? Naaalala ko na may pinakita rin sa akin si Ate na larawan ng pamilya niya ngunit sa tagal na hindi ko ginagalaw ang kanyang mga naiwang gamit ay nawala na sa isip ko ang mga magulang niya.

"Ho? Bakit? A-anong—"

Hinawakan ako sa kamay ng ginang. Ang masayang mukha nito ay nabahiran ng luha ngunit may ngiti pa rin.

"Alam ko. Sinabi na sa akin ni Juan ang lahat. Alam ko ring kaibigan ka ng anak ko at... Ikaw ang nagpumilit na makuha namin ang hustisya para sa... anak ko." Pumiyok ang boses nito at tuluyan ng humagulgol.

Sobrang emosyonal ang tagpo. Hindi ko namalayan na naiyak na rin ako. Ang makita ang magulang ni Ate Sandra ay napakasakit. Bakit ako napagbigyan ng pagkakataong makita ito? Bakit hindi si Ate Sandra? Ito naman ang anak nito. Kaya bakit ako?

Kung tutuusin, dapat ay siya nalang ang nakaligtas noon. Dahil siya, may pamilya pang uuwian ngunit ako ay wala na. Kaya bakit ako?

"Kaya nagpapasalamat ako sayo. Dahil sa wakas, matatahimik na ang anak ko." Emosyonal niya akong niyakap ng mahigpit at tinapik tapik ang aking likod.

Sa nakalipas na taon, may pagkakataon na sinisisi ko ang sarili sa pagkawala ni Ate Sandra at Tito Arnold. Pero kahit anong gawin kong pagsisisi ay hindi ko na sila maibabalik. Kaya bakit siya nagpapasalamat sa akin kahit na hindi ko nailigtas ang anak nya?

"Patawarin nyo po ako. H-hindi ko nailigtas ang anak nyo.... Si Ate Sandra." Ang sakit na nasa dibdib ko ay tila binubuhusan muli ng asin at pinapahapdi ito muli sa mas masakit na paraan.

Umiling ito. "Hindi. Wala kang kasalanan, Hija. Walang dapat sisihin dito kundi ang may sala at kapalaran." Aniya sa akin habang tinitignan niya ako sa mata. Napaiwas ako. Hindi ko kaya.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon