Kabanata 8

15 5 0
                                    

Kahit natutulala magdamag, nagawa ko pa ring gumising ng maaga. Actually, hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko gising ang diwa ko pero tulog ang katawan ko.

Madilim pa sa labas nang magsimula akong gumalaw sa kusina. Magaan lang ang kilos ko para wala akong maistorbong tao.

Napailing ako. Ba't naisipan kong ipagluto ang Boss ko?

Napagdesisyunan kong adobong manok ang lutuin. Kilala iyon at alam ko kung paano lutuin. Papalitan ko nalang ang manok na gagamitin ko.

Pinalambot ko muna ang manok dahil nagyelo ito. Tapos ay nagsaing na ako para sa lahat.

Hindi ko namalayan ang oras. Nang matapos ako sa pagluluto ay tinikman ko iyon para tignan kung maayos ba ang timpla.

"Okay na 'to..." Bulong ko sa sarili.

Hinugasan ko ang lahat ng ginamit kong kasangkapan at ibinalik sa pinagkuhanan. Sakto naman ng matapos ako ay pumasok si Mother Minda.

"Oh? Aga mo na naman." Aniya.

Ngumiti ako. "Magandang umaga po."

"Magandang umaga rin. Bakit ang aga mo? Oh? Nakaluto kana pala." Aniya habang tinitignan ang mga niluto ko.

Sinabay ko na kasi ang pagkain ng iba para hindi na sila maabala. Kaya ko naman kaya ako na ang gumawa.

"Ah, opo. Maaga po akong nagising at nangako po kasi ako sa Boss ko na ipagluluto ko siya ngayon." Amin ko.

Mataman niya akong tinignan. "Ganu'n ba?"

"Opo. Papalitan ko rin naman po ang ginamit ko. Pasensya na po."

"Ayos lang iyon. Malaki ang tulong mo sa amin at hindi naman kami nagdadamot." Tawa niya.

Nahawa na rin ako sa kanya. Ilang kamustahan pa ang ginawa namin bago ako bumalik sa kwarto namin ni Lawrence. Tulog pa ito at mahimbing iyon.

Lumapit ako sa kanya. Sumagi na naman sa isip ko ang binigay sa akin ni Budoy kahapon.

Itinabi ko muna iyon at naisip kong saka ko na babalikan kapag handa at okay na ang lahat. Sa ngayon, hindi pa ito ang tamang oras.

Hinaplos ko ang ulo niya. Napangiti ako nang mahina siyang bumuga ng hangin.

Ang laki na niya. Ang paglipas ng taon ay hindi ko na namalayan. Ang tagal na pala naming magkasama. Ang tagal ko na pala siyang inaalagaan. Pero dapat sa mga panahon iyon...

Malungkot akong ngumiti. Hinalikan ko siya sa noo at pumasok na sa loob ng bathroom.

Nang matapos akong maligo ay tinuyo ko lang ang buhok ko at hindi itinali katulad ng nakasanayan. Hinayaan kong nakabuhaghag ang mahaba kong buhok.

Ayos na ako nang magising si Lawrence. Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Good morning!"

"Good morning rin, Mama." Aniya. Kinusot niya ang mata at kumapit sa baywang ko.

"Kumain ka, ha? Ako nagluto." Hinaplos ko ang ulo niya at hinalikan.

Tumingala siya sa akin. "Talaga po?"

"Yup. Kaya ubusin mo ang ibibigay sayo, ha?"

"Okay po." Pinagmasdan niya ang suot ko. "Papasok kana po ba sa work?"

"Oo. Kaya kailangan, magpakabait ka ulit."

"Sige po. Promise, Mama."

Ilang beses pa niya akong hinalikan sa mukha bago tumakbo sa bathroom.

Mission: SandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon