Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa nang malaman kong hiring ang company nila.Maraming bumabagabag sa isip ko. Katulad ng, paano kung kabahan ako at hindi makuha? Paano kung pangunahan ako ng takot?
Kinagat ko ang labi. Alas quatro palang ng madaling araw. Masyado akong maaga para sa alas nuebeng oras ng interview.
Winala ko ang lahat ng mga bumabagabag sa akin at tumayo na.
Nag-email na rin naman ako sa company dahil kailangan iyon. Wala ng atrasa iyon.
Naghanda na agad ako pagdating ng ala sais. Noong sabado at linggo ay ginugol ko sa pag-aayos ng mga kakailanganing requirements buong panahon ko.
Pinili ko ang isang black cotton long sleeve at skirt above the knee. Pinarisan ko iyon ng hindi kataasang black heels.
Naligo muna ako bago hinalikan sa noo si Lawrence at lumabas. Dumiretso ako sa kusina para tumulong sa paghahanda ng agahan ng mga bata.
"Di'ba may interview ka?" ani Mother Minda. Naghuhugas siya ng bigas sa lababo.
"Opo," sagot ko.
"Bakit hindi kapa nakahanda?" ang paningin niya ay nasa hinuhugasang bigas.
Nagkibit balikat ako kahit medyo kinabahan nang marinig ang tungkol sa interview. "Mamayang nine pa naman po iyon."
Tumango siya at sinalang na sa stove ang malaking kaldero.
Ang sipag talaga ni Mother Minda. Hindi naman talaga siya ang toka sa pagluluto pero pinipilit talaga niyang gumising ng maaga para makapagluto.
"Ganoon ba?" pinunas niya ang kamay sa apron at humarap sa akin. "Buti pinayagan ka ng kaibigan mo?"
"Oo nga po. Naiintindihan naman po niya ang dahilan ko," kinagat ko ang pang ibabang labi at umiwas ng tingin.
Nagpaalam ako kay Lorene noong gabing sinabi sa akin ni Prescilla ang tungkol sa paghahanap ng bagong kapalit niya. Hindi iyon agad naintindihan ni Lorene. Hindi agad siya pumayag dahil wala akong maibigay na paliwanag noong una kaya napilitan akong magsinungaling para lang payagan.
Dinahilan kong may balak akong magtayo ng maliit na business para kay Lawrence. At balak ring lumipat sa maliit na space. Which is half true. Alam naman niya kung saan kami nakatira.
Hindi naman ganoong kalakihan ang sahod ko sa kanya kaya alam niyang hindi ko magagawang magtayo ng business at lumipat agad. Kaya sa huli, pinayagan rin niya ako at sinabihan na huwag nalang siyang kakalimutang daanan sa café.
"Napakabait talaga ng isang iyon, ano? Puro kalokohan nga lang ang alam minsan," natatawang umiling siya at lumapit sa basket ng bawang at sibuyas.
Tumulong na rin ako at lumapit sa refrigerator. Naglabas ako ng mga ingredients. Pagkatapos ay nagtimpla muna ako ng kape bago simulang hiwain ang mga sangkap.
"Sinabi mo pa Mother," gatol ko.
Tumawa lang siya. Siguro may naalalang kabalbalan ni Lorene.
Tinulungan kong ihanda ang lahat ng ingredients hanggang dumating si Manang Esme. Siya na ang nagtulo ng iuulam ng mga bata.
Marunong naman akong magluto pero hindi ko masyadong ginagamit dahil madalas ay busy ako at hindi rin pinapagawa sa kusina. Konting tulong nalang ang nagagawa ko.
"Puntahan ko lang po si Lawrence. Baka gising na," paalam ko sa mga matatanda.
"O siya," tango ni Mother.
Bumalik ako sa kwarto. Nang pihitin ko ang seradura pabukas ay nagulat ako dahil tumakbo si Lawrence sa akin at mahigpit na yumakap.
"Akala ko umalis ka po ngayon. Monday po kasi," sumimangot siya at humigpit pa ang yakap sa baywang ko.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...