Hindi ako mapakali sa loob ng kotse habang papunta sa Orphanage. Kung pwede nga lang liparin iyon ay kanina ko pa ginawa. Lalo pa akong nafrustrate nang nastock kami sa traffic. Ang kamay ko ay hindi mapakali sa isang lugar.
Napansin yata iyon ni Uno kaya sandali siyang lumingon sa akin bago pausarin ang kotse.
"Relax. Makakarating tayo dun." Pinapakalma niya ako gamit ang kanang kamay sa tuwing hindi ito ginagamit sa gear stick.
Tumango ako. Pinilit kong huminahon at pakalmahin ang sarili. Sa isip ko ay inisa isa ko na ang mga gagawin pagdating sa ampunan. Nang umusad na ang sasakyan ay nagpasalamat nagpasalamat ako. Humiling rin ako na sana ay hindi ganun kalala ang sakit ng anak ko.
Nang makarating nga kami roon ay tinakbo ko na ang pagitan ng kotse at gate ng ampunan. Naroon si Mother Minda at tila hinihintay ang pagdating ko. Humahangos na lumapit ako at nag-aalalang nagtanong.
"Nasaan po siya?"
Hinawakan niya ako sa balikat at inayos ang nagulo kong buhok. "Huminahon ka. Nasa kwarto n'yo siya. Ayaw niyang lumabas nitong mga nakaraang wala ka. Palagi ka sa akin hinahanap." Aniya habang naglalakad kami papasok.
Kinain ako ng konsensya dahil roon. Ako ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sakit ang anak ko. Nagiguilty ako. Sa halip na pasayahin siya sa piling ko ay nagkaganito siya. Kung sana ay umuwi agad ako.
Mabilis akong pumasok sa kwarto at tinakbo ang bata nang makarating sa kwarto. Nakapikit ito at nang salatin ko ang noo ay mainit nga. Balot na balot rin ito ng kumot. Nilalamig siya. Malalim rin ang kanyang paghinga. Namumula ang mga pisngi at bahagyang nanuyo ang labi. Napapikit ako at niyakap siya.
"Lawrence..." Bulong ko. Dahilan nang paggalawa ng bata at sumiwang ang talukap ng mata.
" M-mama?" Mahina rin ang kanyang boses.
"Nandito na si Mama." Hindi ko maitago ang pag-aalala. Hinaplos ko ang noo niya at niyakap muli.
Ngumiti lang siya bahagya at nakatulog na sa tabi ko. Ang nakita kong palanggana na may bimpo ay ginamit para punasan ang mukha ng niya at braso. Hindi man lang nagising dahil roon.. Malalim pa rin ang paghinga pero panatag na ako dahil mababantayan ko na siya.
Napasinghot ako. Sinisisi ang sarili dahil sa pagkakasakit ng anak ko. Kung sana ay umuwi agad ako.. Balewala na ang kaligtasan ko basta makasama lang niya ang anak. Hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari ito.
At tuluyan na nga ako naiyak ng marealize kong malapit na siyang mawalay sa akin. Alam kong papalapit na iyon. At nagagalit ako sa sarili ko. Sa halip na sulitin ko ang mga araw kasama ito ay sa iba ko nailalaan ang oras. Sa lahat, si Lawrence ang una. Pero dahil sa kagustuhan kong makahanap ng hustisya ay nawawalan na ako ng oras sa kanya. Hindi ko man lang natanong kung anong opinion niya sa mga naging desisyon ko.
"Tahan na. Gagaling naman ang anak mo. Bumaba na ang lagnat niya hindi katulad kaninang ala sais." Anang Madre nang lumabas ako sa kwarto at nakitang ganun ang itsura ko.
"Salamat po, Mother. Hindi ko po alam ang gagawin ko kung wala kayo." Nahihiyang ngumiti ako at pinahid ang luha.
"Wala iyon. Tungkulin ko ang alagaan ang lahat ng bata dito sa Angel's Orphanage." Gumanti siya ng ngiti at inaya ako sa kusina para magluto.
Hanggang sumapit ang tanghali, hindi ako umalis aa tabi ng anak para mabantayan ito. Maya't maya ko itong pinupunasan hanggang bumaba na ang lagnat at nang magising ay pinakain ko.
Maginhawa na ang kanyang itusura at bumaba na ang lagnat.
"Saan ka po galing, Mama?" Malat ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...