“One latte and americano,” bungad ko kay Lorene.Pahapon na at medyo marami na ang costumer kapag ganung oras.
Tumabi ako sa counter para kung sakaling may oorder ay madali ko iyon mapupuntahan. Simpleng puting polo shirt at black jeans na pinatungan ng isang itim na apron ang buong suot ko. Sunod sa kailangang isuot sa café. Ang buhok ko ay nakabun at nakahair net para walang bumagsak na kahit isang hibla ng buhok.
Pinasadahan ko ng kamay ang apron habang hinihintay ang order. Sabay nang pagbukas ng pinto ang nagtawag na costumer. Mabilis akong tumalina sa roon.
“Yes, ma'am?” ngumiti ako ng konti at pinagmasdan ang table nila. Hinahanap ang mali o kulang sa unang order nila. Napansin ko yung tapong kape sa lamesa.
“Pwede mo bang linisin?” tinuro ang lamesa, “ 'Tsaka pahingi ng tissue.” Nahihiyang yumuko siya at sumimangot sa damit at brasong nabasa ng kape.
Napawi ang kaunting ngiti ko ng pagmasdan ko siya. Mahinhin. Katulad ng isang taong kakilala ko.
Huminga ako at pinilit muling ngumiti, “Sige po.”
Pumunta ako sa counter at sinabi ang request. Pero ang isipan ko, lumilipad sa isang tao.
Dahil sa tuwing nakakakita ako ng babaeng mahinhin, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko.
“Huy!” untag ni Lorene. Nilagay niya sa tray ang tissue. Kinuha ko iyon at mabilis na binigay sa nanghingi.
Binigyan ako ng wirdong tingin ni Lorene pagkabalik ko sa kanya.
“Napano ka?”
Umiling ako at umalerto sa paligid. Pero hindi siguro mapatahimik ang kaluluwa niya dahil dinaldal niya ako.
“Alam mo, feeling ko, ang dami mong sikreto.” seryosong sabi niya na nagpalingon sa akin.
“Paano mo naman nasabi 'yan?” natawa ako.
“Kasi ang tahimik mo?” kunot nuo niyang tanong. Ang mga braso niya ay pinatong sa counter at ginamit ang kanang kamay para ipatong ang baba.
Umiling ako. Ang chubby at mapulang labi ang unang mapapansin sa kanya.
“Dahil tahimik ako, marami ng sikreto? Hindi ba pwedeng tinatamad lang ako magsalita?” binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin.
Ngumiwi siya. Natawa ako ng malukot ang cute niyang mukha. Sarap kurutin.
“E! Basta. May something talaga...” pinanliitan niya ako ng tingin.
“Walang something sa akin,” kaswal kong sagot.
Pinanliitan pa niya ako ng tingin at umuling iling na tila hindi naniniwala.
Sa tagal kong pagtatrabaho kay Lorene, ni minsan, hindi ako nagkwento ng kahit ano bukod sa ibang bagay na alam kong malalaman rin naman niya kalaunan.
Nakilala ko siya noon sa school na pinapasukan ko. Bulakbol siya ng mga panahon na iyon at palaging cutting sa klase. Magkaklase kami kaya naging close nung minsang naging group sa isang research. Pero hindi nagtagal, huminto rin siya nung tinamad na raw at mamanahin nalang ang café ng mama niya.
At iyon nga, simula nung siya na ang humawak ng café, kinuha niya ako para magpart time. Kailangang kailangan ko rin kasi ng pera noon at ang natirang pera ay hindi na kakasya sa mga gastusin.
Naalala ko iyong mga panahong bago pa ako magpart time. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mabuti nalang at nadoon ang orphanage na kumupkop sa amin. Kung hindi nila kami tinulungan, baka nagpalaboy laboy na kami.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...