Kabanata 6

22 6 0
                                    

Madaling magpakita ng katangian sa isang tao pero hindi alam nang lahat kung totoo ba iyon.

Humigop ako sa straw ng milktea ko at tinignan ang mga taong naglalakad sa labas ng café.

Dumaan muna ako sa café ni Lorene dahil linggo. Galing akong mall at bumili ng regalo para sa anak ni Patricia.

"Oy, labas! Bawal ang kalaban dito!" Si Lorene.

Nakapamaywang siya nang balingan ko. Kunot ang noong nakatingin sa iniinom ko.

"At talagang dito mo pa ininom iyan." Irap niya at umupo sa harap ko.

Natawa ako. "Sorry. Nauhaw kasi ako kanina kaya hindi na ako nakaabot dito. Masarap naman. Try mo."

Umikot pang muli ang mata niya dahil sa huling sinabi ko.

Naiinis kasi siya sa ilang costumer na pumapasok sa café niya para lang makiupo lang daw at ininom ang produkto ng iba sa loob ng pamamay-ari niya.

Kaya pati sa akin, naiinis na rin.

"So, kamusta ang trabaho?" pang-iiba niya ng usapan.

Umupo ako ng tuwid at nagkibit balikat.

"Ayos lang. Nakakapagod rin pero ang dami kong natututunan." Sabay higop ng milktea.

Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin.

"Marami ka talagang matutunan! Gwapo naman kasi ng guro." Humahighik siya.

Ako naman ang umirap sabay iling ng ulo. Wala na yatang napapansin ang isang ito kundi ang gwapo.

"Sira."

"Naku... Kunwari pa siya. Alam ko namang nagagwapuhan ka rin sa Boss mo."

Kinurot pa niya ang braso ko kaya iniwas ko iyon sa kanya. Ang brutal.

Umiling akong muli. "Puro gwapo ang bukang bibig mo. Nand'yan naman si Lino, oh." Tinuro ko si Lino sa counter na busy yata dahil nakayuko ang ulo. " Siya nalang titigan mo."

Saglit siyang bumaling roon pero binalik agad sa akin ang mata.

"Tsk! Tigilan mo ako. Ang sabihin mo, ayaw mo lang maagawan." Umismid siya.

Tumawa ako. Kinuha ko ang bag at ang mga binili ko. Bukod kasi sa regalo para sa anak ni Patricia, bumili rin ako ng para kay Lawrence.

"Uuwi kana?" Tanong niya.

"Oo. Baka masakal mo pa ako kapag tumagal ako rito. Hindi pa naman ubos 'tong milktae na binili ko." Pinagdiinan ko ang huling sinabi.

Sumunod siya sa akin. May ilang costumer akong napansin, puro magkakasintahan pa yata.

"Tagalang sasakalin kita. Pero sige, hindi muna sa ngayon." Aniya.

"Thank you," nginitian ko siya ng mapang-asar.

"Ang aga pa, uuwi kana agad?" bulong bulong niya.

Nasisiraan na yata ng ulo ang isang ito. Bakit hindi niya kausapin si Lino nang hindi siya masiraan?

"Baka hinahanap na ako ni Lawrence. Sabi ko pa naman, saglit lang ako." Dahilan ko. Totoong sinabi kong saglit lang ako. Linggo kaya dapat, sinusulit ang oras. Para hindi na rin ako maabala sa susunod. Dumaan na rin ako dito para makimusta.

Mukha namang maayos dito. Halata naman kay Lorene. Kahit anong banggit ko ng pangalan ni Lino, hindi siya nagrereact ng malala.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga pag-usapan ang gwapo mong boss." Habol pa niya nang nasa glass door na ako.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon