Napabalingkawas ako ng higa nang marinig kong umiiyak si Lawrence. Nakatulog pala ako dahil sa pagod kakabantay sa kanya sa nagdaang mga araw.
Si Ate Sandra ay nasa lamesa at nagtitimpla ng gatas sa bote.
"Ako na d'yan, Ate." Sabi ko.
Kinuha ko iyon sa kamay niya at pinagpatuloy ang pagtitimpla. Siya naman ay nilapitan si Lawrence at pinatahan.
"Ayos naba ang pakiramdam mo?" Tanong ko nang matapos sa ginagawa.
Ngumiti siya. "Ayos na." Umubo siya kaya nilayo niya ang sarili kay Lawrence.
Binigay ko muna ang gatas kay Lawrence bago kumuha ng tubig at pinainom sa kanya.
Nitong nakaraang araw ay nilagnat siya at sinipon. Halata ring nangangayayat siya. Palagi siyang nawawalan ng gana kahit wala naman siyang kinakain.
Hindi ko maiwasang malungkot. Hindi namam niya sabihin, sobra na siyang nangungulila sa pamilya niya. Palagi ko nalang siya naaubutang umiiyak kapag pupuntahan ko sila. Palagi rin niyang hindi sinasabi ang dahilan.
Kung si Lawrence ay lumalakas na ang buto at nakamahakbang na, siya naman ay parang gulay na nalalanta. Pero hindi kailanman kumupas ang ganda niya. Mukha pa rin siyang anghel kahit pumayat.
"Inuubo kapa. Magpahinga ka muna." Sabi ko.
Nakayuko siya. Minamasdan ang basong hawak niya. Kinuha ko si Lawrence at kinandong sa akin.
"Lili..." tawag niya.
"Hmmm?"
Tumingin siya sa akin. Ang mga matang mapupungay ay puno ng kalungkutan at luha.
Napaawang ang mga labi ko. Sanay akong sa mapupungay niyang mata dahil ganoon na talaga iyon pero ang lungkot na nakikita ko, tila napuno na pero hindi mapakawalan.
"N-Noong isang linggo, habang naglalaro kami ni baby... may narinig ako." Nanginginig niyang sabi sabay nang paglandas ng kanyang mga luha.
Pilit kong inabot ang mukha niya kahit pati ako ay nahihirapan at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kamay ko.
"Anong... narinig mo?" mahina kong tanong.
Humikbi siya. Umiling at kinagat ang pang-ibabang labi. Huminga siya. "Ang s-sabi... kilala ko ang may gawa nito sa akin." Tuluyan ng pumiyok ang boses niya at tuloy tuloy ang mga luha.
Hindi ako nakapagsalita. Ang madukot ng hindi mo kilala ay masakit na. Ano pa kaya kung malalaman mo na kilala mo pala talaga ang may pakana ng bagay na iyon?
"Hindi ko inaakalang may gagagawa nito sa akin. At malapit pa sa akin." Ilang beses siyang umiling muli.
"Narinig mo ba kung sino?" Tanong ko.
Maaaring mapanagot niya iyon kapag nakalabas na siya rito. Matatahimik na ang buhay niya kung mangyayari nga iyon.
"Hindi ko alam kung sino..." kagat labi niyang sabi.
"Huh?"
"Pero kung totoo iyon, sino sa mga tao sa paligid ko?" tanong niya sa akin na parang masasagot ko iyon.
Nanlulumong nakatingin lang siya sa akin at umiyak ng umiyak. Sa awa ko ay hindi ko siya matignan ng diretso. Ang sakit na pinapakita niya ay hindi ko kinakaya.
Nang tumahan siya ay pinahiga ko siya sa tabi ni Lawrence. Nakatulog rin kasi ang bata habang hawak ko.
Pinagmamasdan ko siya. Tulala lang siya sa pader at patuloy na tumatangis.
BINABASA MO ANG
Mission: Sandra
General FictionMay mga bagay na hindi atin pero gustong gusto nating makuha. May mga bagay namang meron na sa atin pero nawawala pa. Para kay Lilibeth Estrella, isang achievement ang maging kaibigan si Sandra sa kulungang kinalalagyan niya. Ang pagmamahal na ipina...