Kabanata 24

16 5 0
                                    

Hindi ko maitago ang hanga sa nakikita. Ang laki ng kanyang banyo. Ganito yata kalaki ang loob ng silid namin sa ampunan. Unang beses ko palang makapasok sa isang mamahaling condo.

Kahit hindi ko alam kung paano maligo ang mayayaman, nilublob ko ang katawan sa bathtub hanggang ulo ko nalang ang matira. Ipinikit ko ang mata at huminga ng maayos.

Habang ganun ay bumabalik ang nangyari sa akin ngayon buong araw. Mula sa pagpunta ko sa bahay ng mga Rivera, pag-uwi sa ampunan hanggang sa dalhin ako ni Uno doon sa Buenaventura Property. Masaya na sana pero dahil sa nangyari ay para iyong bulang naglaho.

Totoo nga ang sakabihang, may kapalit ang bawat saya. Hindi ko inasahang ganun kadali babawiin iyon. Ang bilis.

Umahon agad ako sa bathtub. Maginhawa naman na ang pakiramdam ko. Nagshower at kinuskos ng maayos ang katawan. Nagbabakasakaling mawawala noon ang mga alaala ko kanina. Pero hindi napawi. Naroon pa rin.

Matapos noon ay binalot ko ang sarili sa isang bathrobe dahil wala akong dalang damit kahit isa. Hindi ko naman inasahang magkakaganito.

Binalot ko muna ang buhok ko sa isang towel at piniga roon. Tapos at sinuklay ng kamay. Mabuti wala nang tumutulong tubig. Nakakahiya kung magkakalat ako.

Tinali ko ng maayos ang bathrobe sa baywang at lumabas. Naabutan kong nakaupo si Uno sa paanan ng kama at nakatalikod sa akin. Siguro ay narinig ang ingay ko kaya lumingon rin agad.

Bago rin siyang ligo. Nakasuot ng sleeveless shirt na gray and boxer na itim. Kita ang dibdib niya sa tagiliran nang tumayo ito at lumapit sa akin.

Nilagay ko ang parehong kamay sa likod ko at nahihiyang yumuko.

"Wala akong damit. Paano na? A-ahm."

Lumingon lingon ako. Ano bang hinahanap ko?

Dahil nakayuko ako, natatanaw ko ang kalahati ng katawan niya. Nasa harap ko siya! Shit. At, at kita ko yung ano niya. Yung malaki at maubok niya ano.

Napalunok ako at pilit na iniwas ang mata roon. Oh God! Nagkakasala ang mga mata ko. Kailangan kong magbuhos ng Holy water! Geez. Kung kinakailangan, ipampapaligo ko.

Hindi na ako makaatras nang hinapit niya ang baywang ko. At alam kong ayaw ring lumayo ng katawan ko sa kanya. Shit! Sorry talaga, Lord.

Dahan dahan niyang inangat ang aking baba. Ang mga mata ko ay nakapikit na.

"Open your eyes..." bulong niya.

Ang sexy niyang boses ay napasunod ang talukap ng aking mga mata. Diretso ito sa kanya na malamyos ang titig sa akin.

"B-bakit?"

Gumala ang mata niya. Minamasdan ang lahat ng sulok ng mukha ko. Mula sa noo, mata, ilong at nakarating sa labi. Nagtagal ang mata niya roon. Kinagat niya ang sariling labi at pinakawalan iyon. Namamasa at mapula. Nanatili ang mata ko roon.

Isang iglap ay nawala ang hiya ko at napalitan ng determinasyon. Para saan iyon, Lilibeth?

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako. Tinggap ko iyon at pumikit. Sobrang gaan ng kanyang labi sa akin. Hindi katulad ng mga nauna niyang halik sa akin. Kakaiba ito. Napakalambot at nakakahalina.

Nadala na niya ako kaya ginantihan ko siya ng halik katulad ng ginagawa niya. Kinokopya ko ang bawat galaw. Ninanamnam.

Gumalaw ang kanyang kamay at dahang dahang umakyat sa likod ng leeg ko. Napakapit ako sa kanyang damit nang idiin niya ako sa kanya. Unti unting nagiging agresibo ang kanyang galaw.

Then he entered his touge inside of my mouth and touch mine. Napaungol ako. May isip ang sarili kong dila at gumalaw at sinalubong ang kanya. Para silang nag-aaway. Sinusuyod ang bawat parte at nagpapalitan ng laway.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon