Kabanata 28

13 6 0
                                    

Kung hindi ako tinext ni Israel na hindi ko alam kung saan nakuha ang phone number ko, makakalimutan ko na sana ang kasal nito. Mabuti nalang magaling na si Lawrence. Ilang araw na rin akong  occupied ng anak. Talagang sinulit ko ang bawat oras. Marami kaming activities na ginawa. Tinulungan ko rin siya sa namiss niyang klase.

Nagpapasalamat na lang ako na may nagpadala ng damit para sa akin. Puti iyong dress. Lampas hanggang tuhod ang haba. Simple pero ang ganda. Alam kong galing iyon kay Uno kaya hindi na ako nagtanong.

"Saan ka pupunta, Mama?" Si Lawrence. Nakaupo siya sa kama at pinapanuod ang pag-aayos ko.

"Hmmm? Sa kasal ng kaibigan ng Boss ko." Sinilip ko siya sa salamin bago maglagay ng powder sa mukha.

"Kasal? Maganda ba dun?" Aniya at tutok sa akin ang mata. Natawa ako.

" Opo. Doon kasi nangangako ang dalawang nagmamahalan. At para tumibay ang kanilang pagsasama, nagpapakasal sila sa harap ng Diyos." Paliwanag ko. Ang labi ko naman ang nilagyan ng kaunting lipstick. Ayoko ng makapal.

"Wow. Pwede po bang sumama?" Lumapit siya sa akin. Nilapag ko muna ang mga ginamit bago siya hinarap at niyakap.

"Hindi yata pwede, anak." Hindi siguradong sagot ko. Hindi ko rin iyon tinanong kay Israel dahil nahihiya ako. 'Tsaka hindi naman ako magtatagal roon. Magpalakita lang ako.

"Ganun? E, kailan po kayo ikakasal? Para makapunta na po ako doon?" Tanong niya nagpatigil sa akin at halos masamid sa tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot kaya nagsuklay nalang ako.

"Mama?" Tawag niya.

Tumikhim ako. "Ahm, hindi pa...ako ikakasal, anak."

"Sayang naman po." Sabi niya at mukha ngang dismayado.

Nang lumabas si Lawrence, sumunod na rin sako. Hinatid ko naman ito sa mga kalaro at nangako akong bibilhan ito ng pasalubong. Paglabas ko, naroon na si Uno. Mabilis akong pumasok at hinalikan sa labi ang binata. Tapos pinagmasdan niya ako.

Umayos ako ng upo sa harap niya. Pinakita ang damit na pinadala.

"Bagay sayo." Nasisiyahang sambit nito.

Biglang pumasok sa isip ko iyong tinanong ni Lawrence kanina. Pero inalis ko rin iyon at ngumiti sa kanya.

"Thank you." Sagot ko.

Habang nasa byahe ay magkahawak kamay namin. Ngayon ko lang narealize na ang clingy ng Boss ko. Paminsan minsan ay hinahalikan niya ang likod ng aking kamay. Tinatago ko nalang ang kilig.

Nang makarating ako sa simbahan, na hindi naman kalayuan, hindi ako pumantay ng lakad sa kanya habang papasok. Nagtatanong na tinignan niya ako. Bakas sa mukha nito ang hindi nagustuhan sa ginawa ko. Umiling ako. Binigyan siya ng kakaibang tingin. Doon palang yata niya naintindihan ang gusto kong iparating pero ang inis sa mukha ay hindi nawala. Kailangan naming magtiis na magkahiwalay papasok.

Habang naglalakad kami ay may ilang tumatawag kay Uno. Hindi naman ito binalingan ng Boss ko na bakas pa rin ang inis at iritasyon sa mukha. Lihim akong natawa. Ang gwapo ng Boss ko kapag naiinis. Dapat dalasan ko pang iinis.

Pagtungtong sa dulo ng hagdan at papasok na ng simbahan, hindi ako nilingon ng binata nang makarating sila sa dulo at kailangan na naming maghiwalay. Humilera ako sa mga kababaihan na naroon.

Napansin ko ang groom. Naroon na ang best man nitong si Rondrick at busy sa phone. Ang kaibigan naman nila ay tumabi sa ilang kalalakihan sa harap.

Nang magsimula ang kasal, ang malamyos na musika ang bumalot sa buong simbahan. Pinanoud ko ang paglalakad ng mga bata sa pulang carpet. Nangingiti ako sa mga may partner. Ang cute. Sumunod naman ang mga dalagita at mga dalaga. Parang magical ang ganap.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon