Kabanata 22

12 5 0
                                    

Marami akong natanto habang pinag-aaralan ang lahat ng suspetsa at mga hula. Para sa sarili, napagdudukto ko ang lahat.

Naalala ko noong nagtanong si Prescilla sa akin tungkol sa isang tao. And ang taong iyon naman ay kakaiba ang naging reaksyon nang makita si Prescilla.

Kung tama ang hula ko, magkakilala ang mga ito. Kaya nagdecide ako na magleave ng isang linggo. Hindi sang-ayon si Uno pero wala siyang magawa nang ipaliwanag ko kung para saan ang leave.

Pansamantala, ang pinsang lalaki muna ni Uno ang papalit sa pwesto ko. Fresh graduate iyon kaya mainam rin na siya ang kapalit ko muna para na rin magkaroon ito ng experience.

Hindi ako nagtagal sa paghihintay. This early morning, I messaged my former Professor. Sinabi kong gusto ko siyang makausap.

Nakangiting umupo sa harap ko si Kian. "Hi."

Nakasuot siya ng itim na polo shirt and jeans. Kilala ang Professor na ito dahil na rin popular siya sa University. Isang propesor at gwapong single ng campus. Naging guro ko siya noong nasa third year college ako. Masasabi kong mabait ito. Mukhang hindi gagawa ng kalokohan at kagaguhan.

Pero sabi nga, don't judge the books by it's cover. Malay natin, it's just a cover up.

"Why? Do I have—"

"May mga tanong ako." Putol ko sa sinasabi niya.

Ayoko ng mag-aksaya ng panahon. Sobra na ang anim na taon. Ayoko nang dagdagan pa.

"Oh. Okay. Ano iyon?" Kaswal na kaswal siyang kumilos.

"About—"

"—wait. Order lang ako." Aniya at iniwan ako sa table.

Sinundan ko siya ng tingin. I sighed. Sana lang ay wala siyang kinalaman. Hindi ko alam kung anong iisipin kung mayroon nga.

"Ano 'yun? Bakit si Sir Kian naman ngayon ang kasama mo?" Si Lorene. Kinurot pa ako sa tagiliran kaya napangiwi ako.

"May kailangan lang ako sa kanya. Huwag mong bigyang malisya."

"Sige. Hindi ko bibigyan ng malisya iyan pero yung nakita ko sa condo ko, ayun, bibigyan ko." Aniya at umirap sa akin tapos ay umalis na.

Napailing ako. Sakto naman at dumating na si Kian. Nilapag niya ang tea na order niya. Hinawakan ko iyon para madama ang init.

I hemmed and straight my pose.

"Magtanong kana. I'll try to answer." He smiled and sipped to his tea.

Ginaya ko siya. Sumimsim muna ako bago magsimula.

"Kilala mo ba si Prescilla Vineza?" Sugod ko.

Napatuwid at parang nahuli ko siya sa tanong ko. His eyes widen.

Hindi na kailangan ng pasikot sikot pa. Gusto ko nang marinig ang mga isasagot niya. I want to know everything. May parte sa akin na sana mali ang mga napapansin at nahihinuha ko.

"H-huh?"

"Uulitin ko. Kilala mo ba si Prescilla Vineza?" Tanong ko muli.

Bahagyang bumuka ang kanyang labi. Gulat ang mata at tulala. Gusto kong hampasin ang lamesang nakapagitan sa amin.

He bowed his head. Ayaw ipakita ang kanyang mga mata. Guilty ba siya? May alam ba talaga siya katulad ng iniisip ko?

"Not that much but yes. Why?" Mahinahon niyang tanong.

I knew it!

Ang dalawang tenga ko ay umalerto. Lahat ng sasabihin niya ay kailangan kong tandaan. Walang pwedeng maiwan na salita.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon