Maaga akong gumising dahil linggo. Tutulong ako sa pag-aalaga ng mga bata. Linggo nalang rin kasi ang naibibigay ko para tumulong.Nang balingan ko ang katabi ay humalik ako sa noo niya pagkatapos ay bumangon na ako at naligo. Maraming gawain sa orphanage.
Nang makaligo, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Naabutan ko roon si Mother Minda. Isa sa mga madre sa orphanage na tinutuluyan ko.
"Oh? Ang aga mo namang nagising?" Bungad ni Mother. Naghihimay siya ng gulay sa lamesa.
Lumapit ako. Nginitian siya at tinulungan na ring maghimay.
"Linggo po, e. 'Yun nalang po mailalaan ko dito."
"Naiintindihan ko naman iyon, Lili. Hindi ka naman nagpapabayang tumulong dito tuwing meron ka." mahinahong sabi niya at ngumiti rin.
"Kahit na po, pakiramdam ko, kulang pa iyong sukli sa pagkupkop n'yo sa amin." yumuko ako.
Limang taon na simula ng kupkupin kami ng orphanage nila mother Minda. Iyon rin ang binigay na address ng nag-iisang kamag-anak ko.
Kung wala ang orphanage at ang mga madre roon, baka nagpalaboy laboy na kami.
"Ano kaba? Sinabi ko na sa iyong wala iyon. Bukas ang bahay ampunan sa lahat. At malaki rin ang utang na loob namin sa tito mo." lumungkot ang boses niya sa huling sinabi.
Napatingin ako sa kanya. Naalala ang taong nabanggit. Ang tito ko. Hindi ko man siya nakasama ng matagal, alam kong mabuti siyang tao.
"Kung nandito man siya, magiging proud iyon sa iyo." pambawi niya. Bumalik na rin ang sigla ng boses niya.
Tumango ako. Inalis ko lahat ang negatibong naiisip dahil ayokong maapektuhan ang araw ko.
Nang matapos kaming maghimay, sinumulan na rin naming magluto. May taga luto naman pero tumulong pa rin ako. Sa ganoong paraan man lang, makatulong ako.
"Paabot nga ng asin, Lili." utos ni manang Esme. Iyong taga luto.
Inabot ko sa kanya ang garapon at binalikan ang hinihiwang bawang at sibuyas.
Napasingkot ako ng pinipino ko ang sibuyas. Bakit ba kasi nakakaiyak ang gulay na iyon?
Dahil sa inis ay gigil kong tinadtad iyon.
Narinig kong tumatawa si mother Minda sa likod ko.
"Pinanggigilan mo na naman iyang sibuyas!"
Napasibangot ako. E, sa nakakainis ang sibuyas! Dapat talaga may shield ang mukha ko kapag naghihiwa ako ng alien'ng gulay.
"Ba't kasi nakakaiyak ang isang 'to?"
Suminghot pa ako.
Tumawa lang si mother at manang Esme at hindi na ako pinansin.
Naghugas ako ng kamay. Tinapon ko na rin sa basurahan ang mga kalat nang may tumawag sa akin galing sa pinto ng kusina.
"Mama!"
Napangiti ako. Ipinunas ko ang kamay sa apron at nilahad ang braso para sa isang yakap. Tumakbo siya papunta sa akin.
"Akala ko po, umalis ka." malungkot niyang sabi.
Hinalikan ko siya sa noo.
"Hindi ako aalis ngayon. Linggo, di'ba?" nakangiti kong sabi.
Lumiwanag ang mukha niya ng marealize ang sinabi ko.
"Oo nga po pala!" masigla niyang sabi. Nagtatalon pa siya.
"Kaya buong araw tayong magkasama ngayon."
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...