Kabanata 25

11 5 0
                                    

Maagang pumunta si Detective Duran sa condo ni Uno. Hindi ko inasahan iyon. Mabuti nalang may suot na akong brassiere. Pinabili daw iyon sa secretary ni Rondrick.

Nasa kusina ako at naghahanda ng almusal. Sa dinning room na rin nagpunata ang mga bagong dating dahil inanyayahan sila ni Uno. Sakto naman na medyo naparami ang luto kong kanin. Nagdagdag nalang ako ng ulam.

Magkakaharap kami sa dinning. Walang nangahas na gumalaw ng pagkain. Hinanda ko pa naman iyon. Uunahin siguro ang pag-uusap.

"Uulitin ko, Miss Estrella. May kakaiba kabang napansin nitong nakaraang araw o linggo?" Aniya at hindi manlang pinansin ang niluto ko.

"Meron." Sagot ko. Tumingin ako kay Uno.

Umayos ng upo ang Detective. Ang isang kasama naman ay napaangat ang ulo sa akin. Ang katabi ko naman ay gulat na nakatitig sa akin.

"Kailan? Saan?" Sunod na tanong ng kaharap.

"Noong Death Anniversary ni Ate Sandra."

I know someone after me that day. Iyong kabang naramdaman ko noon ay iyong kabang naramdaman ko rin anim na taon na ang nakakalipas. Wala akong evidence na nagsasabi ako ng totoo pero hindi magsisinungaling ang sarili ko.

Kung makikita ko lang ang CCTVs noong araw na iyon ay pwede kong gawing batayan ngunit hindi pa rin dahil hindi ako sigurado kung doon rin dumaan ang taong sumusunod o nagmamasid sa akin.

"Tapos?" Kunot ang noo ng may edad na Detective.

"Nagpunta akong cemetery para dalawin siya. Noong araw na iyon, pakiramdam ko, may nakamasid sa akin." Inalala ko iyong araw na iyon.

"And then, anong nangyari? Nakilala mo ba? Nakita mo ba ang mukha?" Seryoso niyang tanong.

Lumingon ako sa katabi. Sinabi ko ang lahat ng ginawa ko nang araw na iyon. Iyong sumakay ako ng jeep at nagpunta ng Mall. Pero hindi naman nila gagamiting batayan ang naramdaman ko lang.

"Hmmm... so, pakiramdam mo nga na may sumusunod sayo." Tumango ito. Ang katabi naman niyang pulis ay busy sa kung anong sinusulat.

"Iyan lang ba ang napansin mo?" Dagdag pa niya.

"Marami." Alinlangan kong amin at tumikhim.

Hindi na yata nakatiis ang katabi ko kaya hinawakan ako sa braso. Gulat at galit siyang hinarap ako.

"What do you mean? Na matagal ka nang nakakapansin ng mga kakaibang bagay at hindi mo man lang sinasabi sa akin?" Galit niyang tanong.

I bite my lips. Paano ko sasabihin sa kanya noon kung hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi? Masisisi ba niya ako na naghinala ako sa kanya at nagtago ng sikreto?

Kung puro puso ang ginamit ko, siguro nga'y sinabi ko na sa kanya dahil hindi ko kayang magtago ng lihim sa kanya. Pero hindi, ginamit ko muna ang isip ko. Bakit ko sasabihin ang mga napapansin ko kung wala akong tiwala sa kanya?

"Ano ang mga iyon? Pwede mo bang sabihin?" Tanong ng kaharap. Hindi pinansin ang mga tanong katabi ko.

"Sa Office." Amin ko.

"Ang meron sa office ko? The cameras?" Si Uno. Parang natauhan pero ayaw bitawan ang braso ko.

Tumango ako. Pero natigilan rin agad. Shit! 'Yung videos! Hindi nila pwedeng makita iyon.

Napatikhim ako. Hindi mapakaling bumaling sa mga bisita.

"A-ah. Nag installed ako ng cameras para makita ang reaksyon ng mga kaibigan ni Sir Uno kapag nakita ang gamit ni Ate Sandra." Niyukom ko ang kamay. Hindi kasi iyon mapakali!

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon