Sunday came. Inuna kong bihisan si Lawrence. Simpleng navy blue polo shirt and jeans ang suot niya. Then black shoes.
Ngayon ang birthday ng anak ni Patricia. And katulad nga ng paulit ulit niyang bilin, isasama ko si Lawrence. Wala rin naman itong pasok kaya okay lang.
"Ang pogi." Puri ko. Inayos ko ang collar ng kaniyang polo.
He just smiled and fixed his shoes.
"Dito kalang muna. Ako naman ang mag-aayos." Bilin ko.
He nodded.
Nakaligo na ako. Kailangan ko nalang idry ang buhok. Medyo mahirap pa naman iyong gawin dahil sa haba at kapal. Magpagupit na kaya ako?
Mabilis kong binawi ang naisip. No. Hindi pwede. Kung papagupitan ko man, dapat ay hindi malaki ang mawawala.
Plain peach pink v neck long sleeve ang suot ko. Wala itong beads. Then fitted fade jeans sa pang ibaba. Tinuck in ko ang pang itaas sa jeans. No need for a waist belt. Fit naman siya. And just a flat footwear.
Then I put some powder on my face. Liptin and a little bit fixed my brows. Hindi ko tinali ang buhok ko. Hindi pa naman siya ganun ka tiyo. Magbabaon nalang ako ng pantali kung sakaling mainitan ako.
Pagdating ng ten a.m, ready to go na kami. Nagpaalam muna kami kay Mother Minda. Ilang payo pa muna ang binilin niya bago kami pawalan.
Sa labas, nagulat ako. Suot ang itim na polo shirt and jeans. Nakasandal ang magaling kong Boss.
Anong ginagawa nito dito?
Hinawakan ko si Lawrence sa kamay at nilapitan ang Boss ko. He just stared at the kid. Like he's examining who it is?
"Sir? Anong ginagawa mo dito?"
Binalik ko sa pagkakalock ang gate.
Tumayo siya ng maayos. Nakadungaw pa rin sa bata.
"Call me Uno when we are outside." Aniya.
Hindi ko iyon pinansin.
"Anong ginagaw mo dito?"
Lumingon ako sa paligid. Naghahanap ng masasakyan. Linggo ngayon. Medyo kaunti ang pumapasada kapag ganitong araw.
"I heard you are going in a party today. So i thought to drive you there. Hindi rin naman ako busy ngayon." Aniya. Sumulyap kay Lawrence.
Saan niya narinig 'yun? Tsaka hindi siya busy? Ang CEO? Hindi busy? Himala. Ba't hindi nalang siya magrest ngayon kung hindi naman pala siya busy.
"Ah, oo. Party nung anak ng kaibigan ko." Sabi ko at lumingon ulit sa paligid.
Wala ba talaga? Medyo mainit na rin kasi.
"Mama, wala yatang tricycle ngayon." Sabi ni Lawrence.
Niyuko ko siya. Then napaangat ako kay Uno. He looked shocked and wondered. Pero nakabawi rin agad siya.
Tinignan muna niya si Lawrence. "Ihahatid ko na kayo doon. Mainit na. Baka walang dumaan na sasakyan."
Wala akong choice. Ang init na rin kasi. Patanghali na. We have to get there before lunch. The party will be start at eleven a.m. Isasakto sa lunch para doon na kumain.
Sa passenger seat ako sumakay. Sa likod naman ang anak ko. Ayos na seatbelt niya bago ko pa magawa ang akin. Wow. Bakit alam niyang ikabit iyon? Daig pa ako.
"Okay kalang d'yan, anak?" Tanong ko.
He smiled. "Opo, Ma."
Nasa byahe na kami. Ang anak ko ay nakadungaw sa labas ng sasakyan. Amazed sa mga nakikita sa labas.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...