Kabanata 18

12 5 0
                                    

Paikot ikot ako sa table ko. Hindi ako mapalagay. Nagpagulo ang kinilos ni Klea kanina sa office. Sure ako. May ginalaw siya sa mga gamit sa loob.

Ano kaya iyon? Kakaiba talaga. Ano kayang ginawa niya?

Napatingin ako sa wall clock. Hindi ko namalayan ang oras. Alas dos na pala. Kinuha ko ang phone ko. Walang text.

Bakit ang tagal ng Boss ko? Saan ba niya hinatid ang kaibigan niya? Sa America? Lalo tuloy akong hindi mapakali. Ano kayang ginagawa nila? Bakit ba kasi ang tagal?

Hindi na ako nakatiis dinaial ang numero ng Boss ko. Lagot ka! May meeting kapa kaya! Nasaan kana ba? Kainis.

Napatigil ako sa ginagawa nang bumukas ang double door. Aba. Ang magaling kong Boss ngayon lang dumating.

Gustong gusto kong siyang tanungi ng, saan ka galing? Bakit ang tagal mo? Anong ginawa n'yo ng kaibagan mo? Ha? Pero umiling nalang ako. Anong karapatan kong magtanong? Tsk. Secretary ako. Hindi asawa.

Umayos ako ng upo at humarap sa computer. "Good afternoon, Sir."

Gusto kong umirap. Ang plastik ko dun, ah?

"Good afternoon."

Napairap na nga ako nang lumampasa siya sa akin. Ano? Ganun nalang talaga? Wala ng explanation na magaganap?

"Sumunod ka sa akin." Aniya at iniwang bukas ang pinto niya.

Nagdadabog na sumunod ako. Inayos ko rin ang nakabusangot kong mukha.

Pagpasok ko ay agad niya akong inatake ng tanong.

"Kumain kana ba?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit ka nagtatanong?

"Hmmm?"

Tumikhim ako. "Nakalimutan ko. Maraming trabaho, Sir. But I'm okay."

Akala mo, ha? Ipapaalala ko talaga sayo na marami kang trabaho dito at nagawa mo pang maging driver sa kaibigan mo. Buti sana kung kumikita siya doon.

Nagsalubong ang kilay niya. Oh? Inis ka? Inis rin ako!

Bumulong bulong pa ito. Hindi ko naman marinig. Tumayo siya at nilapitan ako. Aatras sana ako kaso nahawakan na niya ang braso ko at hinatak ako sa sofa.

Pinaupo niya ako. Binaba niya ang isang lunch na binili ko kanina.

Huh? Meron pa nito? Hindi ko napansing may hawak siyang pagkain. Saan niya ito tinagago? At hindi siya kumain?

"Kain kana." Nilahad nito ang pagkaing nasa harap.

Umiling ako. "Di na. Ikaw nalang, Sir. Hindi pa ako gutom."

Tumayo ako. Anong akala niya sa akin? Mawawala ang inis ko dahil sa pagkain?

Tumalikod ako. Handa na para lumabas nang hawakan niya ako sa kamay at hinatak na naman at mapaupo sa hita niya.

Naman, oh. Bakit ang hilig manghatak ng isang 'to?

Kumabog ang dibdib ko. Napatingala ako sa kanya. Ang lapit ng mukha niya sa akin at nalalanghap ako ang mabangong hininga niya.

Ang unfair. Ang bango ng hininga nito.

Umupo ako ng maayos. Nakatagilid ako sa kanya. Ang kamay niya ay nakapalupot sa tiyan ko. Sinubukan kong tumayo. Hindi niya ako pinakawalan.

"Sir, tatayo ako." Naiinis kong sabi.

Hinigpitan niya ang hawak sa akin. "Yeah."

Pero hindi niya ako binitawan. "Bitaw." Mariin na ang boses ko.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon