Kabanata 5

23 6 0
                                    


Hiyang hiya tuloy ako at hindi makatingin sa boss ko. Parang gusto ko tuloy ipukpok ang ulo ko sa table.

Ano ba kasing iniisip ko?

Napabuga ako ng hangin. Maaga kong tinapos ang trabaho kahapon dahil sa kakahiyan. Gusto ko namang magpatanghali sa trabaho ngayon dahil sa nangyari pero hindi pwede. Bubungad pa rin sa akin si Sir Uno.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Inalala ko ang tunay kong pakay.

Saktong seven ay dumating rin siya. Hindi nalang ako nagpahalata na nahihiya. Baka kung ano pa ang isipin.

Sumunod ako sa kanya papasok ng office. Diretso naman siya sa swivel chair at inabot ang ilang mga folder sa table.

"Schedule for today?" tanong niya habang binubuklat ang mga folder.

Lumunok muna ako. "You have meeting with the marketing team at nine to ten this morning. And you have a visitor—Miss Darlene Jimenez at two pm." Imporma ko.

Tumango siya at hinubad ang black suit. Puting long sleeve shirt nalang ang natira.

Napalunok ulit ako. Ang laki ng katawan niya. Hapit na hapit ang damit sa kanya.

"Coffee, please." Utos niya na parang nasa café parin kami.

Mabilis akong tumalina at pinagtimpla siya. Black coffee lang ulit.

Bumalik ako sa table niya at nilapag ang kape. Itinulak naman niya papunta sa akin ang itim niyang card na ginamit ko kahapon.

"Take it. Buy foods again later for two people." Sabi niya.

Kinuha ko iyon at lumabas na ulit.

May bisita siguro si Sir Uno kaya dalawa ang pinabili niya.

Napailing ako ng maalalang wala akong baon dahil sinabihan niya ako kahapon. Ang sama.

Paano ako kakain? Gugutumin ba talaga ako? Medyo kaunti pa naman ang nakain ko nitong umaga.

Nagproofread ako ng ilang reports habang hinihintay lumipas ang oras. Nakakatatlo na ako at may dalawa pa. Kailangan kong matapos iyon para mabawasan ang mga trabaho ko bago dagdagan ulit.

Bago mag alas nuebe ay lumabas na si Sir Uno kaya sumunod na rin ako sa kanya dala ang isang notebook. Iniwan ko muna ang gawain dahil kailangan kong sumama sa kanya sa meeting.

Sumakay kami sa elevator. Pipindutin ko nasa ang twentieth floor nang maunahan niya ako. Umurong nalang ako para hindi kami magkatabi.

Awkward na nilibot ko ang tingin sa elevator. Salamin iyon kaya nahiya ako sa ginagawa ng magtama ang paningin namin. Nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Ayos lang ba ang trabaho mo? Hindi kaba nabibigatan?" tanong niya na ikinagulat ko.

Tumingin ako sa kanya saglit bago umiwas ulit. Nakatingin kasi siya sa akin!

"A-Ayos naman po." Kinagat ko ang dila sa loob ng bibig nang mautal na naman ako.

Hindi ko malaman kung para saan ang kaba ko. Takot kaya? Masyado kasi siyang awtoridad ang dating. Parang palaging seryoso sa buhay.

Nang balikan ko siya ng tingin ay may bahid ng inis ang mukha niya. Kinakabahang tumingin ako sa taas ng elevator para tignan kung nasaang floor na kami. Nasa thirty palang kami. Bakit pakiramdam ko ang tagal bumaba ng elevator nila? Hindi kaya may sira na iyon?

Nag-iwas nalang ulit ako ng tingin at yumuko. Nainis ko yata siya.

"Stop using 'po' . I'm not that old." Tiim bagang niyang sabi.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon